Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2012

Bubot na Tsiko nga ba?

BAHA -jep buendia- Tuwang-tuwa si Marimar dahil baha na naman sa kanilang lugar. Yung kalsada sa labasan ay nagsilbing instant swimming pool ng mga bata. " Hoy!!! Dali, bilisan niyo. Dito oh medyo malalim, makakalangoy tayo! " Damang-dama niya ang pag-iimbita, seasonal lang kasi ang mga ganitong eksena. Dali-dali namang nagsunuran ang mga kaanib niya. Marimar: Betong, wag mo masyadong i-nganga yang bunganga mo! Betong: * super saya sa paglangoy * Eh bakit ba? Di ako makahinga eh baka malunod ako! * sige pa rin ang pag-eexplain at paglantod ni betong sa tubig* Nang biglang... Betong: * eh nakanganga pa rin * Urk!!! * ubo-ubo * Marimar: Oh anung nangyari sayo? * nilapitan si betong at tinapik ang likod nito* Betong: May nalunok ako!!! * ubo-ubo pa rin* Marimar: Ano yun? Iluwa mo dali! Nganga ka kasi eh :) Betong: Nakita ko... kulay brown eh!!! * naiiyak* Marimar: Yak!!! Tae yun Betong! Tae! Kadiri! Betong: * umiiyak * Hindi... di yun ...

Isang Araw sa Buhay ni Lukresya

LUKRESYA -jep buendia- " Hoy! Lukresyang baluga, maligo ka naman nang pumuti ka !" pasigaw na panlalait ng isang batang iskwater kay Lukresya, walang humpay na tawanan at panlilibak na naman ang kanyang naranasan mula sa mga kalaro niya. Hindi napigil ni Lukresya ang sarili. Di niya napigilan ang galit. Kahit maliit ang pangangatawan, sumugod pa rin siya, tulad ni Taguro ginamit niya ang kanyang 100 porsyentong lakas at nakipagbuno sa mga kaaway. Ang ending, dahil feeling malakas si Lukresya, ayun lupaypay at may black eye :) Gula-gulanit ang damit... daig pa ang nahalay lol.  Wala siyang magawa... kundi ang umuwi sa Ina. Lukresya : Ina, bakit ba inaasar nila akong baluga? Ina: Di pa ba obvious anak? Isa kang negra! Itim ang iyong kulay, loka loka ka talaga! Alam mo namang totoo eh bakit ba pinatulan mo pa sila? Kita mo nangyari sayo! Lukresya: Pero Ina, gumagamit na ako ng papaya? Di pa ba yun sapat? Ina: Masyado kang naniniwala sa mga komersyal... ...

Emo Rain Again

ULAN -jep buendia- Bakit ba bigla ka na lang nawala? Akala ko ba di mo na ako iiwan? Heto ako ngayon nag-iisa... Lumuluha kasabay ng buhos ng ulan. 1. Hanglamig naman. Nakakaantok. Sarap matulog :) 2. Ang lakas ng ulan... aabot kaya 'to hanggang bukas? *para walang pasok haha* 3. Nagmasipag ako kanina. Ang dami kong tsinekan at nirekord. In other words, pinarusahan ko na naman ang sarili ko dahil sa aking kaunting katamaran :) Pero oks lang, nag-enjoy naman ako *ang weird nga eh* samantalang yun ang pinakaayaw kong gawin. 4. Ganun pa rin ang sabado... tulala moment *meditation time* 5. Sana may chatbox din dito sa blogosphere katulad sa fb :) 6. Marami na naman akong binabalak... na hindi naman talaga matutupad. 7. Ewan ko kung bakit naghahanap ako ng mentor... *protege?* 8. Sana may mabasa pa akong libro. Di na ako nakakabili eh. 9. May magpasaya kaya sa akin bukas? :) 10. Gusto ko ng makakausap. Yung matino haha :) *di tulad ...

