Mga Pahina

Miyerkules, Hulyo 25, 2012

Bobong Pag-ibig :)


Hindi mo alam kung ga'no ako katagal nananatili dito. Pilit kong hinihintay ang pagbabalik mo.

Akala nga ng mga kapitbahay namin ay nababaliw na ako. Pano ba naman, hinahangad ko lang ang pag-ibig mo.

Sabi mo kasi, di mo ako iiwan. Pero umalis ka. Napakatagal. Ano ba ang iyong inaasahan? Alam mo namang maghihintay ako magpakailanman.

Lagi lang akong nakaupo rito. Hindi na nga makakain at hindi na rin makaligo. Kita mo mukha na akong gusgusin at mabaho. Badtrip ka naman oh! Sabihin mo lang kung ayaw mo... nang makababa na ako dito sa bubong.

Wag mo lang ulit ipapakita yang mukha mo... Naku humanda ka, dahil sayo pumanget ako!!! Araw araw akong "bad hair day"... araw araw ko ring suot ang puting damit na to. Sabi mo kasi wag akong magbabago... kaya literal na wala akong binago para sayo!

Kita mo naging bobo na ako. Dahil yan lahat sa pagmamahal ko sayo. Kaya't wag lang kitang makita kasama ang kabit mo, tatalon talaga ako mula dito sa bubong. Sisiguruhin ko talagang mahuhulog ako... pero hindi na muli sa iyo.

14 (na) komento:

  1. bakit nga ba nakakabobo ang pag-ibig?

    TumugonBurahin
  2. it's wonderful to fall. basta enjoy lang ang buhay.

    TumugonBurahin
  3. The best ang finale words! Okay lang na magpakabobo minsan sa pag-ibig pero pag over na aba e tama na! Parang walang sense sinabi ko, haha..

    TumugonBurahin
  4. ako nging bobo n din sa pa-ibig...gnun tlga!

    TumugonBurahin
  5. wow lakas mka teleserye lalo ang last line hehe atleast you have learned a lesson haha dti nga sinasabi ko sa mga tropa sa daan ng buhay pagibig madaming basurang tatalisod sayo maaring masyado mlakas pagkabagok mo maaring bulok mapulot mo o maari din nmng ginto na haha

    TumugonBurahin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...