Mga Pahina

Martes, Abril 16, 2013

Panunuod ng pelikula, pangungumusta at ang public school.


Ika-13 ng Abril, 2013
Sabado, 5:25 ng hapon

            Ito na naman yung isa sa mga tagpo sa buhay na wala kang maka-usap kundi ang sarili. Kaya ito, dating gawi, buksan ang netbook para magtype at kausapin ang sarili.

            Sabihin na natin na nung isang linggo ay kuntento na ako na araw-araw nakakaalis sa bahay sa loob ng lima o anim na araw. Tapus ngayon, nakakulong na naman ako sa bahay mga dalawa o tatlong araw na.

            Na-miss ko na talaga ang internet, kasi kahit wala ka sa labas pwede kang makipag-usap sa mga kaibigan at kakilala mo sa facebook, maki-update. Pero ngayon, gusto ko na lang isipin na baka ito yung mga oras na binibigay sa akin para ilaan sa sarili. Kunwari na lang self-interview…

‘Anung pinagkakaabalahan mo ngayon?’

            Inuubos ko ang aking oras sa maghapon sa pakikinig nang paulit-ulit na mga music video. Bale, mga cover songs ang madalas kong pakinggan. Karamihan Boyce Avenue at minsan kahit na yung medyo OA na si Tyler Ward. Pati na rin yung iba na di naman masyadong kilala. Mukha na akong cover songs ngayon, ewan ko ba kung bakit mas pinipili ko yun kaysa mga original songs. Siguro kasi nagustuhan ko lang yung ideya na pwede pa lang kantahin yung kanta na yun sa ganung paraan na minsan nga eh mas maganda pa kaysa original version. Pero di lahat ng cover songs ay maganda. Yung iba sobrang binago na nawala na yung ‘ganda’ ng kanta. Naging OA o sobra sa pagkaka-revive.

            O kaya, manuod ng mga pelikula, mga short films na animated, at documentaries. Basta kahit na ano na pwedeng kumuha ng atensyon ko at wag lang mabagot sa maghapon. Bale kung anu-ano nang mga pelikula ang napanuod ko tulad ng wirdong ‘Maniacs Scream of Field’, yung pambatang ‘Ice Age 3 and 4’, yung dramatikong love story na ‘Doremifasolatido’, yung korni ang ending na ‘The Extinction: GMO Chronicles’, yung nakakasuka na ‘Chromeskull 2’ at marami pang iba. May mga inuulit lang din akong panuorin tulad thai movie na ‘First Love’, ‘Slumdog Millionaire’ pati na ‘Avengers’. Pag paulit-ulit mo palang napapanuod ang mga pelikula ay mas naiintindihan mo sila, lalo na yung mga naka-subtitle lang. Mahirap atang manuod habang nagbabasa. Tulad ng isa sa mga paborito kong cartoon na ‘Detective Conan’. Nakakuha ako ng kopya ng kumpletong episodes (sana nga), yun nga lang sa japanese ito naka-dubbed, pero ok lang may subtitle naman.

‘Kamusta na ang mga college friends mo?’

            Ewan ko lang kung yung dalawa ko bang kaklase na nakakabasa ng blog na to ay nagagawang pang dumalaw dito. Di ko na rin sila ma-chat o mai-message sa fb dahil nga sa kawalan namin ng net. Di ko na rin sila sinasadyang i-text. Minsan mag-gm ng quotes, paalala lang na buhay pa ako J. Minsan nga lang yung iba ay magre-reply pa ng ‘Cnu to?’, kaya ibig sabihin may ilan sa kanila na kung hindi nagpalit ng cellphone o sim ay talagang kinalimutan na at minabuti na lang na burahin ang number ko, kung sabagay eh di naman ako madalas mag-text.
            Sa tingin ko lang, kung mababasa lang nila ang blog ko, ito na lang yung least na paraan para malaman nila kung ano na bang lagay ko kahit na di na ako magkwento.

            Nalulungkot ako sa kaklase ko na namatayan ng kapatid. Kung hindi ako nagkakamali yun yung kapatid niya na may espesyal na condition. Sana man lang naipahatid ko ang pakikiramay ko sa kanila.

            Kahit yung close kong kaibigan na madalas tumawag sa amin sa landline, na ngayon ay di na niya magawa dahil wala kaming telepono, ay di ko na rin masyadong nabibigyang pansin. Siguro kasi gusto ko munang magpakalayo-layo. Tatlong taon pa lang naman ang nakalilipas mula ng kami ay magsipagtapos. Ayoko lang na paulit-ulit naming pagkwentuhan ang nakaraan dahil pakiramdam ko mas mahihirapan lang akong mag-move on. Namimiss ko sila. Pero alam ko naman na darating din ang panahon na magkikita-kita kaming muli. Kaya sa ngayon, hahayaan ko munang magkanya-kanya. Basta.

            Natutuwa ako sa ibang kaklase ko na patuloy na nangungumusta. Pasensya na, kung di ko sila narereplyan sa text.

‘Bakit di ka pa nag-aapply sa public?’

            Marami na akong kaklase pati na rin dating mga co-teachers ang nagtuturo na ngayon sa public school. Bale, 3 taon na akong  nasa private school. Kaya heto ngayon, nga-nga tuwing bakasyon. Walang pasok. Walang sahod.

            Di ko nga rin alam kung bakit narito pa ako sa private school na ‘to. Pakiramdam ko kasi meron pa akong ‘unfinished business’. At saka nitong nakalipas lang na school year ko naramdaman ang maraming pagbabago. May mga nagawa ako nitong school year na noong unang dalawang taon ko sa pagtuturo ay di ko naman ginagawa. Sabihin na natin na baka ito yung ‘growth’ na tinatawag nila. Parang gusto ko munang ma-experience at i-enjoy ang mga nangyayari. Malay mo, kapag nagpa-rank na ako sa public eh makatulong ito sa akin (sana nga).

            Mga 55% lang siguro last school year ang pagnanais kong umalis. Una, dahil siguro di pa ganun kabuo ang loob ko. Pakiramdam ko may kulang pa. Pero ngayon, kinakabahan ako dahil kapag nagawa ko ng maayus ang mga plano at expectations ko sa darating na school year, feeling ko ready na ako mga 95% or more, aalis na talaga ako. Dahil baka yung ibang ‘growth’ na hinahanap ko ay nasa public school na o baka sa ibang work naman. Sana lang umayon ang lahat.

            Naiinis lang din ako sa ‘palakasan system’ na meron sa ranking para makapasok ka sa public school. Marami na akong natunghayan na mga kuwento ng mga co-teachers o mga kaibigan ko na nagpa-rank na pero nabigo. Saksi din ako kung pa’no ito kinakagat ng iba. Bakit nga naman hindi, kung iyon ang mabilis na paraan.

            Hindi naman sa napaka-fair kong tao. Pero kung ‘palakasan’ ang labanan eh di para saan pa yung ranking system di ba? Kahit pala mas mataas ang nakuha mong rank sa iba, eh dahil sa siya ang may kapit, siya ang pasok sa banga. Kaloko.
            Isa rin siguro yan sa mga kinatakot ko. Pa’no kung magpa-rank ako ‘all by myself’? Yung walang ‘kapit system’, walang ‘sipsip to impress mode’ at kahit na anong ‘recommendation from the above’? Tatalab kaya ako?

            Kaya, nais kong siguruhin na bago ako sumabak sa may ‘dungis’ na sistema, dapat ay handa at buo na ang loob ko para sa ano mang mangyayari.

            Tulad nga ng sabi ko, hindi naman sa napaka-fair kong tao, pero sana ibinibigay natin ang dapat sa mga nararapat.

            Kaya sa tingin ko ang mga darating na araw ay preparasyon para sa lahat ng mangyayari. Sana maraming surprises.

11 komento:

  1. haha iniisip ko nga kung anu ginagawa nu every vacation ee
    well try mo mag sideline giling giling ka sa bar trip mo haha
    syempre joke lang masarap nga yan kasi pahinga ka sa stress

    TumugonBurahin
  2. - Hehe, pareho po pala tayo ng ginagawa eh. Music din ang pampalipas-oras. :)
    - Um, yun pa din po ba number mo? :P
    - Public school? NOOOOO! :) Joke lang. Make sure na Physics teacher ka pa rin pagdating mo dun. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. yun pa rin ang number ko :)

      gusto ko munang mag aral pa bago ulit magturo :)

      Burahin
  3. haha,, of course jef, nadadaanan pa rin namin yung mga post mo. hehe ... ganito na ata ang modern way ng kumustahan ngayon... through signs and symbols nalang hehe :P

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kamusta na pete? s blog mo na lang din ako makikibalita, at magagawa ko lang yun kapag nasa faculty ako at nakikigamit ng wifi haha,

      kwento ka :)

      Burahin
    2. soon... marami akong makukukwento sa blog ko hehe... pero sa ngayon relax muna ayaw ko munang mag-isip (baka kasi maout of stock ako ng neurons kapag kailangan na) hehe... eto ok naman as always hirap na kasing makagawa ng sucessful na meet and greet in person kaya sa mga biglaang pagkikita nalang nakakasagap ng balita... hehe pero buti nalang may fb kahit papano nakakapag HI and Hello pa sa mga Pm... hehe

      Burahin
    3. sige aabangan ko yang mga kwento mo :)

      Burahin
  4. There is a reason behind your stay sa private school. Just learn to decipher what it is.

    Sometimes, it is not in the renumeration, but of course we do need a higher pay. Our life's satisfaction depends on how we view life and associate with our current circumstances.

    Things will be okay with you in the coming days. Just wait with a loving longing.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. parang nabasa mo ang iniisip ko sir jay

      meron talagang rason kung bakit nandito pa ako, hindi ko lang alam kung yung reason ko bang yun ay personal lamang o sadyang dapat lang mangyari... basta... hirap i-explain.

      sana nga maging maayos din ang lahat.

      Burahin
  5. ngayon ko lang to nabasa.... im on my first year of teaching in a public school, sa totoo lang, di ko alam kung tatagal ako sa ganitong sistema.... hindi lang dungis ang narito. lugmok sa putikan ng pagkamasarili, pang-aabuso ng kapangyarihan at pagbabalatkayo ang sistema.... hindi ko alam. im losing hope. im sorry, but i am.

    TumugonBurahin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...