Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2014

"For commercial purposes only?"

            ‘Di natin maitatanggi na may mga komersyal pa ring ipinalalabas sa telebisyon na punong-puno ng pambobola at walang halong katotohanan, o kung meron man, nasaan?             Halimbawa, isang artista ang mag-eendorso ng isang pampaputing produkto… pero alam naman natin na noon pa man ay maputi na siya!             Na minsan, masyado na atang OA ang mga commercials na nagiging malayo na ito sa reyalidad . Halimbawa, yung mga komersyal ng pagkain. Ang biskwit na may palaman kapag sa komersyal mo napanuod ay punong-puno ito, lapat na lapat ang palaman hanggang gilid; pero h’wag ka, kapag binili mo na mapapatanong ka kung nasaan na ito napunta… saan pa kundi sa gitna! Hahaha.             Sa sobrang galing umarte ng mga artista, ang “malutong” ay nagiging “pagk...

KORNI ideas?...

Ika-25 ng Mayo, 2014 Linggo, 1:11 ng madaling araw KORNI IDEAS 1. INSIDE-OUT ITSURA             Naisip ko lang, napaka- judgmental ng isip ng mga tao partikular na sa ating itsura . Halimbawa, inaakala kaagad nating mabubuti o may busilak na kalooban ang mga taong may ‘itsura’ sa madaling sabi mga gwapo at magaganda… at kapag panget ka wala kang karapatang mag-maganda (so mag-panget meron? haha) o mag-inarte, sa iyo ibibintang ang lahat ng krimen at kamalasan sa mundo, ikaw ang magnanakaw, tsismosa, alipin at kung ano-ano pa… saklap di ba?... Kaya naman kung may kapangyarihan akong baguhin ang mundo (powerful? lols) , gagawin nating congruent, tantamount at proportional ang kagandahan o kagwapuhan ng isang tao batay sa kabutihang loob niya, ika nga eh parang ‘magic’ , inside-out ang proseso. Nang sa gayun, kapag panget ang itsura ng isang tao ‘automatic’ na alam na natin na kaya siya nagkaganun ay dahil...

"... baka nasa nilalaman ng iyong puso." (God is NOT a genie)

Ika-23 ng Mayo, 2014 Biyernes, 1:43 ng hapon             Sa unang taon ko sa kolehiyo, matapos ang first semester ay kailangang dumaan sa isang qualifying exam ang lahat ng mga education students . Ang resulta ng prosesong iyon ang magbibigay sa iyo ng karapatan para magpatuloy sa major na pinili mo. Ako ay kabilang sa mga science major . Na kapag hindi ka pumasa sa qualifying exam ng iyong departamento ay kailangan mong mag- shift sa ibang major (kung maipapasa mo ito) o ang pinaka-masaklap ay ang mag- shift ka sa ibang kurso.             Tandang-tanda ko noong araw na iyon ang nararamdaman ko ay pagkasabik na may halong kaba. Nai- excite ako sa pagdaraanan naming proseso at kinakabahan kasi halos wala pa nga kaming 40 na science major ay mababawasan pa kami (grumaduate nga pala kaming mga science major sa bilang na 28) .     ...

On My Own POV :)

Ika-22 ng Mayo, 2014 Huwebes, 2:29 ng hapon             “Magsisimba kami, magsisimba ka ba?” … naitanong sa akin ito ng nanay ko linggo ng hapon noong nasa high school pa ako. “Hindi,” ang naging sagot ko sa kanya. Akala ko makukuntento na siya sa maikli kong tugon pero may isinunod pa siyang tanong… “Eh bakit ayaw mong magsimba?” … Di kaagad ako nakasagot kasi baka mabatukan ako ng nanay ko kapag nalaman niya kung ano ang nasa isip ko… pero sinabi ko pa rin… “Ayoko kasi parang inuuto lang tayo ng pari… tatayo, uupo, tatayo tapus luluhod, paulit-ulit,” sinabi ko ito ng hindi nakatingin sa kanya kasi inaabangan ko na ang hampas niya sa akin… but to my surprise (wow ah? hehe) , wala akong na- receive na pananakit ng aking mudra. Siguro nagulat din siya sa sagot ko, yung hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa… basta ang alam ko pagtingin ko sa mukha niya medyo nakangiti lang siya… sabay sabi “Parang engot to! Wag...

Mahirap bang Matuto mula sa Ibang Tao?

Ika-16 ng Mayo, 2014 Biyernes, 9:33 ng gabi             Isa sa pinagdaraanan ko ngayon – the agony of waiting.             This too shall pass... x-o-x-o-x             Natutuwa at napapahanga talaga ako ng lubos sa mga taong hinubog ng panahon at karanasan upang maging mahusay na hindi nakalilimot kung saan siya nagmula at nananatiling nakaapak ang mga paa sa lupa . Lagi kong sinasabi sa sarili na kapag naging ‘mahusay’ na rin ako, sila ang aking tutularan.             Nasabi ko ito kasi naalala ko lang yung isang tagpo na may nakausap ako noon… na nasaktan ako pero sa kabilang banda may natutunan din naman ako. Ayoko na i-detalye kasi tapus na ang pangyayaring iyon (baka akalain pa na hindi pa ako nakapag-move on hahaha) . At last year pa ito naganap, ewan ko ba s...

