Mga Pahina

Huwebes, Oktubre 31, 2013

Sembreak Notes

Ika-27 ng Oktubre, 2013
Linggo, 5:18 ng hapon

            Unang araw ng sembreak. Hapon na pero wala pa rin akong plano kung paano ko uubusin ang isang linggo para naman maging makabuluhan ang sembreak ko, hindi yung lagi na lang akong ‘tulala’ at tulog. Marami naman akong naiisip gawin pero di ko masimulan. Sabi nga eh, ang pagsisimula ng isang gawain ang pinakamahirap lalo na kapag mas pinapaboran mo ang katamaran hehe.

            Hindi naman ako makapanuod ng tv, dahil yung nag-iisa naming tv ay nasa kwarto ng ‘best enemy’ kong kapatid. Kaya radio lang at mga music sa cellphone ang napakikinggan ko sa maghapon, pati na rin pala yung ingay ng mga butihing kapitbahay lalo na ang kanilang ‘never-ending-concert’ sa kanilang videoke. Anyway, di naman talaga ako madalas manuod ng tv

            Bukas ay eleksyong pang-barangay. Parang nadarama ko na huwag nang bumoto (bad example hehe). Sila-sila rin naman ang tumatakbo (ni hindi ko pa nga kilala yung iba), tapus pare-parehas lang din ang sinasabi na sila’y maglilingkod kuno, daming sinasabi, di na lang gawin. At saka ‘same-old-ways’ pa rin naman ang pangangampanya dito sa aming lugar, libakan ng mga partido, kala mo naman kaylinis nilang lahat hehe.


Ika-28 ng Oktubre, 2013
Lunes, 4:14 ng hapon

            Kailan kaya darating ang Bayantel para ayusin na ang telephone at internet connection namin. Sayang naman ang sembreak. Ito na nga lang yung panahon na pwede akong makapunta kahit saan basta may wifi hehe. Kainis!

            Kaunti lang ang nagawa ko ngayong araw. Ninanamnam ko kasi yung katahimikan dito sa bahay at saka yung banayad lang na init ng hapon. Simula nang dumating yung pamangkin ko dito sa bahay, di na nagkaroon ng katahimikan at kaayusan, kaya ngayon na natutulog siya, payapa dito sa aking lugar. Sapat lang din ang ingay ng kapitbahay, baka naka-rest mode lang, tapus mamyang gabi bibirit na naman sa videoke lols.

            Bale, tatlong araw na akong di lumalabas ng bahay. Nawiwili na naman ako sa bisyo kong ito ng pagkukulong. Kaya nga gusto ko talagang mag-audition sa ‘Bahay ni Kuya’ kasi feeling ko may advantage ako dun, dahil sanay na sanay na (as in expert level na) akong makulong sa bahay sa loob ng ilang araw hehe. Kaya pakiramdam ko, pagnakapasok na ako dun, wala lang, ‘nothing is new’ ika nga lols.


Ika-31 ng Oktubre, 2013
Huwebes, 10:49 ng umaga

            Huling araw na ng Oktubre. Kaya kahit sa Nov. 4 pa ang resume ng klase, itinuturing ko na itong huling araw ng aking sembreak.

            So anung nangyari? Ayun, kinarir ko ang pagtatago dito sa loob ng bahay haha. Kaya minsan kapag lalabas na ako nasasabihan ako ng-

“oh nandyan ka pala, kala ko nagbakasyon ka di kasi kita nakikita”
(yung medyo nakakainis kasi sa loob nga lang ako ng bahay nagbakasyon haha)

“parang pumuti ka!”
(na di nila alam, namumutla lang ako kasi di ako naaarawan lol)

Gayunpaman…

Sana bago ang pasukan ay maigala ko naman ang katawang lupa ko hehe. Nagkaroon na ulit kami ng internet sa bahay kaya isa siguro isa yun sa mga dahilan kung bakit lagi lang akong nasa loob ng bahay. Pwede namang makipag-socialize sa virtual world lol (pampalubag loob lang).

Gusto ko sanang sumama nung nag-aya na mag-bike-athon yung mga estudyante ko kaso wala na kaming bike (sayang lang). Kaya nakuntento na lang ako na tignan sa facebook at kanilang masayang bonding, at least naging masaya sila, masaya na rin ako (showbiz).