Padyak at Pagpag

PADYAK -jep buendia- Wala akong magagawa. Kailangan gising na ako bago pa sumikat ang araw. Kailangan kong magpadyak para sa kanila. Ito na ang trabaho ko. Sa ganitong paraan ko na rin binuhay ang pamilya ko. Dapat akong kumita, kahit pa kaunti lang, dahil kung hindi... wala man lang akong iaabot na pambaon sa aking mga anak kahit limang piso lang. Yung may manguya man lang sila sa eskwelahan. Mahirap... pero kailangan kong tiisin... ang puyat, pagod at init ng panahon. Lahat ng ito para sa kanila... sa aking pamilya. Minsan nasisiraan na rin ako ng loob. Hindi lang kasi perang panustos ang pinoproblema ko. May sakit din na tuberculosis ang asawa ko. Sumasala na nga kami sa pagkain... gamot pa kaya ay mabibili pa namin? Naaawa na rin ako sa mga bata, baka kasi sila rin ay mahawa. Anu naman ang magagawa ko? Tanggap ko na sa sadyang mahirap lang kami dito sa mundo. Minsan iniisip ko kung kakayanin ko pa ba... Kung sa bawat padyak ba ay matatapos din ang aming paghihirap...

Bobong Pag-ibig :)

Hindi mo alam kung ga'no ako katagal nananatili dito. Pilit kong hinihintay ang pagbabalik mo. Akala nga ng mga kapitbahay namin ay nababaliw na ako. Pano ba naman, hinahangad ko lang ang pag-ibig mo. Sabi mo kasi, di mo ako iiwan. Pero umalis ka. Napakatagal. Ano ba ang iyong inaasahan? Alam mo namang maghihintay ako magpakailanman. Lagi lang akong nakaupo rito. Hindi na nga makakain at hindi na rin makaligo. Kita mo mukha na akong gusgusin at mabaho. Badtrip ka naman oh! Sabihin mo lang kung ayaw mo... nang makababa na ako dito sa bubong. Wag mo lang ulit ipapakita yang mukha mo... Naku humanda ka, dahil sayo pumanget ako!!! Araw araw akong "bad hair day"... araw araw ko ring suot ang puting damit na to. Sabi mo kasi wag akong magbabago... kaya literal na wala akong binago para sayo! Kita mo naging bobo na ako. Dahil yan lahat sa pagmamahal ko sayo. Kaya't wag lang kitang makita kasama ang kabit mo, tatalon talaga ako mula dito sa bubong. Sisig...

Wag na Lang...

" I believe in responsible parenthood." Nadismaya lang ako sa napanuod ko sa face to face... Lagi na lang kasing ganun ang mga problema. Mga pamilyang nag-aaway, mga "eskabeche" (kabit stories), pagtataksil, mga pabayang magulang, pakikiapid etc... na ang ending- napapabayaan ang kanilang mga anak. *sad* Pero... di naman talaga ako sa programa nagrereklamo eh, nadismaya ako kasi ganito na ba talaga ang kalagayan ng mga pamilya ngayon? 1. Hay naku. Naniniwala ako na wala kang karapatang magkaroon ng pamilya kung sarili mo lang din naman ang iniisip mo. Kawawa naman ang mga anak. 2. Nakaka-disappoint lang  na kung sino pa yung matatanda na aasahan mong gagabay sayo eh mukhang sila pa ang dapat pangaralan. 3. Tatay ka nga... di mo naman minamahal ng lubusan ang iyong mga anak. Mas mahal mo pa ang alak... at ang makipaglaklakan sa mga katropa. 4. May mga nanay din na parang "accessory" lang ang mga anak. Pagkaluwal, bahala na sa buhay... mapak...

Nagugutom Ako

"I am always preoccupied by the idea that life can offer more than what I have right now." Don't get me wrong... (haha, natatawa ako pag nag-eenglish tama na nga ang sapi na ito...) Yun nga. Hindi naman sa naghahangad ako ng mas marami pa. Ang ibig kong sabihin, napakarami pang bagay ang gusto kong gawin, matutunan, ma-experience, ma-explore, makilala, makausap, mabigo o mapagtagumpayan. Maraming marami pa. Lagi na lang yan ang nasa isip ko. Kainis. At mas lalo ko pa yang iniisip kapag kinabukasan ay alam ko na kung anu-ano ang mangyayari sa akin... Lam mo naman, I'm trap in a paulit-ulit routine life... na ayoko talaga. Ayoko ng napaka-predictable na buhay. Parang isang pelikula lang na wala man lang thrill, suspense at kung anu-ano pang element of surprise... yung tipong ayoko ng plain rice... gusto ko ng over, exotic, super natural organic fried rice lol :) Basta. Habang tumatagal mas lalo lang akong nagugutom sa buhay na gusto ko. Hindi ako naghahangad ...

