Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2012

Live More!

"I want to live more." Minsan naiisip ko nakaka sawa rin ang mga daily routines ng buhay. Kaya nga ako na lang din mismo ang gumagawa ng mga "baliwan mode" para lang may maiba sa buhay kong ito :) Sana, hindi lang ako basta bumabangon sa higaan, wala man lang thrill . Gusto ko sa pagmulat ng aking mga mata sa umaga ay may bumabagsak na isandaang kutsilyo mula sa kisame ng bahay na dapat kong maiwasan :) Oh di ba, sa ganung paraan, tiyak magigising ako kahit walang alarm clock. x-o-x-o-x Siguro, kung wala lang akong obligasyon sa aming pamilya ay pipiliin kong maging social worker . Masaya siguro na mabuhay sa pinapangarap mong paraan. Hindi ko naman talaga gustong yumaman. Kuntento na ako kung maipapatayo ko ng magandang bahay sila mama at papa, makakain ng sapat sa araw-araw, may panggastos sa mga pangangailangan, at pambayad sa lahat ng bills :) Yun lang, oks na yun. Kaso, di ko pa nagagawa yan sa ngayon. Naisip ko lang, kung papayagan nila akon...

Blogger o Facebook?

Sa ngayon ay mas ninanais ko pang tambayan ang blogger kaysa sa facebook. Minsan nakakasawa talaga ang magcheck ng facebook account. 1. Yung tipong pati mga kakainin na lang ng mga ka-fb mo (almusal, tanghalian at hapunan pati merienda) ay pino-post pa talaga :) kakaumay. Tapus sasamahan pa ng "ito ang almusal ko! kain tayo! (weh? haha) Pwede namang kumain na lang ng derecho di ba? Hindi ka ba mabubusog kapag di mo pinost yung pagkain mo? lol. 2. Mga status update na di naman talaga update . For example; "ligo na ako"   "out na me"   "gudmorning mga ka-fb"   "gudpm, sino gusto ka pm"    "nandito na si klengklang"   "haist super traffic"   "nuod muna me"   "birthday ko, greet nyo ako"   at marami pang iba na di ko masikmura haha. Pati pagligo ina-update na rin?  3. Mga post na di naman ka-like like (haha) yung tipong sya na nga yung nagpost, sya pa nag-like sa post nya, at sya pa rin ang...

Wala Ka Nito :)

Bago matapos yung nakaraang school year, sinubok ko ang mga estudyante (3rdyr at 4thyr) na lumikha o mag-imbento ng isang bagay kung saan maipapasok nila ang kanilang mga natutunan sa science; ang likha ay dapat unique , kapakipakinabang at maipapakita ang pagiging resourceful . Naging mahirap para sa iba, lalo na yung mga tamad hehe, pero naging madali at masaya naman para sa mga mag-aaral na likas ang pagiging malikhain (o pagiging maloko? hehe) Narito ang ilan; 1. may gumawa ng kendi gamit ang kamatis 2. may nagpropose ng isang project plan para makapagtayo ng isang bahay na lulutang sa baha (kasi nga naman bahain ang lugar namin) 3. meron ding bicycle na pwede pang gamitin na pantanggal ng damo 4. lotion  na gawa sa saging at honey (super apply pa ako sa balat para matesting, ang ending super lagkit ko din haha) 5. makabagong upuan na pwedeng mag-exercise  at marami pang iba :)  (many to mention hehe parang slumbook lang) pero ang pumatok talaga sa ...

I Love Palengke

Gustong-gusto ko talaga ang pumunta sa palengke :) Feeling ko kasi bukod sa loob ng bahay, yun lang din ang isa sa mga lugar na pwede kang mag- haggard look hehe. Kaya kaninang umaga, kahit bagong gising pa lang, go ako sa pagsama kay madir sa pamamalengke nya, in other words, effort less ang self preparation kung sa palengke ka lang pupunta, lalo  na ngayong summer, " in " talaga ang haggardness :) Ang badtrip lang sa munting kasiyahan kong ito ay kapag may nakakakilala sa akin sa kabila ng " haggard disguise " ko. Yung tipong nag-eenjoy ako sa pagmamasid ng mga tinda sa tiangge tapus biglang may sisigaw na " uy sir! kaw pala yan! " tapus sabay tingin mula sa dulo ng iyong kuko sa paa hanggang sa dulo ng mga fly away kong hair. Ang saya lang di ba? Sa laki kong to, maitatanggi ko bang ako nga to. Di na ba ako pwedeng mabuhay ng malaya sa mundo? May karapatan din akong maging haggard haha. Makibaka!!! Wag matakot, maki-haggard!!! :) Yun lang ang mah...

