Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2014

"Maikli"

Ika-30 ng Agosto, 2014 Sabado, 10:15 ng gabi             Mula umaga hanggang tanghali ay magkabati pa ang nanay at tatay ko… sa paggamit ng tv . Palibhasa, nasa prime time pa ang kanilang mga panunuorin. Pero ‘wag ka… kapag kumagat na ang dilim… bakbakan na sa tv! Kada komersyal, lipat ng lipat sa ibang channel … basketbol… teleserye… basketbol ulit… teleserye ulit… basketbol na naman… teleserye na naman… hanggang ang tv ay matigbak.             Mabuti pa ang kapatid ko sa kanyang kwarto… sitting pretty sa harap ng tv sa kanyang silid.             Mabuti pa ako… hindi na lang ako nanunuod lols .         Ni hindi ko man lang natunghayan sa tv yung balita na hindi raw pusa sa Hello Kitty! Napakaimportanteng balita pa naman nun, life changing hahaha . ...

Para Kay B (Hindi Ito Tungkol Sa Libro Ni Ricky Lee)

Ika-24 ng Agosto, 2014 Linggo, 9:05 ng gabi Dirty Friend,             Ginawa ko ‘to kasi di kita binati nung birthday mo at wala rin akong binigay na regalo… alam mo naman medyo korni na ang dating sa akin ng mga ‘bertdey’ (senyales ba ito na matanda na ako? hehe) . Lahat na lang nag- greet sa iyo nung araw ng birthday mo, meron pa silang surprise at regalo… samantalang ako um attend lang tapus ‘nganga’ hahaha .             Sabi ko na nga ba, isa sa mga ‘special tactics’ mo yung pagbibigay mo sa amin (pati na rin sa iba) ng mga ‘surprise items’ , para ‘pag birthday mo ramdam mong maraming makokonsensya kapag di ka binigyan ng regalo hahaha . Pero hindi… napaka- thoughtful mo kasing tao.             Sabi mo – “…maganda sigurong maalala ka nila kahit di mo bday..un bang kahit di mo special d...

Para kay Rodney...

Ika-22 ng Agosto, 2014 Biyernes, 5:19 ng hapon             Sa tuwing magbubukas ako ng fb , nadudurog ang puso ko sa mga mensahe ng lahat ng nakakakilala, nakasama at mga kaibigan ni Sean Rodney Alejo . Grabe…             Nung pumunta ako sa kanyang burol noong miyerkules, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko… siya nga yung nakaburol. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano. Parang namamanhid ako habang nagdarasal sa harap ng kanyang kabaong (kasama ang dalawa kong kaguro) .             Na bigla ko na lang na- appreciate ang buhay ko. Ang batang ito ay nauna pa sa akin… ang batang ito ay mas nauna pa sa kanyang mga magulang. Gaano kasakit sa kanyang mga mahal sa buhay ang kanyang pagkawala? Gaano kahirap sa isang magulang ang maghatid sa huling hantungan ng kanyang anak?… hindi ko alam… hindi ko kayang il...

"Boyfriend mo 23?”

Ika-16 ng Agosto, 2014 Sabado, 9:32 ng gabi             Gusto ko mang magpahaba ng buhok, hindi naman pwede. Una, dahil sa trabaho… pangalawa, hindi naman bagay dahil ang ayos-ayos ng buhok kong wavy . At ang matinde nagkaka- alopecia pa ako kaya ayoko rin ng sobrang ikli kasi makikita naman yung bald spot ko hahaha . Badtrip!             Kawawa naman si Aling Dionisia … nung binalita sa tv na may boyfriend siya, nagngangalit ang reaksyon ng isang matandang lalaki na may ari ng pagupitan kung saan ako nagpagupit kanina. Nag- agree pa ang babaeng nagpapaunat ng buhok sa kaliwa ko; ang bata naman daw ng bf ni Aling Dionisia , “…porty!”             Napa- react din tuloy ang naggugupit sa akin, pero kampi siya kay Mommy D…             “Eh anong g...

"Si Manong-Vibrato..."

Ika-15 ng Agosto, 2014 Biyernes, 8:22 ng umaga Dear Neighborhood,             Hindi ko alam kung sino-sino (o kung meron ba) ang nag- request para sa repeat ng inyong “all-star-weekend-outraging-videoke-performance” . Grabe pati weekdays nakopo niyo na, ang taas-taas na ata ng ratings at public demand sa inyo… kaya di na ako magtataka, madedemanda na talaga kayo hahaha .             Kagabi di ako makatulog, sulit na sulit nga naman kapag kayo ay nag- perform . Kahit walang sumisigaw ng “more” aba “many-many-more” pa talaga ang peg niyo. At hindi lang yan, naunahan niyo pa ako sa paggising ngayong umaga dahil napuyat ako sa sapilitang pagtangkilik sa inyo. Wala na talaga akong masabi, ‘pag umaga rehearsal? ‘Pag gabi full-blast-hurricane-performance? Astig!             Minsan, nagpapaka-positib...

"kung ako ay isang bumbilya..."

