Ika-21
ng Abril, 2013
Linggo,
10:59 ng gabi
‘Ano
ang pinanuod mo ngayong gabi?’
Katatapos
ko lang panuorin ang isang lumang documentary, na walang copyright kaya di ko
alam kung anung taon ito pinalabas, na tumatalakay sa pagiging ‘left-handed’ ng isang tao.
Matagal
na akong nagtatanong at napapaisip kung bakit o paano nagiging kaliwete ang
isang tao. Gusto kong makakuha ng mas komprehensibong sagot bukod sa madaling
i-rason na ang kanang bahagi ng utak ay naging dominante kaya nagiging kaliwete
ang isang tao.
Kung
babalikan ang nakalipas, mabuti na lang at hindi ako nabuhay noong mga panahong
ang pagiging isang ‘kaliwete’ ay
katumbas ng pagiging isang ‘kriminal’.
Ito yung mga panahon na masyado pang makitid ang pang-unawa ng mga tao kaya’t
ganun na lang ka-negatibo ang pagtingin at pagtrato nila sa mga tulad kong
kaliwete.
Gusto ko
sanang ipaliwanag yung tungkol sa napanuod ko, kaso parang sasakit ang utak ko
pag ipinaliwanag ko pa ang maraming ideya na binigay nun sa akin, lalo na’t
English yun haha. Pero inaantok na kasi ako kaya di ko maiayos nang mabuti ang
kung ano man na nasa pagkakaintindi ko (alibi).
‘Bakit
ka naman curious tungkol sa left-handedness?’
Siguro
parang naging espesyal lang sa akin ang ganitong kondisyon dahil nga sa isa rin
akong kaliwete. Baka umaasa lang ako na mapabilang sa mga kaliweteng biniyayaan
ng galing tulad ni Leonardo Da Vinci at marami pang iba.
Yung
naiisip mo na astig pala maging kaliwete dahil parang may kung anong
characteristic ka na marami ang wala, dahil nga sa karamihan ng populasyon ay ‘right handed’.
Sabi
nila, at ayon sa mga napanuod ko, karaniwan ay may taglay na ‘talino’ ang mga
taong left-handed. Maaaring sila ay creative, magaling sa math lalo na sa
geometry dahil nga mataas ang kanilang spatial intelligence, may bentahe sa
sports at marami pang iba.
In other
words, isa lang akong ‘ambisyosong’
nilalang na umaasang nagtatagalay din ng kahit alin sa mga kakayahang nabanggit
tungkol sa mga kaliwete hehe.
‘Anu-ano
ang iyong mga kwento sa pagiging kaliwete?’
Alam ko,
lalo na noong mga nakalipas na panahon, ay pinagbabawalan ang mga left-handed
na gamitin ang kanilang kaliwang kamay tulad halimbawa sa pagsusulat kaya
mabuti na lang talaga ay hindi ako umabot sa mga panahong iyon. Pero sa isang banda
mahirap din maging kaliwete sa mundo na puro right handed. Halimbawa;
1.
Natatandaan ko na noong tinuturuan pa ako ng nanay ko na magsulat, pilit niya
akong pinapagamit ng kanang kamay. Pero dahil mas komportable ako sa kaliwang
kamay, lagi ko siyang sinusuway, hehe. Kapag di na siya nakatingin inililipat
ko na yung matabang itim na lapis mula sa kanan papunta sa kaliwa at pag
natapos ko na isulat yung pangalan ko ibinabalik ko na ulit ang lapis sa kanan.
2. Nung
grade 1 ako, lagi akong ‘shunga’ sa pagtukoy sa kaliwa at kanan. Akala ko kasi
noon ‘kanan’ ang tawag sa kamay na
ginagamit mo sa pagsusulat at ‘kaliwa’
naman yung isa na di ginagamit sa pagsulat. Kaya minsan, parang may drill kami
noon, iniutos ng teacher namin na itaas ang aming kanang kamay. Confident pa
ako sa tinaas kong kamay na kaliwa at laking pagtataka ko kung bakit ako lang
ata yung naiiba, kaya nakigaya na lang ako, pero litong-lito talaga ako nung
mga oras na yun.