AI-baliw-DATE

Oo na.. Lunes ngayon. 1. Excited na ako kung sino ang mananalo sa American Idol. Kakayanin ba ni Jessica Sanchez ang " karisma " ni Phillip Phillips ? Ngayon pa na napabalita na may sakit si Phillip, at imbes na magpaopera ay pinili nya munang tapusin ang season finale ng AI (buwis buhay lang). Kaya naisip ko baka makisimpatya ang madlang Americans sa kanya at bumoto ng over. Gayunpaman, oks lang sa kin kahit di manalo si Jessica, lam ko namang at the end of the day (is another day?) may patutunguhan pa rin ang kanyang career. Yun lang. 2. Mga inaabangan kong date : May 25 - announcement ng winner sa Bagsik ng Panitik ni  Bino . Handa na akong mag-congratulate sa mananalo. Oo masaya na ako dun. Yung pagsali pa lang (first time) ok na yun sa akin. Saka nabasa ko rin yung gawa ng ibang kalahok, at talaga namang maraming mahuhusay! So tanggap ko na ang katotohanan haha. Better luck next time ang drama :) June 4 - opening ng klase. How i wish sa june 13 na ...

LadLad & LGBT (BalikTanaw FSblog)

(November 23, 2009) Naging usapin ngayon ang tungkol sa pagtangging ginawa ng Comelec sa grupong “Ang Ladlad” upang maging isa sa mga party list group sa darating na eleksyon. Ang “Ladlad” party list ay binubuo ng mga gay, lesbian, bisexual at transgender. Sabi pa ng Comelec naging basehan daw nila ang mga “teachings” sa Bible at Koran… at syempre pati na rin ang sarili nilang desisyon (aminin yan!). Di raw maganda ito para sa kabataan (tulad ko hehe) at sinabi pa nila na ang pagiging isang gay/ lesbian/ third sex ay imoral… (ayon lang naman ‘to sa kanila).      Kaya naman… anu pa ba ang aasahan mo mula sa madlang people… ayun, ipnagsigawan ang kanilang mga hinaing! Syempre naman tutol sila sa naging desisyon ng Comelec. Sa saturday issue nga ng Inquirer, may isang article dun na naglalaman ng galit/ puot/ pagkasuklam/ himagsik/ rebolusyun (hyperbole?!) ng mga taong pro- Ladlad. Sabi nila, tila nabubuhay pa ang Comelec sa Dark Ages… at isa itong malin...

Clinton is Here! (BalikTanaw FSblog)

(November 13, 2009)      Yehey! Nagawa ko ring ayusin ang mga gamit ko… Yun ang pangarap ko eh, natupad na haha!      Kung meron man akong di naayus… mga 5 to 8 percent lang siguro (kalkulado ko yan). Kakapagod… ilang araw akong tinamad… kaya ilang araw ko din bago pinagsawaan ang pag-aayos ng mga papel (na ibinasura lang naman), mga maaalikabok na gamit at pati mga picture sa cellphone ko ay napagtripan kong i-organize (congratulations!). Pero syempre di dapat matuwa dahil… di rin yun magtatagal… baka sa simula pa lang ng darating na sem (last na ‘to) ay bumalik na rin yun sa dati… yun naman ang normal na ayus ng gamit ko eh- MAGULO!     At anu pa nga bang mas makabuluhan pang nangyari sa araw na ito? Eh may usb cable na ako kaya nakapag-upload na ako hehe. (Ang babaw.)      Ay meron nga pala… bumisita pala ngayun si Hillary Clinton… Sino bang may pakialam sa pagbisita nya?! At ano ba talaga ang pakay nya dit...

First Time Applicant (BalikTanaw FSblog)

(March 26, 2010)   “Kung mataas lang ang sahod ng isang teacher… eh di sana di na ako naghangad pang maging call center agent.” March 25- Gumising ako ng maaga, may interview kasi ako sa Ortigas sa isang call center company. Hindi talaga ako sigurado kung matatanggap ba ako o kaya’y kung ano ang mangyayari after. “Oi umalis ka na, kala ko ba 6:30 ang usapan nyu, late ka na oh ala sais na,” sabi ni mama. “Wag ka mag-alala ma, late din naman yung mga kasama ko, (hehe),” yun na lang ang naisagot ko. Lampas 6:30am na nang dumating ako sa aming meeting place- Mang Inasal, Malinta. At tsaran! Ako pa ang nauna, (hehe). Sabi ko na nga ba tama ang sinabi ko, (hehe). Himala atang nauna pa ako sa kanila, samantalang lagi naman ako ang humihingi ng pasensya kasi lagi talaga akong late (masamang kaugalian, hehe). At dahil dyan… walang nagtext! Kahit isa sa kanila ay wala pang nagtetext kung nasaan na sila… Kinuha ko ang cellphone at nag-GM. “Wer n kau? d2 n me!” Tapos isa-isa na ...