Ika-12 ng Agosto, 2014 Martes, 7:52 ng gabi             Madonna and Child ang pamagat ng ikatlong kabanata ng Ligo Na U, Lapit Na Me ni Sir Eros . Hindi ko alam kung shunga lang ba ako para hindi mabatid kung bakit yun ang title ng chapter hahaha . Mas nag- focus kasi ako sa nilalaman nito. Sa bahaging ito ng libro ay unti-unti na ang pagbibigay ng mas detalyadong paglalarawan kung sino sina Intoy at Jen … basta ang natandaan ko sila ay… friends with benefits .             Hindi ko alam kung paano ko natitiis ang mga kakulitan at kaaningan ng mga bubwit na hinaharap ko mula lunes hanggang biyernes… sa totoo lang gusto ko na silang dagukan isa-isa lols . Pero syempre bawal, mahirap na baka ma- TV patrol hehehe .             Ang aga ko naman antukin… namimikit na ang mga mata ko habang ginagawa ko ‘to. ...

"Hanggang kailan may bukas?"

Ika-11 ng Agosto, 2014 Lunes, 7:46 ng gabi             Kaninang umaga ay katatapos ko pa lang basahin ang ikalawang kabanata ng libro ni Sir Eros na Ligo Na U … ang pamagat ng chapter two ay – Got to Believe in Ethics.             Sa totoo lang hindi pa masyadong nagsi- sink in sa akin ang karakter ni Intoy … kasi sa mga pahayag niya pakiramdam ko si Sir Eros pa rin ang nagkukwento… napakanatural lang kasi ng daloy. Hindi ka maninibago, parang dati mo na ring kakuwentuhan ang nagsasalaysay.             Nakakatuwa kung paano niya diniscribe ang karakter ni Ma’am Ethics … na malayo naman sa naging prof namin noon sa BioEthics . Mas malaya kami kay Ma’am BioEthics kumpara kay Ma’am Ethics ni Intoy . Masaya yung subject namin na yun, lalo na kung may debate na nagaganap. Nakakaaliw panuorin ang mg...

“Nong ideal d8 mgsuicide?”

Ika-10 ng Agosto, 2014 Linggo, 7:57 ng umaga Pamagat:           “LIGO NA U, LAPIT NA ME” Ni:                       Eros S. Atalia             Unang kabanata pa lang, na- hook (or nahayok hahaha) na agad akong basahin nang tuloy-tuloy ang libro, pero pinigilan ko ang sarili ko, ayoko matapos agad ang binabasa ko. Naisip ko, mas mabilis ako magbasa ng tagalog kumpara mga ingles na babasahin. Lalo na sa estilo ng pagsusulat ni Sir Eros , simple lang at madaling maintindihan at nakaka- relate ang madlang pipol tulad ko. Kapag ingles kasi, naiinis ako kapag may salitang noon ko pa lang na- encounter hahaha , kahit pa alam ko naman ang kahulugan sa pamamagitan ng contextual clues (na turo ng English teacher ko nung high school) , hindi ko matiis na hindi hanapin ang eksakt...

"Gray Matter"

Ika-09 ng Agosto, 2014 Sabado, 9:08 ng gabi Pamagat:          “GRAY MATTER” Ni:                     David I. Levy, MD with Joel Kilpatrick             Ito ang unang libro na natapos kong basahin ngayong taon whahaha . Bakasyon pa nung nabili ko ang libro (sa Booksale, P155 lang) , pero dahil sa ubod ako ng sipag magbasa, ngayon ko lang siya natapos (mga 30 minutes pa lang ang nakalipas) pati mga footnotes at epilogue!             Ito ay hango sa totoong-buhay. Mga pangyayari sa isang neurosurgeon na si Dr. David I. Levy . Nagkaroon ako ng interes na basahin ang libro dahil sa linya nito na – “A neurosurgeon discovers the power of prayer… one patient at a time.”          ...

"Iba pa rin kapag..."

Ika-05 ng Agosto, 2014 Martes, 11:09 ng gabi             Matutulog na sana ako… kaso sa di ko malamang dahilan, bigla ko na lang naalala ang mga “kowtabol kowts” ni nanay nung nasa ‘hiskul’ pa ako.             Kapag nakikita niyang naha- haggard na ako sa pagri- review para sa exam (at mukhang parte na ata ng buhay ko ang maging haggard hahaha) sasabihin niya –             “Hay naku! Bukas ka na mag-review, gabi na! Wala nang papasok d’yan sa utak mo. Gumising ka na lang ng maaga, para fresh pa yang memorya mo; madaling-araw ka mag-review.”             Tapus babanatan pa niya ng –             “Ako nga nung nag-aaral ganun ginagawa ko!”        ...

"Wala bang ano? You know..."

Ika-03 ng Agosto, 2014 Linggo, 8:42 ng gabi             Ngayong oras pa lang ako kakain ng hapunan… bale dalawang empanada (chili beef at tuna mula sa Yumpanada lols) at isang mug ng malamig at namumuong inumin na Milo! Napagod ako sa alay-lakad namin ni mudra… na medyo nakakainis mula umpisa hanggang gitna, bandang huli na lang ako medyo natuwa hahaha .             Sa pagod ko, parang di ko na ramdam pa ang kumain ng ulam at kanin.             Wala namang espesyal na nangyari sa aming lakad. Maliban na lang sa pagka-soplak ko sa mukha ng isang bata, syempre di naman sadya. Hindi ko naman kasi siya napansin habang naglalakad ako sa gitna ng maraming tao… bilang animo’y zombie ako kung maglakad, tumama ang aking galamay sa kanyang face, nung nilingon ko mukhang nasaktan siya kaya binilisan ko na lang ang...