Ako at ang Aking Cross Stitch :)

         Noong isang araw (umaga), habang nagliligpit ako ng kumot at unan, iniabot ng nanay ko ang project kong ito, nakita niya nung nag-ayos siya ng mga gamit namin. First year high school ko pa ‘to ginawa. At hindi ko malilimutan ang cross stitch project na ito dahil hindi ko yan tinulugan makaabot lang ako sa huling araw na ibinigay sa amin ni Ma’am Z. para makapagpasa.

            Medyo napatingin ako ng sandali sa project kong ito (hindi dahil sa sobrang ganda o husay ng pagkakagawa), na-amaze lang ako kasi naluma na pala siya haha. Sampung taon na ang nakalipas, nasa bahay pa pala namin ang cross stitch kong ito (parang ang tanda ko na lol).

            Dati kasi naka-frame pa yan, pero kita mo naman after 10 years, wala na yung frame, medyo madungis na at niluma na ng panahon ang sinulid at tela.


           Naitanong ko tuloy… ano ba ang natutunan ko sa cross-stitch project na ito? Hindi naman kasi talaga ako pala-submit ng mga ganitong project lalo na yung pananahi at paggagantsilyo.

            Tiningnan ko ang mga detalye… puro ‘EKIS’ ang nakikita ko (malamang kasi cross stitch lol). Pero ang ikinamangha ko ay kung paano nabuo ang larawan sa tela gamit ang mga ‘EKIS’ na pagtinignan mo sa kabuuan ay di naman halatang mga ‘EKIS’ ang mga iyon…

            Naihalintulad ko tuloy ang project kong ito sa aking sarili. Maraming pagkakataon na hindi ko matanggap ang mga ‘EKIS’ na meron sa aking buhay- mga FAILURES, FRUSTRATIONS at INSECURITIES. Na nagagalit ka sa sarili mo kung bakit kailangan mong maranasan ang mga iyon… lalo na kung paulit-ulit itong nangyayari. Gayunpaman, tulad ng mga ‘EKIS’ sa cross stitch, ang mga ito pala ang maaaring BUMUO sa ating sarili. Na sa bawat ‘EKIS’ na nadarama natin, sa paglipas ng panahon, ito ang magbibigay dagdag na detalye upang lubos nating makita at maunawaan ang ating sarili sa parehas na paraan kung paanong nakikita at naa-appreciate natin ang larawang nabubuo mula sa mga ‘EKIS’ ng cross stitch

            Kaya nais kong payuhan ang sarili ko na wag matakot magkamali, dahil baka dumating ang panahon na hindi ko lubusang makita at makilala ang sarili dahil lang sa ayokong magkamali. So. ‘EKIS-EKIS’ din pag may time! (but not most of the time, haha)

Mga Komento

  1. I like the concept and the way you used cross-stitching as a metaphor for an important life lesson. I couldn't agree more. This post could still be written better, pero effective na siya as is. A good read nonetheless. :3

    TumugonBurahin
  2. Tama, if we dont make mistakes, we will never learn and be the person we wanted to be. Yun nga lang may mga taong puro ekis pero wala pa ring natutunan.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha yun lang, kaya dapat laging may matutunan dahil kung wala lagi lang may 'ekis' :)

      Burahin
  3. Napahusay ng analogy. Tama, failure is a part of life. It's just a matter of acceptance and moving on again, make those failures help you build a better life. Naks! Ano daw? haha! ;)

    TumugonBurahin
  4. isang malaking check... sometimes, we have to learn lessons the hard way.. the wrong way... the ekis way. kahit gano ka-ingat sa mga bagay-bagay, eh magkakamali, masasaktan muna tayo bago matuto.. pero sabi nga nila, pwedeng combo scores pero wag nman daw paulit-ulit sa prehong pagkakamali.. maling-mali na yun..hehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. pero kung sa paulit-ulit na pagkakamali sila matututo, why not hahaha :)

      Burahin
  5. Galing ah! THe closer we look, the less we see. Para maapreciate yang cross stitch, kailangang tingnan hindi sa paraang sobrang lapit, kailangan may distansya para makita natin ang kabuuan... siguro ganon din sa buhay, hindi kailangang imagnify ang pagkakamali o mga ekis na natamo...

    TumugonBurahin
  6. Kami rin gumawa ng kami ng ganito, yung sa akin si bunny pa ata yun/// anyway,
    ang ganda ng pagkakagawa mo sa tema ng cross stitch..
    Ika nga nila kung di ka nagkamali sa buhay mo, malamang wala ka rin natutunan sa pinagdaan mo.
    Kaya nga dapat tayong magpasalamat kung mag dumarating pang pagsubok o pagkakamali sa atin dahil dito tayo nahuhubog at natututo.

    TumugonBurahin
  7. tama, hindi natin dapat ikinalulugmok ang ating mga pagkakamali, magpasalamat sa mga natututunan :)

    TumugonBurahin
  8. well , may gnyan din akong project sa t.h.e subject ko at ang panget ng gawa ko ,

    Normal lang sa tao ang makaramdam ng mga gnyan , dyan din tayo natutoto

    TumugonBurahin
  9. Hindi pa ako nakakabuo ng cross-stitch sa totoo lang kahit 'yung project namin nung elementary. Ang ganda ng mensahe ng post na ito.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Yan lang ang kaisa-isahang cross stitch na natapos ko sa buong buhay ko hahaha :)

      Salamat sa pagbisita! :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento