Nuod-nuod din ng FIBA-Asia :)

FIBA-Asia…

            Mas nakaka-excite talagang manuod ng basketball kapag mga international teams ang naglalaro, lalo na kung kasali ang Pilipinas. Parang boxing game lang ni Manny Pacquiao kung makatutok ang mga energetic naming kapitbahay, may kasama pang mga hiyaw sa tuwing makakapuntos ang ating koponan.

            Malaki na nga ang naging improvement ng ating team, malaking tulong na rin siguro yung tayo ang nag-host ng laro kaya ano pa ba ang aasahan natin, syempre pukpukan ang suporta ng maraming noypi sa ipinapakitang gilas ng Pilipinas.

            Masaya na ako nung natalo nila yung Korean team, kasi naman mapa-Asian games o kahit ano pa mang tournament, kapag sila na ang kaharap natin, lagi tayong olats sa kanila. Pero ngayon lang natin sila natalo, at mas marami ang mga larong naging talo tayo sa kanila, kaya di pa natin masasabi na nalampasan na nga natin ang husay ng mga Koreans sa larong basketball.

            Sapat na rin na nakapasok tayo sa finals ngayong taon, dagdag pa yung may ticket na tayo sa FIBA-World Cup 2014. Di ko talaga hinangad na mag-champion pa ang Pilipinas hehe. Hindi naman sa kampi ako sa Iran, pakiramdam ko kasi baka ma-pressure lang sila sa world cup kung sila ang nag-champion sa FIBA-Asia; akalain mo yun, kapag nasa atin ang titulo ang laki ng dapat nating patunayan, kaya baka hindi sila makapaglaro ng maayos. Gaya na lang nung nangyari sa finals, alam nating gustong-gusto nilang manalo, lalo pa at naglalaro sila sa harap ng ating mga kababayan, at dahil dun pumanget ang laro nila hehe, kasi effort na effort tayong magpakitang gilas laban sa mga Goliath na Iranian players. Kaya okay lang ang silver medal at ‘da best’ pa rin naman ang buwis-buhay na laro ng ating team.

            Kaya maraming good luck sa kanila next year, alam kong hindi ganuon kalaki ang tsansa nating makuha ang championship sa FIBA-World, ikaw na ang bumangga sa mas malalaki pang teams tulad ng US at Spain, ewan ko na lang hehe. Pero sana kung tatalunin na rin naman tayo ng ibang mga koponan, sana mahirapan naman sila sa ating team at gamitin ang experience natin sa FIBA-World para mas mapahusay pa ang ating laro sa mga susunod pang paligsahan!

            And I know, at ito ay isang prediksyon, maibabalik din natin ang kinang ng tagumpay sa mahal nating bayan, marami pang mahuhusay na manlalaro ang uusbong at kailangan lang alagaan nang sa gayon darating din ang panahon na di na natin kailangan pang kumuha ng mga naturalized players o mga half-half kunwari na Pinoy para lang maging malakas ang ating team, kung pwede namang sariling atin! Lols.

Jepbuendia

20130812

Mga Komento

  1. Mabuti naman at kahit sa basketball eh mayroon pa rin tayong kakayahan bilang atleta. Magaling ang ating koponan nung unang panahon subalit napabayaan na ng pamahalaan ang atleta dahil na rin sa dami ng problema ng lipunan.

    May kilala akong mga atleta, magagaling sila, pero kinuha sila ng Thailand at pag-aaralin so that they can compete for the country, which is Thailand. :(

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hay ang lungkot naman, kung ako yung atleta parang di ko kayang lumaban para sa isang bansa na di ko naman pinanggalingan :(

      Burahin
  2. Uyy, ayos yang naisip mo na baka mapressure lang ang Pinas pag sila ang Champion. May point ka. Pero kahit pano nakakapanghinayang talaga. Ang tatangkad kasi ng mga taga Iran. haha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Mahirap din talaga manalo, ang tatangkad din talaga kasi :)

      Burahin
  3. haha sayang at wala kaming tv sira pa din at
    mas pinipili kong matulog o mag blog kesa manuod hhaha
    pero nakakaproud ung mga nababasa ko at naririnig about sa galing nila

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. naging mahusay talaga ang laro nila :)
      kaya sana ganun din sa FIBA-World

      Burahin

Mag-post ng isang Komento