Lumaktaw sa pangunahing content

"...kahit walang popcorn at drinks."


Ika-05 ng Oktubre, 2014
Linggo, 11:55 ng gabi


            Nakaka-miss naman yung mga gabi na sama-sama kaming nanunuod ng tv. Si mudra, pudra pati na tatlo kong mga nakatatandang ate. Nung mga panahon na bata pa kami… nung ako pa ang pinaka-bunso sa lahat.

            Na mala-sinehan ang peg namin kahit walang popcorn at drinks. Walang nakasinding ilaw, tanging telebisyon lang, may nakalatag na banig at kumot habang tutok sa pinapanuod naming palabas sa tv, mapa-aksyon man o horror.

            Yung mga tagpo na hindi makakaangal kahit sino sa mga ate ko kapag nahihiga ako sa kanila (habang nanunuod), o kaya ay sinasandalan o sinsandayan ng paa hahaha, takot lang nilang mapagalitan ni mama, dahil ako ata ang pinaka-beybi noon.

            Syempre, sinasamantala ko na hahaha, dahil kurot at sabunot naman ang inaabot ko sa kanila kapag pinapakialaman ko ang mga papel at bolpen nila sa bag. Ako lang kasi noon ang di pa nag-aaral, kaya ako ang taga-ubos ng papel, taga-baboy ng notebook at pala-angkin ng kanilang mga bolpen.

            Ngayon, napakadalang na namin magkita-kita… isa pa hindi na ako ang bunso sa pamilya. Nasundan pa ako (noong 7 years old na ako). Kaya ano pa bang aasahan… lumaki kaming laging riot ng bunso kong kapatid hehehe.

            Gayunpaman, nakaka-miss din pala ang sakitan / tagisan ng lakas / laitan na akala mo kami lang dalawa ng bunso kong kapatid ang nilikhang pagkaringal ng Maykapal hahaha. Yung pikon na pikon kami sa isa’t isa, na gusto na naming isumpa kung bakit kami pa ang magkapatid lols. No choice! Nung mag-asawa na lahat ng ate ko, kaming dalawa na lang ang lumaking magkasabay… at palaging ganun ang eksena namin sa bahay.

            Nakaka-miss ang pag-aaway namin hahaha. Yun na ata ang aming bonding. Ngayon kasi ay busy na siya sa pag-aaral dahil graduating na siya sa kolehiyo, ako naman ay kunwari’y busy na rin sa trabaho.

Ngayon ko lang na-realize na matagal-tagal na rin na hindi namin pinagtatawanan ang isa’t-isa kapag kumakain, pati na rin sagad-buto naming asaran hahaha. Mahaba na rin ang panahong lumipas mula noong pinaghahatian pa namin yung mga anak nila ate kapag nasa bahay sila para kumampi sa isa sa amin… at ang ending, yung mga pamangkin namin ang nag-aaway para lang sa aming dalawa hahaha. At least hindi na kaming dalawa ang nagsasakitan (nakakahiya naman ang laki-laki na namin).

Why can’t we turn back the hands time?...

At bakit ba nilikha akong haggard?


Dalawampu't limang taon at tatlong buwan.
Galing na naman ang nilalang na ito sa usukan.
Nanuod sa alon ng mga tao.
Umuwing haggardo.

Mga Komento

  1. nakakatawa ang buhay, kadalasan di nati malaman kung ano eksakto yung mga tunay nating nararamdaman sa kung ano pinapakita natin. mahal mo, pero sinasakatan mo vice versa, lol

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ...na hindi mo rin naman mari-realize kaagad kung bakit mo yun ginagawa o kung bakit ganun yung nangyayari. Saka mo na lamang maiintindihan 'pag ito'y tapus na o nawala na.

      Burahin
  2. bongga. matagal din akong naging bunso bago nasundan. though mas close kami nung bunso nung bata siya kaysa ngayon. haha howell.life. haha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Buti pa kayo kahit pa'no ay may panahon na naging close, kami yan na yung 'closeness' namin :)

      Burahin
  3. I was just contemplating on the same thing. Six kaming magkkapatid, isa lang nsa abroad, yet its hard na magkasama-sama kaming lahat. Sobrang maldita ko din nung bata ako :( oh my.....

    Mas close naman kami ngayon ng mga kapatid kong sumunod sakin, most of the time, sila na nagagalit sakin. hahaha... Pag kapag kalat sa bahay ang issue, ako talaga ang majorly galit. Ewan ko ba, naging OC na yata ko. LOL

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sa mga libro ko lang ako may pagka-OC... ayokong hinihiram ng kapatid ko ang aking mga books kasi gusto ko lagi lang sila nandyan at nakaayos :)

      Burahin
  4. namiss ko na din ang ganun yung pinapanood nyo mag kakasama yung Regal Presents pagkatapos ng TV patrol lolz. Tanda lang ng peg ahahaha

    TumugonBurahin
  5. Hindi na kami naguusap na magkakapatid, palagi na lang kasing may problema. Pero nakaka miss yung dating gawi, sama sama sa lakaran. Lahat nasa kotse, pupunta ng QC para lang mag halo halo, sa Luneta para mag taho, o di kaya sa Ongpin para mag noodles. Kanya kanya na dahil matatanda na rin kaming lahat. Nilikha ka bang haggard? Lahat yata ng guro haggard ang dating, including me!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Pero sana, kahit minsan, magsama-sama ulit kayong magkakapatid :)

      Mas mukha ka namang fresh sir Jo hehehe.

      Burahin
  6. Ako din palaging haggard tignan. lol

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Di baleng haggard, at least mukhang masipag. lol Ano daw? :P

      Burahin
    2. Anyway, kaya dapat palaging sinusulit natin ang oras na binigay sa atin ni God. ;)

      Magandang background song dito ay 'Panahon'. Tama ba yung title? lol

      Burahin
    3. So, napakasaklap naman pala kung mukha na ngang haggard, pero mukha ring tamad hahaha :)

      Ang "Panahon" ba ay yung - "Pana-panahon ng pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon" - by Noel Cabangon, yun ba yun? :)

      Burahin
  7. Haayssttt..
    ganyan din kaming apat na magkakapatid dati.
    nakakamiss ung endless kulitan, iyakan at sakitan lol

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Iba na talaga kapag tumatanda na tayo :)
      Alaala na lang ang nababalikan...

      Burahin
  8. Ganyang ganyan ang bunso ko hahaha! Mahilig babuyin ang notebook ng ate niya kaya walang magawa si Ate kundi umiyak lang... Bilang magulang kasi mas gusto ko ang mga batang nagkukulitan kaysa hindi nag uusap, Mas masaya sa bahay hahaha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sang-ayon ako sa'yo sir Rolf! Mas maigi sa bata ang maging maliksi, makulit, maingay at hyper... pero dapat habang bata lang :)

      Kaya nga kapag nasa bahay ang mga pamangkin, hindi uso ang pag-aayus sa bahay :)

      Burahin
  9. nahiya naman yung edad ko bigla hahaha

    eto un eh, yung classic example na mga bagay na binabalewala at kinaiinisan mo pero years from now, hahahanap hanapin mo

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. I-secret na lang natin ang edad :)

      Korek! Mga bagay / pangyayari na hindi mo inasahang magiging magandang alaala rin pala...

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...