Kalam ng Kaluluwa

KALAM NG KALULUWA Patuloy kang gumuhit, Ng mga larawang kaakit-akit. Buong puso mong isulat, Mga kwentong nakapagpapamulat. Wag kang tumigil na lumilok, Ng mga pigurang mapanubok. Malinaw mong ipinta, Ang nakikita ng iyong mga mata. Iparinig mo ang iyong awit, Hanggang ito’y kanilang masambit. Buong lakas kang umindak, Di lamang para sa mga palakpak. Gawin mo ang iyong nais, Magpunyagi at magtiis. Walang hindi magagawa, Sa kumakalam mong kaluluwa. x-o-x-o-x #shorTULA #SigawNgKaluluwa

Panahon at Damdamin

PANAHON AT DAMDAMIN Nauubos din ba ang damdamin, tulad ng mga dahong tinatangay ng hangin? Damdamin ba’y di nagwawakas, kahit pa panahon na ng taglagas? Bumabalik din ba ang naranasang pait, dulot ng mga tagpong sinapit? Damdaming patuloy kang hinahabol, Kahit pa panahon na ng tagsibol. O baka naman puso mo’y nanlalamig at di na kaya pang umibig? Mga alaalang hindi mawaglit,  Animo’y nyebeng bumabagsak buhat sa langit. Tulad ng isang unos, Damdamin bigla na lang bumubuhos. Matatapos din ang mauulang araw, Bahaghari ay iyo ring matatanaw. x-o-x-o-x #shorTULA #TulalangTumutula

Lagi bang may RAINBOW after the RAIN?

Ika-06 ng Mayo, 2014 Martes, 5:35 ng hapon             Ako lang ba ang mahilig mag kape sa hapon? Yung mainit ang panahon pero nagkakape pa rin ako sa harap ng electric fan (na dinugyot ng panahon hahaha) . Nakakaantok kasi sa hapon kaya kailangan ko ng pampagising. Oo alam ko na pwede akong mag- ice-cold-coffee , pero parang di ko na kasi ramdam ang kape kapag malamig. Iba ang aroma at lasa ng kape kapag mainit, lalo na kung bagong kulo pa ang tubig! Hmmm!             Yung pagkatapos mong uminom ay para kang nag- exercise o nag- jogging , tumatagaktak ang aking pawis. Butil-butil na pawis sa mukha hahaha . Ganun.             Ang problema nito, mamayang gabi ay gising na naman ako, pero okay lang. Mas gusto ko talaga na gising kapag gabi kaysa umaga. Mas naiintindihan ko ang mga ingles na pelikula haha...

SAYUKI

SABURUKO (SERVING GIRLS) Pangunahing Tauhan: Sayuki (isang ‘saburuko’ na nabibilang sa mababang antas) Tagpo / Panahon: 7 th century sa bansang Japan kung saan nahahati sa dalawang antas ang mga saburuko . Ang mga nabibilang sa mataas na antas (may mas pinag-aralan) ay nagsisilbi sa mga high-class o aristocratic na mga pagtitipon, samantalang ang mga nabibilang naman sa mababang antas ay nagsisilbi kapalit ng pita ng laman. Eksena / Oras: Ito ay maikli lamang, walang mga dayalogo na manggagaling mula sa karakter, tanging mga paglalarawan. Isang maulang gabi.             Lumuluha man ang langit, banayad pa ring pumapatak ang tubig. Natatakpan ng maiitim na ulap ang buwan na dulot ay madilim na kapaligiran… nakikiisa sa kanyang nararamdaman.             Di malinaw kay Sayuki ang kanyang gagawin. Alam niyang sa pagpasok niya sa silid na ito,...

"...because of gravity."

Ika-04 ng Mayo, 2014 Linggo, 6:00 ng umaga             Achievement ‘to kasi alas-sais pa lang ng umaga ay gising na ako. Pero maaga naman talaga ako nagigising at maaga lang din talaga ako bumabalik sa pagtulog, kaya minsan inaabot ako ng alas-dose ng tanghali hahaha . Tulad nito, malay ba nila na gising na ako, na paggising ko ito na kaagad ang inaatupag ko, napaka- productive ko talaga, kaya bumi- bingo ako kay mudra eh.             Nung May 1 at 2, hindi ako nakatulog ng maayos. Bonggang-bongga naman kasi yung neighborhood namin, nag- concert ng 2 days! Dinaig pa pabasa! Grabe.             Kaya nung natapos sila, siya namang pag-resbak ng nanay at tita ko dito sa bahay. Akala nila nakaganti sila sa pagvi- videoke nila, pero ang totoo, itinuloy lang nila ang ingay ng mundo hahaha . x-o-x-o-x ...