Lumaktaw sa pangunahing content

Just a Thought...

Hindi ko alam kung ano na ba ang lagay ng lipunan natin ngayon pagdating sa usapin na may kinalaman sa sex. Ang ibig kong sabihin, kung dati ay para bang napakalaking kahihiyan kung meron tayong nabalitaan na kumakalat na sex video ng isang kilalang personalidad o kahit na sino pa man, bakit ngayon para bang usual na balita na lamang ito sa marami. Yung tipong ‘alam na namin yan’… yung para bang ikaw pa ang mahihiya sa sarili mo kapag huli ka na sa balita (at kung di mo pa napapanuod ang video lols).

Alam ko naman na marami na ang updated (at nakapanuod na rin, pero di ko pa napanuod-promise!) ng scandal nila Chito at Neri… happy fiesta sa internet ika nga. Di ko ito isinulat para i-promote ang video, nag-alala lang ako sa mga estudyante o menor de edad na marahil nakapanuod na nito. Hindi naman lingid sa atin na isa si Chito sa mga hinahangaang vocalist ng banda. Ano na lang kaya ang iisipin o tumatakbo sa isip ng mga batang yon… Ang generation pa naman ngayon ay masyadong exposed sa paggamit ng internet, at marami sa kanila ang hindi naman nabibigyan ng kaukulang gabay ng mga magulang.

Baka lang kasi nagiging mababaw na ang ating pang-unawa tungkol sa sex. Baka dumating ang araw na mas maging sarado pa ang ating isip para pag-usapan ito pero gustong-gusto namang i-explore sa mga di makatwirang paraan.

Sabi nga ni Chito sa isang panayam, wala na rin naman siyang magagawa sa pagkalat ng video, dahil totoong hindi mo naman mapakikiusapan ang bawat tao na wag gawin ang kanilang nais- ang panuorin ito at i-share pa sa kung anu-anong social network… Matuto na lamang tayo mula sa ating mga pagkakamali, at wag namang manghusga ng todo-todo dahil baka mahiya naman ang sansinukob sa kabutihang inangkin mong lubos! Lols.

Jepbuendia
20130814


Mga Komento

  1. It all boils down to responsible parenthood.

    Wala naman yang pinagkaiba noon. Ganun din naman. One way or another makakakita din ang bata ng sex videos hindi man easy access pero makakakita at makakapanood din yan ng porn kasama pa ang barkada. Parte yan ng growing up eh. Ang iniba lang naman ngyaon ay easy access pero ganun pa din naman ang ending.

    Nasa values na lang yan ng bata na hinulma ng mga magulang.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. i agree...
      nasa pagpapalaki talaga yan ng magulang,
      at nakakalungkot lang kapag ang bata ay hindi nagagabayan...

      Burahin
  2. Pansin ko din parang naging "normal" nalang yung mga sex vid ngayon mula unang pumutok ito, e kamakailan lang yun ah, tapos pagnagreact ka against dun sasabihan ka pang ignorante o kaya grow up hahay!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. What's wrong with two people who happens to love each other having sex? And apparently was stolen and posted in porn sites?

      Burahin
    2. uhm, sigurado depende na rin sa tao yun...
      ang concern ko lang ay baka ma-pollute ang utak ng mga batang di alam kung pa'no ihahandle ang ganyang uri ng exposure

      Burahin
  3. Just a thought... bakit kailangang i-video ang isang napaka pribadong pagtatalik... No matter how secret a secret is, sooner or later lalabas at lalabas ito, lalo na kung may ebidensya gaya ng video.

    TumugonBurahin
  4. exactly my sentiments kuya mar... why film it anyway? ang sex vids ngaun para na lng candies yata..available anywhere...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama ka mam yccos, kaya gabay talaga ang kailangan ng mga bata

      Burahin
  5. Maganda yung thought mo. Para sa kin, wala talaga ako comment, pinagtanggol ko pa nga si Chito..pero paano nga naman ang mga bata.. Sex educ ba ang sagot dito? Yung totoo naman kase, aminin natin or hindi, pabata na ng pabata ang mga nag-eexplore sa adventure land.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. uhm, depende kasi kung pa'no na-orient ng mga parents ang mga bata tungkol sa sex, kaya importante na open ang communication

      Burahin
  6. well ayun nga mejo di ko din maintindihan kung bakit pa nila vinedeo, at panong lumabas pa, tsk hirap kasi satin mxado naimpluensyahan ng american culture ee,
    pero ayun agree ako na walang sino man ang may karapatang humusga

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. malapit na nga rin tayong maging liberal tulad ng mga americans lols,

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...