Wala nga bang Basagan ng Trip?

            Dulot na rin ng modernong panahon, may dalawang paraan na ng pagi-exist sa mundo: una masasabi mong ikaw ay nabubuhay sa real world at pangalawa ay ang pagiging totoo o pagpapanggap ng panibagong pagkatao sa virtual world. Ano na nga ba ang naging epekto ng social media sa ating buhay? Totoo nga bang ‘walang basagan ng trip’ sa virtual world? Gaano ba dapat kababaw o kalalim ang paggamit natin sa iba’t ibang social media tulad ng facebook, twitter, instagram at sangkatutak pang iba?

            Noong hindi pa masyadong uso ang mga ‘eklat’ na yan hehe, texting ang ‘boom na boom’ dati. Kaya nga naglipana noon ang maraming text clan na nagpapasabog  ng gm (group message) sa inbox mo. At aminado naman ako na nakiuso rin at naki-clan kung kani-kanino, pero di ako sumusulpot sa mga EB (eyeball) dahil nakakatakot din lalo pa’t di mo naman personal na kakilala ang mga ‘pipol’ na iyong nakakatext sa clan. So, ganyan lang kasimple dati, kaya nga tayo nabansagan na ‘texting capital of the world.’

            At sa mabilis na pag-usad ng panahon, para bang walang saysay ang buhay mo kung hindi ka makagagawa kahit isa man lang na account mula sa maraming pagpipiliang social media. Para bang putol ang buhay mo kapag di mo ito naitawid sa virtual na mundo. Naunang sumikat ang friendster, hanggang sa ‘binukbok’ na ang mga testimonials nito at pinalitan na ng palasak at parang ID mong facebook, kasabay ng pagsulpot pa ng ‘many-to-mention’ pang iba. At sa lahat nang yun, dalawa lang ang meron ako- facebook at blogspot. (maisingit lang ang sarili lols)

            Kaya di na rin nakapagtataka kung ngayon ay binansagan na rin tayong ‘social networking capital of the world.’ Tayo pa ba ang papatalo sa padamihan ng facebook o twitter account? Tayo pa ba ang papahuli sa pagpapa-trend ng kung anu-anong mga hash tag? Syempre hindi! Hilig ata ng mga noypi ang magpa-trending! Kaso, ‘eh ano?’ kung tayo na nga ang ‘social networking capital’ ng mundo, nagdulot ba ito ng positibong pagbabago? Ewan ko. Parang tulad lang yan ng economic growth na pinagmamalaki natin (o nila?), nakikita sa numero pero hindi sa pamumuhay ng mga Pilipino.

            Totoo na walang basagan ng trip. Yung wala akong magagawa kung umaapaw na ng pagmumukha ng iba ang news feed ko haha, akalain mo yun nag-facebook pa ako pero ikaw at ikaw lang ang napagmamasdan ko tuwing mag-oopen ako ng aking account lols! (Bakit di ko i-unfriend? Dahil parte na yun ng katotohanan ng buhay haha.)

Na mas pipiliin ko na lang na mag-offline lagi sa chat (pwera na lang kung may kailangan talaga akong i-chat) dahil annoying naman talaga yung icha-chat ka tapus ang ending ‘pa-like’ naman po nito ‘tenkz!’ haha. Ano na ba ang gamit ng chat ngayon? Para sa sapilitang pagpapalike? Yung di mo alam nai-add ka na pala sa mga facebook group na mahahalay, at ang batayan ng pagkakaibigan ngayon ay kapag ni-like ninyo ang post ng isa’t isa hanggang parehas ninyong pasabugin ng sariling mga notification sabay print-screen at share lols!

Yung pati ba naman simpleng ‘gudmorning XD’ ay ipo-post mo pa, for what reason? Hehe. At yung ibabalita mo pa sa buong mamamayan ng facebook na ‘wag na kayong magpapahiram ng rice cooker kung ibabalik din naman ng sira’ (with tag dun sa mga pipol concerned), bakit di mo na lang i-pm? Or i-text? Lols.

            Ilan lang yan sa mga na-obserbahan kong paraan ng paggamit sa facebook. Lahat naman ata tayo ay guilty sa ganyan. Marami na sa ngayon ang naghahanap ng instant gratification mula sa paramihan ng friends sa facebook (as if real friends mo sila), paramihan ng like, makapagpa-trending man lang ng hash tag kahit nonsense kung minsan, yung gawing chat ang pagko-comment with bastusang ‘i-kwento mo sa pagong’ at ‘tanong mo sa buwan’ na mga tugon sa komento. Isipin mo na lang kung ang lahat ng ito ay naitawid na rin sa real world, matino pa kaya nating makakausap ang isa’t isa? At sa tingin ko ay nangyayari na nga rin ito, lalo na sa mga kabataan (tulad ko hehe).

            So, hanggang sa ganitong level na lang ba natin gagamitin ang iba’t ibang social media? Eto na ba ang ibig sabihin ng pagiging ‘social networking capital of the world’? Applicable pa rin ba ang rule na walang-basagan-ng-trip? Hanggang kailan natin pagkakatuwaan ang mga ginagawa ng mga internet bashers? Pati na rin yung mga nambu-bully? Hangga’t trending  ba ay okay pa rin?


            Alam kong marami pa tayong magagawa. At hindi naman maikakaila na kaya nating gawin iyon. Wag puro ‘selfie’, that is ‘so makasarili’.  Marami na ang nagpasimula for a change, tara na baguhin natin ang takbo ng buhay sa social media! (parang campaign lang lols).

Mga Komento

  1. depende na lang talaga kung sino ang gumagamit ng account at mga social media.. may mga tao pa rin na mkabuluhan.. at worth it na bashin at tingnan ang mga post.

    para sa kin.. kung ano man gawin mo s buhay mo.. sa facebook man o real life.. eh karapatan mo yan.

    at yung mga social media.. oo sobrang nag-eenjoy ako gamitin sila.. una dahil sa mga post ng mga kaibigan ko sa instagram eh nakaka-catch up ako kung kamusta na sila at ano na npagkakaabalahan nila.. dahil nga nasa kbilang panig ako ng mundo..

    nakakabalita ako kung anong nangyayari through pot sa fb dahil wala naman akong tfc.

    at kahit papaano ay napapatawa ako ng mg post ng iba at yung iba may natututunan naman ako..

    tingin ko naman kahit papaano eh may naidudulot naman na maganda ang mga social.media.. kailangan lang natin bigyan pansin at kungvmaaari palaguin.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. depende talaga sa gumagamit at pangangailangan ng gumagamit :)

      Burahin
  2. Yup, wala ngang basagan ng trip. For me, wala nang "kwenta" ang mga social networking sites. For what reason?
    + May Facebook ako, pero hindi dahil sa makipag-socialize, para lang laruin ang isang laro na sa Facebook pa napunta. Pwede naman sa ibang website.
    + Bakit naglalaro na lang ako sa Facebook? Maiinis ka lang sa mga posts. For example, may mga tinatawag tayong "groups" (school sections, etc.). Kapag nag-post ka ng isang bagay, for example, a question, school-related (projects, etc,), "wala" ni isa ang papansin man lang sa mga post mo. Pero kapag nag-post ka ng mga love quotes, mga pictures ng hindi mo pinagsasawaang mukha (un nga, ung selfie pics), aba. Daig pa sa post ni Mark Zuckerberg ang mga likes at comments. Useless diba?

    Kaya for me, if it weren't for that game, wala pa akong Facebook hanggang ngayon.

    Sir, musta? :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. wow napaka elaborate naman ng iyong komento :)
      ok lang naman ako, eto blog blog din pag may time...

      kaw kamusta na college life?

      Burahin
    2. At least totoo po ung sinabi ko. :)

      Ok lang naman po, kaya pa hanggang ngayon, ewan ko na lang in the next few months :P

      Burahin
    3. kayang kaya mo yan, nagkita kami ni reuel ah, ang sabi ang tataas daw grades mo, galing! :)

      Burahin
  3. Natutuwa ako sa reflection mong ito. Sa tingin ko, it all boils down talaga sa responsableng paggamit ng social media. And by being responsible, hindi lang ibig sabihin na may sense ang ipo-post o maayos ang sinasabi sa bawat post. Kasama na rin dito ang responsableng paggamit ng panahon na ginugugol sa harap ng computer sa kaka-post ng kung anik-anik sa napakaraming account.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. By the way, ano nga pala ang ibig sabihin ng blog title mo? Na-curious lang ako hehe

      Burahin
    2. yah i agree sa iyong komento, depende sa user hehe :)

      about sa title ng blog...
      korta bista-spanish term means near sighted, tibobos- other tagalog term for person,
      kaya korta bistang tibobos ay near-sighted person, at AKO yun haha :)

      Burahin
    3. Ah, i see. Salamat sa paliwanag. Lumipad na kasi sa bintana lahat ng napag-aralan ko sa Spanish sa college nung mga nineteen-kupong-kupong pa hehe.

      Baligtad tayo. Ako naman, far-sighted.

      Burahin
    4. hehe we're opposite :)
      mapa-near o far sighted man, ang hirap pa din kapag walang salamin lalo na sa case ko :)

      Burahin
  4. I think depende sa pag gamit ng social networking sites kung ano ba talaga ang kalalabasan ng mga pinaglalagay nila. :)

    Sana lang mas naiintindihan ito ng mga tao, kasi nakakaasar na parang puro kawalang kwentahan dn ang nakikita. Hehe.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama. pag kasi puro nonsense parang nawawalan na ng silbi at kabuluhan ang social media, sayang naman...

      Burahin

Mag-post ng isang Komento