Lumaktaw sa pangunahing content

KALIWETE


Ika-21 ng Abril, 2013
Linggo, 10:59 ng gabi

‘Ano ang pinanuod mo ngayong gabi?’

            Katatapos ko lang panuorin ang isang lumang documentary, na walang copyright kaya di ko alam kung anung taon ito pinalabas, na tumatalakay sa pagiging ‘left-handed’ ng isang tao.

            Matagal na akong nagtatanong at napapaisip kung bakit o paano nagiging kaliwete ang isang tao. Gusto kong makakuha ng mas komprehensibong sagot bukod sa madaling i-rason na ang kanang bahagi ng utak ay naging dominante kaya nagiging kaliwete ang isang tao.

            Kung babalikan ang nakalipas, mabuti na lang at hindi ako nabuhay noong mga panahong ang pagiging isang ‘kaliwete’ ay katumbas ng pagiging isang ‘kriminal’. Ito yung mga panahon na masyado pang makitid ang pang-unawa ng mga tao kaya’t ganun na lang ka-negatibo ang pagtingin at pagtrato nila sa mga tulad kong kaliwete.

            Gusto ko sanang ipaliwanag yung tungkol sa napanuod ko, kaso parang sasakit ang utak ko pag ipinaliwanag ko pa ang maraming ideya na binigay nun sa akin, lalo na’t English yun haha. Pero inaantok na kasi ako kaya di ko maiayos nang mabuti ang kung ano man na nasa pagkakaintindi ko (alibi).

‘Bakit ka naman curious tungkol sa left-handedness?’

            Siguro parang naging espesyal lang sa akin ang ganitong kondisyon dahil nga sa isa rin akong kaliwete. Baka umaasa lang ako na mapabilang sa mga kaliweteng biniyayaan ng galing tulad ni Leonardo Da Vinci at marami pang iba.

            Yung naiisip mo na astig pala maging kaliwete dahil parang may kung anong characteristic ka na marami ang wala, dahil nga sa karamihan ng populasyon ay ‘right handed’.

            Sabi nila, at ayon sa mga napanuod ko, karaniwan ay may taglay na ‘talino’ ang mga taong left-handed. Maaaring sila ay creative, magaling sa math lalo na sa geometry dahil nga mataas ang kanilang spatial intelligence, may bentahe sa sports at marami pang iba.

            In other words, isa lang akong ‘ambisyosong’ nilalang na umaasang nagtatagalay din ng kahit alin sa mga kakayahang nabanggit tungkol sa mga kaliwete hehe.

‘Anu-ano ang iyong mga kwento sa pagiging kaliwete?’

            Alam ko, lalo na noong mga nakalipas na panahon, ay pinagbabawalan ang mga left-handed na gamitin ang kanilang kaliwang kamay tulad halimbawa sa pagsusulat kaya mabuti na lang talaga ay hindi ako umabot sa mga panahong iyon. Pero sa isang banda mahirap din maging kaliwete sa mundo na puro right handed. Halimbawa;
            1. Natatandaan ko na noong tinuturuan pa ako ng nanay ko na magsulat, pilit niya akong pinapagamit ng kanang kamay. Pero dahil mas komportable ako sa kaliwang kamay, lagi ko siyang sinusuway, hehe. Kapag di na siya nakatingin inililipat ko na yung matabang itim na lapis mula sa kanan papunta sa kaliwa at pag natapos ko na isulat yung pangalan ko ibinabalik ko na ulit ang lapis sa kanan.

            2. Nung grade 1 ako, lagi akong ‘shunga’ sa pagtukoy sa kaliwa at kanan. Akala ko kasi noon ‘kanan’ ang tawag sa kamay na ginagamit mo sa pagsusulat at ‘kaliwa’ naman yung isa na di ginagamit sa pagsulat. Kaya minsan, parang may drill kami noon, iniutos ng teacher namin na itaas ang aming kanang kamay. Confident pa ako sa tinaas kong kamay na kaliwa at laking pagtataka ko kung bakit ako lang ata yung naiiba, kaya nakigaya na lang ako, pero litong-lito talaga ako nung mga oras na yun.

            3. Kahit sa pagsabi ng direksyon, madalas din akong malito. Nahihirapan ako, kahit ngayon na malaki na ako, na tukuyin kung alin ang kanan sa kaliwa. Kaya kapag nakasakay ako sa trike at itatanong ng driver kung saan liliko, itinuturo ko na lang yung daan kaysa sabihin kung sa kaliwa o sa kanan ba.

            4. Sa buong buhay ko sa eskwelahan, never ako naka-experience ng ‘left-armed chair’. Hindi naman kasi ako nag-aral sa private school na pwedeng mag-request ng left-armed chair. Kaya buong buhay akong nangangawit tuwing magsusulat habang yung mga kaklase ko ay relax na relax lang mga mga kamay. Sila na ang may patungan ng siko habang nagsusulat habang yung akin ay nakalutang lang sa ere. Kaya madalas akong naka-de-kwatro nung estudyante pa ako, na parang naging mannerism ko na rin ngayon, kasi sa ganuong posisyon ko lang maipapatong ang siko ko sa aking mga binti para di ako agad mangalay sa pagsulat.

            5. Kapag naman kumakain, kasabay halimbawa ang mga kaklase o kahit pa mga kasama ko sa trabaho ngayon, madalas akong maupo sa panulukan o sa pinaka-kaliwang bahagi. Doon lang kasi ako walang makakasanggang kamay habang kumakain.

            Sa tingin ko, itong lima lang naman ang madalas kong ma-encounter noon hanggang ngayon. Marahil yung ibang experiences ko bilang isang left-handed ay di naman na ganun kahirap.

            Yung iba ay tulad lang ng kalituhan sa paggamit ng computer mouse kasi kanang kamay ang dapat gamitin pero nasanay na rin naman ako. Sinubukan kong kaliwa ang gamitin kaso mas sumasakit lang ulo ko. Nakakalito yung orientation.

            Isa pa sa mahirap kong matutunan ay yung pagtugtog ng gitara. Gustuhin ko man, pero nalilito talaga ako kung kaliwa ba o kanang kamay ang gagamitin ko. Kasi parang mapipilitan akong mag-kanan dahil right-handed yung magtuturo sa akin at ginawa naman talaga yung gitara para sa right-handed people. Kaya, madalang kong subukan mag-gitara.

            Bukod dun, feeling ko isa akong espesyal hehe. (child?)

Mga Komento

  1. haha ayun ako kanan ee pero triny ko mag kaliwete
    umaasa akong baka mas maayos ung pag susulat ko that way
    pero ayun di din pala haha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. gusto ko rin matuto magsulat ng kanan :)
      para may pampalit kapag nangawit...

      Burahin
  2. Yung chikiting ko kaliwete. Yup special kayo at ksramihan sa inyo maganda ang penmanship

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ganun na nga, pero kapag maganda ang sulat, hirap mag drawing vice versa :)

      Burahin
    2. Totoo, para sakin maganda ang sulat ko(hahahaha). Pero hirap akong mag drawing :'(. Sa lettering ako nag eexcel eh (wehh) XD

      MABUHAY TAYONG MGA KALIWETE!

      Burahin
  3. Isa sa dapat naming mga guro malaman eh kung left handed or right handed ang isang bata para mas mainam namin maturuan. Gaya ng paggamit ng gunting, paghawak ng lapis, atbp. Karamihan ay may angking talino na tulad ng nasabi mo, very creative.

    TumugonBurahin
  4. malay mo! destined for greatness ka pala ser! ayun oh!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...