3. Kahit
sa pagsabi ng direksyon, madalas din akong malito. Nahihirapan ako, kahit
ngayon na malaki na ako, na tukuyin kung alin ang kanan sa kaliwa. Kaya kapag
nakasakay ako sa trike at itatanong ng driver kung saan liliko, itinuturo ko na
lang yung daan kaysa sabihin kung sa kaliwa o sa kanan ba.
4. Sa
buong buhay ko sa eskwelahan, never ako naka-experience ng ‘left-armed chair’. Hindi naman kasi ako nag-aral sa private school
na pwedeng mag-request ng left-armed chair. Kaya buong buhay akong nangangawit
tuwing magsusulat habang yung mga kaklase ko ay relax na relax lang mga mga
kamay. Sila na ang may patungan ng siko habang nagsusulat habang yung akin ay
nakalutang lang sa ere. Kaya madalas akong naka-de-kwatro nung estudyante pa
ako, na parang naging mannerism ko na rin ngayon, kasi sa ganuong posisyon ko
lang maipapatong ang siko ko sa aking mga binti para di ako agad mangalay sa
pagsulat.
5. Kapag
naman kumakain, kasabay halimbawa ang mga kaklase o kahit pa mga kasama ko sa
trabaho ngayon, madalas akong maupo sa panulukan o sa pinaka-kaliwang bahagi.
Doon lang kasi ako walang makakasanggang kamay habang kumakain.
Sa
tingin ko, itong lima lang naman ang madalas kong ma-encounter noon hanggang
ngayon. Marahil yung ibang experiences ko bilang isang left-handed ay di naman
na ganun kahirap.
Yung iba
ay tulad lang ng kalituhan sa paggamit ng computer mouse kasi kanang kamay ang
dapat gamitin pero nasanay na rin naman ako. Sinubukan kong kaliwa ang gamitin
kaso mas sumasakit lang ulo ko. Nakakalito yung orientation.
Isa pa
sa mahirap kong matutunan ay yung pagtugtog ng gitara. Gustuhin ko man, pero
nalilito talaga ako kung kaliwa ba o kanang kamay ang gagamitin ko. Kasi parang
mapipilitan akong mag-kanan dahil right-handed yung magtuturo sa akin at ginawa
naman talaga yung gitara para sa right-handed people. Kaya, madalang kong
subukan mag-gitara.
Bukod
dun, feeling ko isa akong espesyal hehe. (child?)
haha ayun ako kanan ee pero triny ko mag kaliwete
TumugonBurahinumaasa akong baka mas maayos ung pag susulat ko that way
pero ayun di din pala haha
gusto ko rin matuto magsulat ng kanan :)
Burahinpara may pampalit kapag nangawit...
Yung chikiting ko kaliwete. Yup special kayo at ksramihan sa inyo maganda ang penmanship
TumugonBurahinganun na nga, pero kapag maganda ang sulat, hirap mag drawing vice versa :)
BurahinTotoo, para sakin maganda ang sulat ko(hahahaha). Pero hirap akong mag drawing :'(. Sa lettering ako nag eexcel eh (wehh) XD
BurahinMABUHAY TAYONG MGA KALIWETE!
Isa sa dapat naming mga guro malaman eh kung left handed or right handed ang isang bata para mas mainam namin maturuan. Gaya ng paggamit ng gunting, paghawak ng lapis, atbp. Karamihan ay may angking talino na tulad ng nasabi mo, very creative.
TumugonBurahingusto ko mag-agree jan, creative hehe :)
Burahinmalay mo! destined for greatness ka pala ser! ayun oh!
TumugonBurahinhaha gusto ko yan :)
Burahin