Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2013

Last na 'to for this Year! :)

Ika-30 ng Disyembre, 2013 Lunes, 11:28 ng gabi             Meron na lang akong isang araw para pagbigyan ang pagiging ‘tulala creature’ ko sa mundo. Dahil pagsapit ng bagong taon, balik gawa na naman ng kung ‘anek-anek’ na preparation at paper works. Di ko na ulit mapagbibigyan ang sarili ko na tumunganga sa maghapon, kaharap ang netbook, di na rin ako makakatulog kahit na anong oras na gusto ko, makakalimutan ko na naman ang saya ng panunuod ng telebisyon hehe. Pero okay lang, sapat na sa akin ang panahong binigay ko sa sarili para maging ‘tulala creature’ di naman kasi maaaring maging ganun na lang.             Sabi nila, para magkaroon naman ng direksyon at purpose ang buhay mo, dapat alamin at gamitin mo ang mga ‘gifts’ na ipinagkaloob sa iyo, di para sa iyong sarili, kundi para sa iba. Ang mundo ay mas magiging mabuti kung lahat ay matututong wag maging makasaril...

My 'Krismas Istori'

Ika-25 ng Disyembre, 2013 Miyerkules, 12:03 ng madaling araw Ganito ang Pasko sa amin... 1. Hindi kami yung cheesy type na pamilya na pagsapit ng noche buena ay magpapalitan ng pagbati ng merry christmas, with beso-beso at bigayan ng gifts… No! No! No! haha. Pag ginawa mo yan sa aming pamilya, para kang matutunaw sa kakornihan, walang makiki-ride on sa’yo. Kung hindi man ganun ang mangyari, palilipasin na lang ang mga ganung tagpo haha. Mapapaisip ka na lang kung bakit sa ibang pamilya o sa pelikula ay okay naman ang mga ganung moments, pero pag sa amin parang ang awkward lol. 2. Dahil ang totoo, kahit pa may handa kami tuwing pasko, hindi naman talaga kami nagno-noche buena, naghahanda lang talaga eh kasi nga pasko… yung iba sa amin ay tulog na sa mga oras na ito, kinabukasan na lang kumakain ng sabay-sabay eh kasi naman almusal haha. 3. Ganun pa rin naman ang mga tagpo, solid pa rin sa kaingayan ang neighborhood namin, yung akala mo new year na kasi bidang-bida na ...

My Thoughts and Issues :)

            Hindi ko alam kung awkward bang masasabi kapag gumagala akong kasama ang nanay ko hehe . Eh kasi naman, mga ilang buwan ding hindi ko nakasama ang nanay ko sa galaan, hindi na rin kami masyadong nakakapagkwentuhan dahil lagi na lang akong nakaharap sa netbook , may ginagawa o gabi na kung umuwi.             Nasabi kong awkward kasi hindi pala magandang gumala kasama ang iyong nanay tuwing araw ng sabado. Yung eksenang nakasakay kami sa jeep at mga 55% ng pasahero ay mag-dyowa haha . Yung mari- realize mo na wala kang lovelife , na isa kang nga-ngang nilalang pagdating sa usaping relasyon o pag-ibig, na yung tanging pampalubag-loob mo na lang ay maaari nilang isipin na kaybuti mong anak dahil sa edad mong bente-kwatro ay kasama mo pa rin sa galaan ang nanay mo lols .             Gayunpaman, kahit nakakainggit sa puso ang mg...

PAPEMELROTI

1. Hindi naman siguro nakakahiya kung aaminin ko na… panatiko ako ng Papemelroti hehe. 2. Kapag may nagbibigay kasi sa akin ng kahit anong bagay na galing sa Papemelroti , napaka- thoughtful ng dating para sa akin. Nagustuhan ko yung ideya na gumagamit sila ng mga recycled materials . 3. Basta, hindi ko alam kung pa’no ko idi- describe yung feeling , parang napaka- warm ng mga items nila dun. 4. Napaka- creative ng pagkakagawa at inspiring pa yung iba, at syempre very affordable ! 5. First time kong bumili sa mismong store nila sa SM Manila , gusto ko nga sanang magpa- picture kasama nung mga items nila sa store , kaso baka ma- weird -duhan sa kababawan ko ang mga namimili dun hehe. Ito yung nakasulat sa isa sa mga notebook na nabili ko:             Xvxn though my typxwritxr is an old modxl, it works quitx wxll xxcxpt for onx kxy. Thxrx arx twxnty-ninx kxys that function wxll xnough. But just onx kxy ...

Ako at ang Aking Cross Stitch :)

         Noong isang araw (umaga) , habang nagliligpit ako ng kumot at unan, iniabot ng nanay ko ang project kong ito, nakita niya nung nag-ayos siya ng mga gamit namin. First year high school ko pa ‘to ginawa. At hindi ko malilimutan ang cross stitch project na ito dahil hindi ko yan tinulugan makaabot lang ako sa huling araw na ibinigay sa amin ni Ma’am Z. para makapagpasa.             Medyo napatingin ako ng sandali sa project kong ito (hindi dahil sa sobrang ganda o husay ng pagkakagawa) , na- amaze lang ako kasi naluma na pala siya haha . Sampung taon na ang nakalipas, nasa bahay pa pala namin ang cross stitch kong ito (parang ang tanda ko na lol) .             Dati kasi naka- frame pa yan, pero kita mo naman after 10 years , wala na yung frame , medyo madungis na at niluma na ng panahon ang sinulid at tela.     ...

