Bakit pa Babasahin ang isang Same-Old-Story?

            Tatlong araw na walang pasok.
            Ang saklap naman kung magtsi-check lang ako ng mga papel.
            At lalong mas masaklap ang computation ng grades

            Lalo na kung wala ka naman talagang mapiga, ma-record at ma-compute na grado mula sa mga batang pinagpala ng katamaran sa pag-aaral. Wala namang grade ang attendance at mas lalong walang puntos na maibibigay sa ingay at kadaldalang walang saysay.

            Pag binagsak mo naman, sa’yo rin ang sisi. Ako na nga nagturo, ako pa rin mag-aaral? Lols.

            Anyway, lumang tugtugin na ang mga ganyang eksena sa akin. Kung dati naniniwala pa ako na nasa kamay ko ang kasipagan ng mga mag-aaral, ngayon ‘konti na lang’. Kapag binigay mo na ang lahat ng pasensya at pagtitiyaga sa isang mag-aaral na tamad, mahilig mangopya at walang kahit katiting na interes sa pag-aaral, sa bandang huli, kung ayaw pa rin niyang magkusa at magsikap na matuto, hayaan mo siyang matuto sa ibang paraan… hayaan mong makita niya ang epekto ng mga ka-engotan na ginagawa niya sa kanyang buhay lols. At kung di pa siya matauhan sa mga nangyayari sa kanya, haynaku, sabi ng nanay ko walang milagro sa mga ayaw tulungan ang sarili.

            Pero ganuon talaga ang life, kahit ayaw mo na sa mga batang hanggang pagsusuot lang ng uniform ang ibubuga sa eskwela, kailangan mo pa rin silang tanggapin nang buong-buo… malay mo, mali ang nanay ko, baka posible rin naman ang miracle! Tiyaga-tiyaga rin hangga’t kaya, kapag ubos na pasensya, bahala na lols.

            Di naman talaga lahat ay magiging mahusay at matalino sa eskwela. Maaaring magaling sila sa ganyan, pero mahina naman sa ganito. Kaya kung ganun talaga, bakit ba natin pipiliting banatin ang isang banat na banat nang lastiko? Maaaring maging mas mahusay kumpara dati, pero parang hindi maaring gawing mahusay tulad ng iba… Labo nun.

            Kaya, pwede bang ang grade ay narrative report na lang? hehe. Isalaysay na lang natin ang mga kahinaan at kalakasan ng isang mag-aaral, nang sa gayon, walang nang babagsak at ang tunay na hangarin na lamang ng pagpapaunlad sa sarili ang maiiwan sa bawat mag-aaral. Dahil ang mga grado, para sa akin, ay di isang direktang reflection ng kakayahan at kalagayan ng isang estudyante. Mas marami pang dapat ayusin sa isang indibidwal higit pa sa pagpapataas lamang ng marka…

x-o-x-o-x

            Super tamad ako ngayong araw. Sulat-sulat din para alibi sa katamaran. At least di halatang nasasayang ang oras ko. At least binobola ko ang sarili na may nagagawa rin naman akong makabuluhan bukod sa pagtunganga sa bintana. ( at di ko talaga matanggap na pag-alis ko sa keyboard ay mga papel na ang hahawakan ko… no choice! )

Jepbuendia

20130810

Mga Komento

  1. " Dahil ang mga grado, para sa akin, ay di isang direktang reflection ng kakayahan at kalagayan ng isang estudyante."

    Korek! sana pala sinabi ko yan noon nung pinagawan ako ng special project sa math para ma-angat ang grades ko pataas. Hihi!

    Napanood mo na 3 idiots or like stars on earth? panoorin mo or pa-panood mo sa students mo baka may makuha sila :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. yung 3 Idiots napanuod ko na :)
      at sana mapanuod nga yun ng marami pang students...
      gusto ko rin ipapanuod yun sa kanila kaso di konek sa subject ko lols :)

      Burahin
  2. As a teacher, tao pa rin naman tayo, we can only do what we can. Sabi nga, nasa tao ang gawa. It is not easy to motivate students since they are of different backgrounds and personalities. Tayo nga na maraming mga problema, dala dala pa rin natin ang problema ng ating mga estudyante. Super man lang naman. So kapag naisipang mag give up, ok lang yan. Bukas ulit, hanggang may pumasok sa kukote.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama ka dyan sir, tiyaga-tiyaga lang talaga
      at hindi lahat ng araw ay makukuha mo sila...

      Burahin
  3. hay naalala ko na naman ang mga ginawa at mga gagawin ko sa post na ito. walang katapusang motibasyon para dumami ang sipagin sa pagpasok, at nang dumami din ang papel na haharapin pagkatapos. pag nakitang tambak na ang mga papel, di na halos alam kung paano isingit sa mga gagawin para matapos na dahil tumataas ng tumataas pag hindi naman nagawa. hay...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. medyo mahirap talaga sir,
      akalain mo yun kailangan natin silang i-motivate bukod pa sa pagmomotivate sa ating sarili lols :)

      Burahin
  4. agree agree agree naman ako sayo sir! nasa studyante pa din ang kakalabasan ng pagaaral nya, at di din naman nangangahulugang tanga ka na kung mahina ka sa isang bagay, tao lang naman tayo nu

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento