Lumaktaw sa pangunahing content

TITSER



               “Mahirap maging teacher sa Pilipinas, kasi dito mababa ang sweldo…

            Eh kasi naman… di ko na lang sana napanuod yung ‘the making’ ng isang serye sa channel 11 na pinamagatang “Titser”. Ayan tuloy, mas lalo ko lang nare-realize kung gaano ‘kalaki’ ang kinikita ng isang guro sa kabila ng lahat ng paghihirap at pagsisikap niya sa araw-araw. Ang totoo, humahanga ako sa mga gurong nagtagal sa kanilang propesyon… puso at hindi pera ang dahilan kung bakit sila nananatili sa pinili nilang trabaho.

            Ramdam ko ang sweldo na yan lols. Yung tipong kapag bagong sahod ka, mga isa hanggang tatlong araw mo lang mararamdaman na may kinita ka pala… pagkatapos nun, kusa na lang na mag-i-evaporate ang sweldo mo… at ito ay isang natural phenomenon hehe.

            Bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng trabaho, eh ang pagiging titser pa ang sinapit ng kapalaran ko…

            Sabi sa tv- ang pagiging guro ay isang vocation, pinipili ng uniberso ang magiging mga guro.”

            Kaya naman, kung ako nga ay napili o napili-tan, hangad ko na may magawang mabuti para sa propesyong ito. Kahit gaano ka-stressful at ka-haggard ang trabaho ng isang guro, sa tingin ko, hangga’t may puso kakayanin ko (pero sana may pera din, kahit konti lang hehe).

            On a serious note, kung tatanungin mo ang mga mag-aaral ngayon, ilan ba sa kanila ang minimithi na maging isang guro? Marahil kaunti lamang. Lalo na kung ang mga tatanungin mo ay yung mga kabataang matatalino o ika nga eh mga achievers… Bakit nga naman sila mag-aaral sa kolehiyo para maging titser lang gayong napakarami nang kurso ang pagpipilian sa ngayon…

            Para bang ang pagiging guro ay last option na lang… kapag wala nang choice, sige mag-titser ka na lang. Nakakalungkot. Lalo na kung ikukumpara mo ang kalagayan ng ibang guro sa ibang bansa… ang laki ng pagkakaiba.

            Pero ganun talaga… minsan nakakasawa na rin intindihin ang mga ganitong issues. Hindi naman dahil wala nang pag-asa na mabago ang mga problema na kinakaharap natin pagdating sa edukasyon, marahil gawin na lang natin ang ating parte upang huwag nang dumagdag sa mga kasalukuyang problema. Sabi nga eh, kahit mahirap, just do it! Malay mo, bukas super-unlad na ng Pilipinas lols… malay mo lang naman. Who knows?!


x-o-x-o-x

Mga Komento

  1. Kakarampot din naman kasi ang suweldo ng mga titser pero nalaman kong mas malaki ang sahod ng pampublikong eskuwelahan kaysa sa pribado, tama ba ako?

    Nasabi ko na sa iyo nuon, na mayroong ibang dapat pagkakitaan ang isang guro. Bokasyon kasi ang magturo kaya dapat nasa puso. Yung bulsang butas, sa ibang bagay ko nahanap para mapunuan. Nagbenta ako ng , hmmm, alam mo na, joke, ng t-shirts para lang makatapos ng pangalawang kurso habang nagtuturo. Nagsayaw ako, este, nag interpret para kumita ng pandagdag sa sahod.

    Basahin mo ang huling post ko dahil tungkol ito sa pagtuturo, ang huling series ng aking meet the bloggers. Sana kahit paaano may maging motivation ka para magpatuloy sa iyong bokasyon.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama ang inyong impormasyon sir, mas malaki na ngayon ang kita sa mga public schools, kaya hangad kong makalipat na ako soon!

      gusto ko rin po yang ideya ng sideline para kumita kasi nga po gusto ko rin pong mag-aral ng masteral...

      babasahin ko po ang inyong post sir, pero nung nakaraan bakit di ko po ma-open ang inyong blog?

