Lumaktaw sa pangunahing content

Pag Pinisil Bastos Agad?

Ang larawan ay mula dito.


LIGAW
-jep buendia-

Syempre, iba talaga yung feeling kapag kasama mo yung 'love of your life'... kilig to da bones :)

Madalas kaming tumambay nun sa Manila Bay... sabay naming pinagmamasdan ang paglubog ng araw... napaka-romantic ng scene.

Habang nakaupo kami, hiningi ko ang kamay ni Bea. Iniabot naman niya yun sa kin. Hinawakan ko ng mahigpit. Ang sarap hawakan ng kanyang kamay... malambot at banayad. Pinisil-pisil ko ang kanyang kamay tapus...

PAK! *'sang malakas na sampal*

Bea: Ang bastos mo Daniel ah!!!
Daniel: *nagtataka* Ano? Anu bang ginawa ko? *hawak ang pisnging nangiwi sa pagkakasampal*
Bea: Ayoko ng ganito...

Nagpumiglas si Bea. Tumayo sya't tumakbo papunta sa kabilang kalsada. Di niya namalayan, may paparating pa lang humaharurot na sasakayan at...

Daniel: Beaaaaaa!!!! 

Isang malakas na kalabog ng pagkakabunggo. Kumalat sa kalsada ang dugo.

Nang imulat ko ang aking mata, nagising akong nasa kandungan ni Bea. Laking pasasalamat ko... bangungot lang pala.

Bea: Oh anu bang nangyari? Parang takot na takot ka?
Daniel: Akala ko kasi wala ka na. Ayokong mawala ka Bea. *niyakap niya ito ng mahigpit*

NGUNIT... pagtingin ko sa mukha niya'y... dugo ang umaagos mula sa kanyang noo.
Maliwanag ang buong paligid... di ko namalayan duguan din pala ako...

Habang nakaupo kami, hiningi ko ang kamay ni Bea. Iniabot naman niya yun sa kin. Hinawakan ko ng mahigpit. Ang sarap hawakan ng kanyang kamay... malambot at banayad. Pinisil-pisil ko ang kanyang kamay tapus...

TEKA... bakit nauulit ang pangyayari?

Ah... oo nga pala. Sabay kaming naaksidente ni Bea. Hinabol ko siya at pareho kaming nabundol ng sasakyan.

Kaming dalawa ay mga LIGAW na kaluluwa. Paulit-ulit na mabubuhay... HINDI na muling magkakaHIWALAY.

x-o-x-o-x

Kamusta? Mabuti pa ang mga ligaw na kaluluwang 'to may endless love :) Pero ang kabit na si Lyn wala. Well, ganyan talaga ang buhay...

x-o-x-o-x

Pagsusuri: Sagutin ang mga tanong:
1. Naniniwala ka ba sa mga ligaw na kaluluwa?
2. Gusto mo rin bang maging tulad nila? Kung oo, dadalawin mo ba kami?

Mga Komento

  1. Kala ko about "ligaw" as in courtship, lost in space pala! Makasampal naman agad si Bea, haha! Buti pa nga sila may endless love, haha..
    1. Ayoko maniwala sa kanila dahil matatakot ako.
    2. Kung ligaw na kaluluwa ako, ikaw lang dadalawin ko dahil idea mo to, haha..

    TumugonBurahin
  2. wow katakot nmn yn
    hmmm
    1ewan ko parang hindi na parng oo ee
    2haha ayoko mas gusto ko buhay ako

    TumugonBurahin
  3. Hahahahahahaha ang weird mo! Natawa ako.. kase parang nakakatawa siya.. at first tapos biglang naging super dramatic in a good way... sobrang bilis naman ng pangyayari.. hahaha

    but regarding the questions..

    una, oo.. naniniwala ako... okay lang naman..
    pangalawa.. ayuko pa.. pero kung sakali.. sige dadalawin kita.. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. weird talaga :)

      1. naniniwala rin ako, gusto ko nga silang i-bestfriend eh lol :)
      2. sige hihintayin kita :) kumatok ka muna ah :)

      Burahin
  4. ikaw ang tatanungin ko..pag pinisil ba bastos agad?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. if based on the story... syempre hindi.
      other than that... depende haha :)

      Burahin
  5. 1. Oo, naniniwala ako sa mga ligaw na kaluluwa base sa aking mga karanasan.

    2. Ayaw ko mang maging ligaw na kaluluwa, pero kung sakaling maging isa, dadalawin ko ang lumikha ng kuwentong ito. Pipisilin din kita sa.....

    TumugonBurahin
  6. Oo naniniwala ako dahil mga NPA sila..

    Oo hindi lang dadalaw kundi makikitira pa para lagi tayong magkakasama..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nakitira talaga? :) pano kung NPA din ako? :)

      Burahin
    2. Masarap kasi makitira, libre e. Board and lodging. Ipapahuli kita sa pulis na malaki ang tiyan :P

      Burahin
    3. haha gusto ko rin yun ah, makitira para libre ang lahat :) sarap buhay'

      Burahin
  7. Haha oo hilahin ko paa mo awuuuuu!

    TumugonBurahin
  8. 1. Naniniwala akong maraming kaluluwang ligaw ay naligaw na talaga kahit noong sila'y mga pawang mortal pa. Nang sila'y sumakabilang-buhay na, doon lang nila napagtanto na sila pala ay naliligaw.

    2. Tumitibok pa ang puso ko, dumadaloy pa rin ang dugo sa aking mga litid, laman at buong katawan, at gumagana pa ang utak ko kahit madalas ang kabobohan at katangahan ang mga pinaggagawa ko. Hindi man ako naliligaw, paikot-ikot lang din ako sa buhay. Kaya minsan pumupunta ako sa dilim para rumaket o binibisita ko ang ilang kaibigan. Kaya siguro nagpapakita ang mga multo, nabagot lang kaya napagtripan lang nila ang mga mortal.

    sa mga oras na ito, 1:32 AM, nag-iisa ako sa bahay. Nawa naman ay hindi ako mapagtripan. Ako na lang kaya ang mang-goodtime?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kamusta? wala naman bang nang-trip sa iyong ligaw na kaluluwa? :)

      Burahin
  9. Galing mo namang gumawa ng mga short stories. Salamat pala sa pag follow sa GFC. Will put your blog in my blog roll. Cheers!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...