Lumaktaw sa pangunahing content

Ako at ang Aking Cross Stitch :)

         Noong isang araw (umaga), habang nagliligpit ako ng kumot at unan, iniabot ng nanay ko ang project kong ito, nakita niya nung nag-ayos siya ng mga gamit namin. First year high school ko pa ‘to ginawa. At hindi ko malilimutan ang cross stitch project na ito dahil hindi ko yan tinulugan makaabot lang ako sa huling araw na ibinigay sa amin ni Ma’am Z. para makapagpasa.

            Medyo napatingin ako ng sandali sa project kong ito (hindi dahil sa sobrang ganda o husay ng pagkakagawa), na-amaze lang ako kasi naluma na pala siya haha. Sampung taon na ang nakalipas, nasa bahay pa pala namin ang cross stitch kong ito (parang ang tanda ko na lol).

            Dati kasi naka-frame pa yan, pero kita mo naman after 10 years, wala na yung frame, medyo madungis na at niluma na ng panahon ang sinulid at tela.


           Naitanong ko tuloy… ano ba ang natutunan ko sa cross-stitch project na ito? Hindi naman kasi talaga ako pala-submit ng mga ganitong project lalo na yung pananahi at paggagantsilyo.

            Tiningnan ko ang mga detalye… puro ‘EKIS’ ang nakikita ko (malamang kasi cross stitch lol). Pero ang ikinamangha ko ay kung paano nabuo ang larawan sa tela gamit ang mga ‘EKIS’ na pagtinignan mo sa kabuuan ay di naman halatang mga ‘EKIS’ ang mga iyon…

            Naihalintulad ko tuloy ang project kong ito sa aking sarili. Maraming pagkakataon na hindi ko matanggap ang mga ‘EKIS’ na meron sa aking buhay- mga FAILURES, FRUSTRATIONS at INSECURITIES. Na nagagalit ka sa sarili mo kung bakit kailangan mong maranasan ang mga iyon… lalo na kung paulit-ulit itong nangyayari. Gayunpaman, tulad ng mga ‘EKIS’ sa cross stitch, ang mga ito pala ang maaaring BUMUO sa ating sarili. Na sa bawat ‘EKIS’ na nadarama natin, sa paglipas ng panahon, ito ang magbibigay dagdag na detalye upang lubos nating makita at maunawaan ang ating sarili sa parehas na paraan kung paanong nakikita at naa-appreciate natin ang larawang nabubuo mula sa mga ‘EKIS’ ng cross stitch

            Kaya nais kong payuhan ang sarili ko na wag matakot magkamali, dahil baka dumating ang panahon na hindi ko lubusang makita at makilala ang sarili dahil lang sa ayokong magkamali. So. ‘EKIS-EKIS’ din pag may time! (but not most of the time, haha)

Mga Komento

  1. I like the concept and the way you used cross-stitching as a metaphor for an important life lesson. I couldn't agree more. This post could still be written better, pero effective na siya as is. A good read nonetheless. :3

    TumugonBurahin
  2. Tama, if we dont make mistakes, we will never learn and be the person we wanted to be. Yun nga lang may mga taong puro ekis pero wala pa ring natutunan.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha yun lang, kaya dapat laging may matutunan dahil kung wala lagi lang may 'ekis' :)

      Burahin
  3. Napahusay ng analogy. Tama, failure is a part of life. It's just a matter of acceptance and moving on again, make those failures help you build a better life. Naks! Ano daw? haha! ;)

    TumugonBurahin
  4. isang malaking check... sometimes, we have to learn lessons the hard way.. the wrong way... the ekis way. kahit gano ka-ingat sa mga bagay-bagay, eh magkakamali, masasaktan muna tayo bago matuto.. pero sabi nga nila, pwedeng combo scores pero wag nman daw paulit-ulit sa prehong pagkakamali.. maling-mali na yun..hehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. pero kung sa paulit-ulit na pagkakamali sila matututo, why not hahaha :)

      Burahin
  5. Galing ah! THe closer we look, the less we see. Para maapreciate yang cross stitch, kailangang tingnan hindi sa paraang sobrang lapit, kailangan may distansya para makita natin ang kabuuan... siguro ganon din sa buhay, hindi kailangang imagnify ang pagkakamali o mga ekis na natamo...

    TumugonBurahin
  6. Kami rin gumawa ng kami ng ganito, yung sa akin si bunny pa ata yun/// anyway,
    ang ganda ng pagkakagawa mo sa tema ng cross stitch..
    Ika nga nila kung di ka nagkamali sa buhay mo, malamang wala ka rin natutunan sa pinagdaan mo.
    Kaya nga dapat tayong magpasalamat kung mag dumarating pang pagsubok o pagkakamali sa atin dahil dito tayo nahuhubog at natututo.

    TumugonBurahin
  7. tama, hindi natin dapat ikinalulugmok ang ating mga pagkakamali, magpasalamat sa mga natututunan :)

    TumugonBurahin
  8. well , may gnyan din akong project sa t.h.e subject ko at ang panget ng gawa ko ,

    Normal lang sa tao ang makaramdam ng mga gnyan , dyan din tayo natutoto

    TumugonBurahin
  9. Hindi pa ako nakakabuo ng cross-stitch sa totoo lang kahit 'yung project namin nung elementary. Ang ganda ng mensahe ng post na ito.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Yan lang ang kaisa-isahang cross stitch na natapos ko sa buong buhay ko hahaha :)

      Salamat sa pagbisita! :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...