Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2012

JMM Covers

Share lang: Eto pa: Let's support JMM Covers! Maiba lang. Refreshing naman eh :)

Tindahan Scandal :)

BABALA : Ang post na ito ay naglalaman ng ilang maseselang salita mula sa mga chikadorang nilalang. Patnubay ng sino man ay kailangan :)  Nakakatuwa rin pa lang magbantay dito sa aming tindahaan . Kung anu-anong kwento ang di ko naman sadya ng marinig (promise!). Nung isang araw, may isang pulutong ng nanay ang tumambay malapit dito sa aming tindahan. (pulutong talaga eh nuh). Meron kasi silang kumare na nagtitinda rin sa may tabi lang namin. Mainit ang panahon, kaya normal na dito sa aming lugar ang makakita ng mga grupo ng tao na nagpapahangin sa labas. So todo kwentuhan ang mga chikadorang nanay, naghahagalpakan pa ang mga tawa nila. Pati nga ako ay natatawa at naloloka sa mga pinag-uusapan nila. Ang eksena ay napunta sa itlog ang usapan: chikadora 1: ang init ngayon noh, pero masarap pa rin kumain ng itlog. chikadora 2: ah oo nga eh, itlog ba? (tawanan) teka anu bang itlog ang gusto mo, yung nilagang itlog o yung itlog ng asawa mo? (tawanan ulit) may sumab...

Mali Talaga ang Umasa

Korni man ang mga promises , biktima pa rin ako nito. Yung tipong tinatanaw mo na ang hinaharap pero lumilingon ka pa rin sa nakaraan . (emo lang) Magkaibigan kami. Magkaklase sa elementarya. Halos lahat ng sikreto ng bawat isa ay alam namin. Madalas nga kaming tumambay sa bahay nila. Food trip, kwentuhan at tawanan. Gayunpaman, di ako ang gusto ni Ara. May pagtingin sya sa isa ko pang kaklase na si Rowel. Ok lang naman yun sa akin, at least di man ako ang gusto nya, mas madalas naman nya akong nakakasama kumpara kay Rowel. Minsan tinabihan ko sya sa upuan. Simpleng daldalan ganun lang. Hanggang sa naitanong ko sa kanya kung bakit ba niya nagustuhan si Rowel. Tawa lang sya ng tawa. Di niya suguro inasahan na sa akin pa manggagaling ang tanong na iyon. Pero sinagot pa rin naman nya ang tanong ko. Sabi niya, nagustuhan niya raw si Rowel dahil matalino, mabait, palangiti at gwapo. Sa loob-loob ko nasabi ko na lang- bakit matalino rin naman ako parehas naman kaming nas...

Ang Aking Pagbabalik

Lahok para sa  "Bagsik ng Panitik"  contest ng Damuhan :) -nakikisali sa pakulo ni bino- x-o-x-o-x Masaya ako na nakabalik muli sa aming probinsya dito sa Cotabato. Mga anim na taon din ang hinintay ko sa pagkakataong ito. Mapalad akong nakakuha ng scholarship para makapag-aral sa Maynila. Sabi ni ina, kahit mawalay man ako sa kanila, dapat kong pagsumikapan ang pag-aaral. Malungkot man para sa akin ang mag-isa, hinarap ko pa rin ang buhay sa Maynila. Kinasanayan ko na lang din ang buhay ko doon sa araw-araw. Heto nga't nakapagtapos na ako ng kursong edukasyon, nagbabalik ako ngayon sa aming bayan bilang isang guro. Pagtuntong ko sa aming tahanan ramdam ko pa rin ang mga maligno ng nakaraan. Ganun pa rin ang itsura ng aming bahay, gula-gulanit ang dingding, luma pa rin ang mga kasangkapan, ang mga kapatid ko'y hindi na nakapagpatuloy sa pag-aaral at may sakit pa rin si ama. Bukod dun ay kaawa-awa pa rin ang aming bayan at marami pa rin ang mahihirap. Pakiramda...

Ako at ang Galunggong :)

' Da best ' talaga yung teacher ko nung grade 2 nang sabihan nya ako ng ' utak galunggong '; salamat kay Ma'am Manalese nung araw na yun dahil mula umpisa hanggang sa matapos ang araw ko sa eskwelahan ay walang tigil ang mga dugyot kong kaklase (haha makaganti lang) sa pangungutya sa akin at paulit-ulit na pang-aasar ng utak galunggong sa akin hanggang sa labas ng gate ng school. Mga panget na yun, utak hangin naman! ( bitter lang?) I tried to imagine kung ga'no ba kalaki ang utak ng galunggong at bakit naman naikumpara ako dun :) Ang eksena kasi ay ganito: Na-late ako ng pasok sa klase nya nung araw na yun, dahil isa rin ako sa mga napili para kumuha ng test na susukat kung gaano kahusay ang naging pagtuturo ng mga guro sa amin (yun ang pagkakatanda ko). Sabi nung proctor sa amin nung orientation ay dumeretso na daw kami sa mga testing rooms, so yun naman ang ginawa ko (masunuring bata). Eh ang plano pala ni ma'am ay pumunta muna kami sa kanya...

Sino si 3500c?

Bilang pagkilala sa natatanging serbisyo ng pamato kong cellphone na nokia 3500c , napag-isipan kong sya ang i-feature ngayon haha :) Kung si  Faye  ang unang taga-ibang planeta na na-feature sa blog ko, ang gula-gulanit kong cellphone naman ngayon! :) Sya ang dahilan kung bakit wala akong ' friendship phone '. Lahat ng mga kaibigan ko sa faculty naka samsung galaxy... ako ganun pa din- keypad kung keypad . Sila na ang touch screen at wifi, ako naman ang may cellphone na pedeng ipanlaro sa tumbang preso LOL :) Pero bakit nga ba di ko sya maiwan ? Heto ang mga dahilan: (naglista pa?) 1. Bigay yan sa kin ng panganay kong ate bilang birthday gift. Ika nga eh, may sentimental value . 2. Dahil sa cellphone na yan, natutunan kong i-appreciate ang pagmumukha ko haha :) 3. Nag-feeling photographer talaga ako sa 2megapixel nyang camera :) 4. Yan lang naman ang madalas kong maihagis tuwing nag-aalarm sa umaga. Mabuti nga't buo pa rin sya, matibay! 5. Bukod sa taga-gisi...