Sembreak Notes

Ika-27 ng Oktubre, 2013 Linggo, 5:18 ng hapon             Unang araw ng sembreak . Hapon na pero wala pa rin akong plano kung paano ko uubusin ang isang linggo para naman maging makabuluhan ang sembreak ko, hindi yung lagi na lang akong ‘tulala’ at tulog. Marami naman akong naiisip gawin pero di ko masimulan. Sabi nga eh, ang pagsisimula ng isang gawain ang pinakamahirap lalo na kapag mas pinapaboran mo ang katamaran hehe .             Hindi naman ako makapanuod ng tv , dahil yung nag-iisa naming tv ay nasa kwarto ng ‘best enemy’ kong kapatid. Kaya radio lang at mga music sa cellphone ang napakikinggan ko sa maghapon, pati na rin pala yung ingay ng mga butihing kapitbahay lalo na ang kanilang ‘never-ending-concert’ sa kanilang videoke . Anyway , di naman talaga ako madalas manuod ng tv …             Bu...

Kwentong Key Chains

           Isa lang naman ang susi ng locker ko sa school pero sampung key chains ang nakasabit dito hehe. Nakahiligan ko kasi ang pangungulekta ng ‘ key chains ’. Halimbawa, kung makapunta man ako sa isang lugar, ang hinahanap ko kaagad ay kung saan makabibili ng key chain para remembrance na rin o souvenir na bukod sa mga larawan, ang mga key chains ang nagpapaalala sa akin tungkol sa lugar na yun. Okay lang din kung minsan ay bigay ng mga kamag-anak o kaibigan, yung kahit di pa ako nakapunta kung saan man nagmula ang key chain na ibinigay nila ay okay na rin kasi baka sa hinaharap ay marating ko rin yun.             Lahat ng nakolekta kong key chains ay inilagay ko sa isang lalagyan. Ni hindi ko nga sila binalak na gamitin para wag maluma o masira, pero nung binagyo yung bahay namin, nung Ondoy pa ata yun, ayun nabulok sa pagkababad sa baha ang lahat ng mga key chains ko, na karaniwa...

Hopia!

Hindi naman halata na sa larawan pa lang ay isa na ako sa mga ‘ die-hard-fan ’ ng hopia haha. Kaya nga kung mabubuhay lang sa totoong mundo si Doraemon, magkakasundo kami!             At isa nga sa mga ‘ peyborit ’ kong hopia ay ang murang-mura lang at ‘ afford ’ ng lahat na ‘ Baker’s Fair Specialty Hopia ’ ( ube at mongo, mapa-dice or round pa yan ), Php 100 lang per box! Mainit-init pa kung bibilhin, so freshly made talaga. Hindi naman ako binayaran ng Baker’s Fair dito, pero kung mabasa man nila ito, pwede na ang ‘ one year supply ’ ng hopia lols.             So, temang kababawan lang naman ang post na ito na patungkol lang sa ating mga minamahal na ‘ comfort food ’, yung tipong kapag sobrang pinagkait na ng kapalaran ang kaligayahan ay ikakain mo na lang ito ‘ to the patay-gutom level ’ haha. Kwentong ‘comfort food’… 1. Kapag badtrip, tatlong pagkain lang...

Mula sa 'Selda'

“NANDITO AKO” (Lyrics by: Paolo Villaluna / Music by: Pike Ramirez / Sung by: Veena Ramirez) Sana may kasama ako sa paggising May kasalo sa pagod ng araw ko May kasama tuwing natatawa Sabay sa sarap ng ligaya Alam niya bang nandito ako’t kailangan ko siya Alam niya bang napakalungkot dito Alam ba niya? Di ko kayang isipin na ako’y nag-iisa At hindi ko siya kasama Sana may kasama ako sa pagtulog Katabi kapag maginaw ang gabi Kaagaw sa kumot ng kamang masikip Sabay sa sarap ng ligaya Paano na? Paano siya? Paano na ang gabi? Paano’ng umaga niya? Nag-iisa na siya Walang katabi, walang kakampi Paano na ngayon? Paano siya ngayon? Alam niya bang nandito ako’t kailangan ko siya Alam niya bang napakalungkot dito Alam ba niya? Di ko kayang isipin na ako’y nag-iisa At hindi ko siya kasama… x-o-x-o-x 1. May bago na akong pampatulog / pampakalma na kanta, ito ay ang “ Nandito Ako ” mula sa indie film na “ Selda ”. Pinalitan ko na ang...

Pauna Lang para Sa Oktubre :)

            Dahil sa tagal ng panahon na hindi na naman ako nakapagsusulat, medyo nahihirapan na ulit akong makapagsimula. Pero okay lang ganun talaga marahil. Eh di naman sa lahat ng oras ay magkakaroon ka ng panahon para gawin ang mga bagay na gusto mo. Inaamin ko na may mga pagkakataon na naipamumuhay ko yung buhay sa paraang kung paano ko siya nai- imagine . At oo, masarap sa pakiramdam, kahit pa di mo alam kung magpapatuloy ba yun hanggang kinabukasan o maghihintay ka na naman ulit ng panahon para maranasan mo iyon. Ang ipagpapasalamat mo na lang ay kahit paano, hindi man palagi, maaari rin pa lang matupad ang buhay na nasa isip mo…             Nakakatuwang isipin na bawat tao ay gustong magkaroon ng marka o bakas na maaari nilang iwan dito sa mundong ibabaw. Na lahat ay may ganung klase ng struggle . Na alam mo at ramdam mo na kung nasaan ka ngayon ay hindi mo deserve kung meron ka lan...

Wala nga bang Basagan ng Trip?

            Dulot na rin ng modernong panahon, may dalawang paraan na ng pagi- exist sa mundo: una masasabi mong ikaw ay nabubuhay sa real world at pangalawa ay ang pagiging totoo o pagpapanggap ng panibagong pagkatao sa virtual world . Ano na nga ba ang naging epekto ng social media sa ating buhay? Totoo nga bang ‘ walang basagan ng trip ’ sa virtual world ? Gaano ba dapat kababaw o kalalim ang paggamit natin sa iba’t ibang social media tulad ng facebook , twitter , instagram at sangkatutak pang iba?             Noong hindi pa masyadong uso ang mga ‘ eklat ’ na yan hehe, texting ang ‘ boom na boom ’ dati. Kaya nga naglipana noon ang maraming text clan na nagpapasabog  ng gm (group message) sa inbox mo. At aminado naman ako na nakiuso rin at naki- clan kung kani-kanino, pero di ako sumusulpot sa mga EB (eyeball) dahil nakakatakot din lalo pa’t di mo naman personal na kakilala ...

Mareng Maring :)

2013 08 20             Parang tumigil na naman ang takbo ng buhay dahil sa pagkansela ng mga pasok sa eskwela dahil sa malakas na buhos ng ulan na nagdulot ng pagbaha. Parehong buwan din noon, Agosto, noong halos tumambay na nang husto ang baha sa bahay namin, yung pakiwari mo na bigla na lang nawala sa kabihasnan ang buong komunidad at bigla na lang nag- transform ang buong bayan sa ‘ water world ’… at wag naman sanang maulit. Kaya sana naman mahabag itong si ‘ Maring ’ na wag naman pumares kay ‘ Habagat ’, dahil ‘ kokonyatan ’ ko talaga siya kapag nag-anyong tao ang bagyong yan! Lols.             Pero mahirap talaga kapag ang Inang Kalikasan na ang nagdikta ng kanyang lakas. Saan mang lugar, mayaman man o mahirap, kapag hinagupit ka ng lakas ng ulan, wala ka nang magagawa. At parang sirang plaka na lang din ang mga balita na nagsasabi kung anu-anong mga lugar ang bin...

Just a Thought...

Hindi ko alam kung ano na ba ang lagay ng lipunan natin ngayon pagdating sa usapin na may kinalaman sa sex . Ang ibig kong sabihin, kung dati ay para bang napakalaking kahihiyan kung meron tayong nabalitaan na kumakalat na sex video ng isang kilalang personalidad o kahit na sino pa man, bakit ngayon para bang usual na balita na lamang ito sa marami. Yung tipong ‘ alam na namin yan ’… yung para bang ikaw pa ang mahihiya sa sarili mo kapag huli ka na sa balita ( at kung di mo pa napapanuod ang video lols ). Alam ko naman na marami na ang updated ( at nakapanuod na rin, pero di ko pa napanuod-promise! ) ng scandal nila Chito at Neri… happy fiesta sa internet ika nga. Di ko ito isinulat para i- promote ang video , nag-alala lang ako sa mga estudyante o menor de edad na marahil nakapanuod na nito. Hindi naman lingid sa atin na isa si Chito sa mga hinahangaang vocalist ng banda. Ano na lang kaya ang iisipin o tumatakbo sa isip ng mga batang yon… Ang generation pa naman ngayon ay...

Nuod-nuod din ng FIBA-Asia :)

FIBA-Asia…             Mas nakaka- excite talagang manuod ng basketball kapag mga international teams ang naglalaro, lalo na kung kasali ang Pilipinas. Parang boxing game lang ni Manny Pacquiao kung makatutok ang mga energetic naming kapitbahay, may kasama pang mga hiyaw sa tuwing makakapuntos ang ating koponan.             Malaki na nga ang naging improvement ng ating team , malaking tulong na rin siguro yung tayo ang nag- host ng laro kaya ano pa ba ang aasahan natin, syempre pukpukan ang suporta ng maraming noypi sa ipinapakitang gilas ng Pilipinas.             Masaya na ako nung natalo nila yung Korean team, kasi naman mapa- Asian games o kahit ano pa mang tournament , kapag sila na ang kaharap natin, lagi tayong olats sa kanila. Pero ngayon lang natin sila natalo, at mas marami ang mga larong nagin...