Ma, kelan puputi ang uwak?

Dahil mother's day ngayon (at kahit parang nakakaumay na makakita ng hapi mother's day greetings) syempre di pa rin ako pahuhuli na ipagsigawan sa sansinukob that I have the best mom in the universe!!! (sobra?) 1. Kahit ginapos ako ng nanay ko sa gate nung bata pa ako, OK lang (makakaganti rin ako lol) kasi natuto na ako ng magpaalam sa kanya kung saan ako pupunta, kahit maglalakwatsa lang. 2. Kahit panget ako mag-drawing , salamat pa rin kahit napagkamalan niyang baboy yung ginuhit kong aso nung grade 1 ako hehe. Proud ko pa ring pinakita yun sa mga uhuging klasmeyt ko (ang rude ko lang hehe) at baon ko pa rin ang pampalubag loob niyang " ok lang yan, at least kaw ang may gawa " :) 3. Napaka tapang niya dahil handa niyang awayin ang kahit sino kapag may umapi sa patpatin niyang anak tulad nung sipain ako ng isang bakulaw na lalaki na napaatras sa super kame hame wave ni mama haha. Taob siya!!! 4. At dahil di niya talaga mapaganda ang pagdrawing ko, s...

Agawan Base: It's more fun in the Philippines

Sinabi ko na noon na di na ako gagawa pa ng mga post na tumatalakay sa mga social or political issues , pero di ko talaga maiwasan :) Feel na feel ko talaga ang maging aktibista . Gusto ko talagang ipagtanggol ang sambayanang Pilipino pati na rin ang kalupaan at likas-yaman nito, that's all thank you! Mabuhay :) (Q&A lang?) Di ko mapigil na wag gumawa haha, mapagpatol kasi akong tao :) Lalo na pag inaapi ang mahal kong Pilipinas! (super makabayan lang). Katulad na lang ng nangyayaring tensyon sa pagitan ng China and Philippines . Ewan ko kung bakit trip na trip agawin ng China ang Scarborough Shoal eh kung titingnan naman sa kahit anung mapa , luma man or bago, eh talaga namang mas malapit ang islang iyon sa ating bansa. Bukod dun ay pasok pa rin ito sa ating exclusive economic zone , in other words, tayo talaga ang may karapatan dito. Pero dahil singkit ang mata ng mga Chinese (pasensya na) ay baka di nila nakikita ng malinaw ang mapa :) Ayon nga sa balita...

Panain na lang ang Panamanian National :)

Nakakatuwa lang ang ilang balita ngayon sa TV... di ko alam if kelangan ko bang mag-react , papatulan ko ba or dedma na lang :) Pag pumatol ka kasi, sasabihin ng iba " nu ba yan, pati ba naman dyan nagrereact ka pa! " kapag wala ka namang ginawa at dinedma mo lang maaaring sabihin ng iba o ng sarili mo mismo na " anung klase kang mamamayan ng Pilipinas? wala kang kwenta! wala kang pakialam! " (weh? nagpapaka-deep lang). So, magrereact na lang ako! wapakels na lang! (weh ulit? yung totoo ay wala ka lang mai-post) #1: Immunity: Survivor lang? Nakakaloko yung nangyari sa isa nating kababayan . Ayon sa babae, pinagsamantalahan sya ng isang Panamanian national . Nagsampa sya ng kaso pero nabalewala lang dahil isa palang diplomat sa ating bansa ang may sala, at ayon sa pinaiiral na batas (na hindi naman patas) may " immunity " daw ang pagiging isang diplomat, so hindi sya makakasuhan , lakas lang ng resistensya di ba? Immune na immune! :) Ibig sa...

Kay Susan Tayo! :)

Nakaka-touch, nakaka-iyak at nakaka-inspire pa rin ang video na ito kahit ilang beses ko na itong napanuod :) Isa itong matinding patunay sa kasabihan na "don't judge a book by its cover" (haha lakas lang maka-kowts)