(3/5). Pagbabasa ng 'Da Perks', panunuod ng Convergence, ang sirang keyboard at ang buhay na 'no internet'.
Ika-30 ng Marso, 2013
Sabado, 12:07 ng tanghali
Ang init. Katatapos ko lang kumain.
Nasa ikaapat na bahagi na ako ng
‘The Perks of being a Wallflower’. Pakiramdam ko kahit pa’no pang pagtitipid sa
pagbabasa ang gawin ko ay matatapos ko pa rin ng mabilis ang libro na yun.
Pinapatagal ko talaga para maalala ko rin ng matagal-tagal ang kwento. Ewan ko
kung bakit trip na trip ko yung takbo ng kuwento. Siguro nga kasi nakaka-relate
ako kay Charlie. O baka ‘feelingero’ lang talaga ako.
Nagugustuhan ko na ulit ang panonood
ng ‘Convergence’. Bukod sa panunuod ng ‘press conference’ sa channel 04, isa
yun sa mga dati ko pang pinapanuod na ngayon ko na lang ulit nagagawang
panuorin… o sabihin na nating ma-appreciate muli. Si Nikki pa rin naman ang
host, tapus kasama na niya si Charlie ba yun o Charles, nalito ako, di ko pa
ma-check dahil wala namang internet dito, at saka yung si Kyle. Nakakatuwa si
Nikki, parang mali ata yung pagkakaalala ko sa pangalan niya, basta yung
babaeng host, bukod sa pagiging host ng Convergence, isa rin syang instructor
ng English sa college- sa New Era University, at graduate ng UP. Si Charles
naman (o Charlie ewan) basta yung isang lalaking host na mas maliit, isa ring
prof sa college, photography naman ang kanyang tinuturo, at masscom graduate.
Pero yung si Kyle, ang alam ko lang dati ata s’yang dj sa radio, tapus di ko
nasubaybayan yung segment tungkol sa kanya. Siguro nagbanyo ako nun or kumain J. Naastigan lang ako sa mga
ganung ka-busy mga tao. Saka, well-rounded (makagamit lang ng ganun haha) sila
as a person. Ang sarap sigurong maging katulad nila. Nagtatrabaho pero enjoy pa
rin. Pero mas masaya pa rin ang maging tulad ko J (pambawas lang ng insecurity lol). Wala
lang, natutuwa lang ako sa mga taong ganun. Naalala ko tuloy yung isang
co-teacher ko na aalis na, akala ko nung una, ay ganun-ganun na lang siya, pero
wag ka, nangungulekta yun ng mga lisensya J
registered nurse, licensed teacher, pasado rin ata siya sa midwifery at civil
service. At ngayong bakasyon, sabi niya ay mag-eenrol siya sa TESDA para matuto
ulit. Natuwa ako sa kanya. Kitang-kita ko ang pagkauhaw niya sa kaalaman.
Siguro nga totoo na kapag marami kang alam, mas malalaman mong mas marami ka
pang di alam (parang ganun, di ko kasi ma-recall yung English eh).
Bukod sa nakakainis mag-type ng
tagalog sa netbook dahil kung makapag-correct ng mga tagalog words ay wagas,
kahit di naman dapat itama, nakakadagdag pa sa perwisyo ang keyboard ng netbook
ko na ‘to. Laging ‘double A’ ang nangyayari tuwing pipindutin ko ang ‘A key’,
sa halip na dirediretso lang sana ako sa pagtipa sa keyboard, binabalikan ko pa
tuloy ang ilan sa mga letter A. Sa tingin ko nasira ko na yung ilang keys sa
keyboard kakalaro dito J.
Kung may internet lang sana, eh di normal pa siguro yung keyboard.
Kamusta ba ang semana santa?
Heto ayos lang. Tuald nga ng dati,
di naman ako nakaranas ng kahit na anong seremonya o kung anu mang tradisyon na
sinusunod tuwing dumarating ang panahon na ito. Pero, sa isang banda,
maipagpapasalamat ko rin na wala kaming internet ngayon sa bahay, at hinihintay
ko na ang lunes para makasagap ng wifi sa faculty J. May mga magandang naidulot
din ang pagkawala ng internet. Una, mas na-enjoy ko ang isang linggong tambay
sa bahay sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsusulat ng kung anek anek sa buhay.
Nabubuklat ko na yung mga libro na binili ko dati na isinantabi ko na lang nang
walang pakundangan. Mas na-appreciate ko na ang mga libro ko ngayon.
Tuwing bakasyon, tamad talaga akong
bumalik sa faculty. Pero dahil kailangan ko ng wifi parang sinsipag na akong
mamalagi at manirahan sa faculty haha.
Pero ang pinaka ‘da best’ talagang
solusyon ay sana matapos na ang bahay namin para makabalik na ako sa aming
lungga at ma-enjoy ulit ang buhay na hatid ng wi-fi. Giniba yung bahay namin
para maging mas maayos, ayokong gamitin yung term na ‘renovation’ kasi parang
pang mayaman eh di naman kami ganun J,
ang di ko lang maintindihan ay kung bakit sa paglipas ng ilang linggo na pinapagawa
namin ang bahay ay mukha pa rin siyang ‘giba’…
Makatulog na nga lang…
haha ung movie na lang ang papanuorin ko haha
TumugonBurahintinatamad ako mag basa eee
nagandahan lang ako sa movie kaya binasa ko yung book, pero kung di nagkaganun di ko rin naman pagtyatyagaang basahin yun :)
TumugonBurahin