Napakalaki ng pagkakaiba nung 7 months kaming nawalan ng internet kumpara sa ngayon na meron na ulit. At ito ay ang mga sumusunod: (parang lecture lang)

a. Nung nawalan kami ng internet, tuwing linggo bumibili ako ng Manila Bulletin. Ito na yung pang 1 week kong balita, minsan kasi yung mga nasa pang- linggong labas ng Manila Bulletin ay isang linggo ring binabalita sa tv… kaya binabasa ko na lang haha.

b. Tapus, napagtyayagaan kong magbasa ng mga luma kong libro (paulit-ulit lang) o kahit pa ng mga ebook, dahil di naman ako makapag-surf para makapagbasa ng mga blogs.

c. Na medyo gusto ko nang makipag-usap ng madalas sa mga taong nakakasalamuha ko o kaya sa mga co-teachers ko dahil di na ako nakkikipag-chat sa mga nakakabaliw na random people sa mundo haha.

d. Na nakahiligan ko nang manuod ng mga movies o tv series (tulad ng Prison Break) dahil mahirap pag walang internet, walang mapanuoran ng mga pelikula o documentaries (feeling smart lang).

e. At ang pinakamahirap sa lahat ay ang makigamit lang ng wifi sa school. Kasi hanggang 5pm lang ang wifi, paglampas ng 5pm OFF na as in pinapatay na haha, kakaloko talaga! Kaya kapag vacant o 1 hour bago umuwi, nagda-download na ako ng mapapanuod o ng kung anong mababasa. Kaya tuwing vacant lang din ako nakakapag-blog hopping kaso bitin pa, syempre marami ka rin dapat tapusin habang nasa school.


Kaya, ngayon feeling connected na ulit ako sa mundo…  sa sarili kong mundo.


10 komento:

  1. hahaha.. hndi ka nag-iisa sa pagtatago sa bahay :)
    kung di pa ko nakasabay sa housemate ko papuntang makati, di pa uuwi sa bahay ng parents ko.. ang init kasi diba.

    bilang pagtatapos ng sembreak, nararapat lamang na gumala.... camping trip kami ng friend ko bukas! sama ka? hehehe..

    basahin mo ang comics ng calvin and hobbes, aliw lang..... :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ayan may karamay pala ako sa pagha-hibernate sa loob ng bahay
      feeling normal na ako hahaha

      enjoy na lang sa inyong camping, mukhang masaya yan!

      Burahin
  2. napakaikli lang ng sembreak! Lalo na pag walang pera. haha!

    Pero nakakatuwa ang din minsan ang walang internet, mas nagiging normal na tao ako (in my case), I get to do a lot of things na hindi ko nagagawa nung may internet ako, kagaya ng paggala, pagbabasa ng books, catching up with friends at marami pa.

    Although, kagaya nga ng sinabi mo, mahirap din namang walang net, lalo na't kailangan sa school, work, at libangan na rin.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ang sakit naman at nabanggit mo pa yang walang pera haha :)

      dalawa na talaga ang pag-eexist ng tao ngayon, isa sa totoong mundo at isa sa virtual world, at dapat balanse lang (na di ko naman nagagawa hehe)

      Burahin
  3. Sem break ka last week, as in one week din lang. At dahil sawang sawa na ako sa school bahay routine, gumala ako at napadpad nga ako sa farm. Masaya naman at nang bumalik sa klase nung Lunes parang kailangan ko pa n bakasyon ulit. Mahilig din akong mag istambay lang sa bahay pero marami kasing akong puwedeng gawin. Happy Halloween na lang sa iyo.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. mukhang mabibitin din ako sa sembreak namin hehe :)
      hapi halloween din sir!

      Burahin
  4. Sembreak ko after my first college term is 3 weeks, which is hindi ko gusto, kasi wala kang gagawin dito sa bahay, paulit-ulit lang ung gagawin mo for 3 weeks :P Dati nung elenentary ako gustong-gusto ko magka-sembreak, ngayon ayoko na, nakakasawa din pala. Hehehe :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha, kaya wag mo akong gayahin, wag kang maglagi sa bahay, napakahaba ng 3 weeks, marami kang pwedeng gawin :)

      kung 3 weeks ang sembreak ko... matutulog ako ng mahimbing every other day hehe :)

      Burahin
  5. sa November 11 pa ang resume ng classes samin so I think mahahaba din ang panahon kong magkulong sa kwarto.

    Iniisip ko na ring mag-audition sa PBB kasi feeling ko rin kakayanin ko. sabi mo nga eh, "Nothing is new". ganun din ang paniniwala ko kasi I'm a room buddy myself. hahaha.

    nga pala, thanks for visiting my blog.

    :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. wow buti ka pa meron pang 1 week na magliwaliw
      at di pala ako nag-iisa sa pagkukulong ko sa bahay,
      malay mo nga naman maging housemate tayo ni Kuya haha :)

      Burahin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...