Nag-Audition ako sa PBB :)

Home alone ang drama ng buhay tuwing sabado. Yung tipong, paggising ko ay nakaalis na ang mga kasama ko dito sa bahay at ako na naman ang maiiwan mag-isa... for the rest of the day. Ako lang naman kasi ang walang pasok kapag sabado. 1. Yung tipong wala kang makausap kundi ang tv at ang computer. 2. Kakain ka ng mag-isa habang nanunuod ng tv. Sya nga pala binubuksan ko maghapon ang tv namin may marinig lang ako na ingay :) 3. Haharap ka na lang sa salamin at kakausapin ang sarili. 4. Maglilinis ng bahay (kunwari) at maglalaba ng uniform. 5. Sarado ang mga bintana, nakababa ang mga kurtina. Wala akong nakikita mula sa labasan namin. Mala-bampira lang... ayaw maarawan :) 6. Nakahiga maghapon kasi nakakatamad ang mga moment na ganito. Mag-iisip nang mag-iisip... hanggang wala nang maisip. 7. Makikinig mula sa mga ingay sa labas (nakikitsismis lang). Maririnig ang mga murahan ng mga batang paslit na naglalaro na kaysarap buhusan ng mainit na tubig hehe (bad). Bata bata pa luto...

Usap at Script

Scripted LIFE... Kung ang buhay ko ay katulad ng isang script na naisulat ko noon para sa aming play nung high school, marahil ay marami akong gagawing pag-eedit. Yung tipong, aayusin ko ang lahat ng mangyayari mula umpisa hanggang ending. Siguro maisusulat ko na ang isang script ng perpektong buhay. Yung ang ending ay ang palasak na " and they lived happily ever after ." Pero ang lofty dream ko na ito ay di mangyayari kailanman. Nakatakda na talaga ang pagkabigo at tagumpay sa kahit sino man. Sabi ko nga eh, kung may panget man na script na naisulat sa buhay ko, meron pa rin namang chance para sa " turning point " ng kwento. Di naman kailangan na lahat ay mangyaring maganda... minsan we have to take the good things with the bad ones . Minsan talaga ang buhay ay puno ng drama, meron ding comedy, action o suspense... kahit ano pa yan... patuloy pa rin ang buhay. Tuloy pa rin ang ating pagganap sa script ng ating buhay, kung saan tayo ang super bida :) at ang nasa...

Ang Fireworks at 3 Bagay na Aking Natutunan

Fireworks... again? Tamang badtrip lang yung mga kawad ng kuryente dito sa may poste namin. Sabado at linggo nag-ala fireworks na naman ang mga kable. Yung tipong tinatapos ko yung syllabus na kailangan ko na ipasa, tapus saka pa nawalan ng kuryente... ang ending, di pa ako nakapagsubmit, eh lunes ang deadline. Aray :( Akala ko rin ay papasok ako ngayon na gusot ang uniform. Salamat na lang sa mga taga-meralco... alas onse ng gabi nagkailaw na ulit... yun lang eh nagplantsa pa ako ng gusutin kong uniform hanggang 1:00 AM. Napuyat ako dahil sa fireworks na yan. Yung totoo... aminin na yan... uso na naman ang mga "jumper baby" :) I have learned... In my 23 years of existence (Venus Raj ulit ang peg?), natutunan ko na: 1. I have to choose my battles. Pang artista lang ang tag-line? Eh sa kanila ko rin naman talaga nakuha ang linya na yan. Natutunan ko na wag patulan ang kung anu-anong mga bagay sa aking buhay. Minsan kailangan lang natin piliin kung alin sa mga iyon ang...

Super Bday! :)

Isang taon na naman ang nadagdag. Dalawampu't tatlong taon na akong nabubuhay. -jepbuendia x-o-x-o-x 1. Iba na ang birthday kapag tumatanda kana, di na masyadong excited (totoo yan). Yung tipong iisipin ko na lang kung ano ba ang mangyayari sa akin buong araw... espesyal man o hindi, oks lang :) Pero yung nangyari kahapon, super saya at memorable talaga :) 2. Iba rin ang birthday kapag tumapat ng first friday mass :) Yung tipong may misa sa school at mega announce na bday ko kahapon :) (july 6). So lahat ay informed, parang suspension lang ng klase. 3. Parang holiday lang ang naramdaman ko :) Yung totoo ayoko na lumabas ng faculty dahil sa bawat student na makakasalubong ko ay walang humpay na "happy birthday" ang bati :) Syempre mega "thank you" naman ako :) Trending ang hapi bday na pagbati sa mga tenga ko mula umaga hanggang gabi :) At super kanta ng hapi bday song sa bawat klase na papasukan ko :) Ang ending, pagkatapos kumanta, a...