      Burahin
    2. Mayroong scholarship from Ateneo na binibigay sa mga teachers, hindi ko lang alam kung puwede yung galing sa private schools. Yccos shared this to me, tanungin mo siya, scroll down, he,he.

      Burahin
    3. Hello again. Found this link from yccos - www.teachforthephilippines.org/fellow-type/how-to-apply/ . Read mo yung website nila and see if you want. Have a great day!

      Burahin
  2. Sir, sasabihin ko na sa po inyo ang totoo...
    Nabuhay ka sa mundong ito para maging isang guro. Wala na tayong magagawa dun. :P

    Kamusta po sir? Zuper busy eh, kaya..... alam mo na. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. so, magiging teacher na ako buong buhay ko? lols :)

      oo nga, sobrang busy niyo na, wala man lang akong nabasa sa blog mo, meron bang bago?

      Burahin
  3. well, kasi ang pagiging guro ay di lang isnag propesyon kundi isang bokasyon,
    pasyensya, sakripisyo, talino at pagmamahal, ilan yan sa requirements ng pagiging guro
    kaya mababa mana ang sahod ee,masaya maging guro
    yun nga lang dahil sa kahirapan mas pinipili ng ibang maging praktikal na lang, at pumili ng profesyong mag bibigay ng mas malaking kita sa kanila

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama ang iyong sinabi...
      yung iba gustong magturo, pero pipiliin na lang ang ibang trabaho na mas madali at may mas malaking kita...

      Burahin
  4. Malungkot talaga ang maging titser sa Pilipinas sa aspetong maliit lamang ang sweldo. Pero masaya naman sa ibang aspeto gaya paglalakbay sa kabilang mundo kapiling ang mga batang nais na matuto.

    Para mapunan sa pangangailangang madagdagan ang kita, kailangan ko pang magturo uli ng kolehiyo sa gabi at Sabado. Nakakapagod pero masaya. Ganun talaga...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. totoo yan sir, nakakapagod pero masaya :)
      sana makapag masteral na ako, gusto ko rin magturo sa college :)

      Burahin
  5. You're not just a teacher. You inspire them. You mold them. You make them a better person. You become part of us, and until the end we are eternally grateful of your hard works.

    May mas hihigit pa ba sa pera diyan? :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. wow! salamat :)
      wala ngang katumbas na halaga ang iyong sinabi :)

      Burahin
  6. sa elementary schools, pag tinanong mo sila kung anong gusto nilang maging paglaki nila, ang options lang nila maging teacher, sundalo, pulis o doctor. di pa nila alam ang engineer, architect, seaman, o iilan lang sa kanila ang nakakaalam..... i worked for multinational companies before i decided to teach, at yung idealism ko, unti-unting nalulunod sa exhaustion, hopelessness at bulok na sistema. pero tuwing mag-iisip ako kung pano ko sila tuturuan kinabukasan, at naaalala ang mga ngiti ng mga bata at sabi nga ni sab ongkiko, ang ningning sa mga mata nila, na-eexcite akong pumasok kahit alam kong kalahati or lesser lang ng lesson plan ko ang magagawa ko, dahil mauubos ang oras sa kakadiscipline, kakaulit ng instructions at kaka-attend sa mga sumbong, iyakan at suntukan nilang hindi mauubos-ubos.. hindi ko rin alam kung maiinis o matatawa ko sa kanila kapag ganun, kanina lang magkaaway sila, a few minutes later, magkalaro na ulit sila. parang balewala lang ang pagalit ko at ang away nila... anyway, napahaba na ang comment ko, di ko pa napanood yang Titser, pero parang ayokong panoorin...hahahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. parehas tayo ng hinahanap mam yccos :)
      ang ningning sa kanilang mga mata at ang mga ngiti :)

      panuorin mo ang Titser, sa channel 11 po, maganda.

      Burahin
  7. Buti di mo pa naiisip mangibang bansa din?

    Ako nun ganyan din. Halos di magkasya ang sahod ko. Kaya no choice talaga kundi ma abroad

    TumugonBurahin
  8. teacher din po pala kayo ser... kahilira nina mam Yccos, ser Jonathan at ser mots...

    Saludo kami sa inyo!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...