Napaka-challenging magsimula ulit ng klase matapos ang maraming araw na walang pasok; tulad ng paano ko ba gigisingin ang brain cells ng mga bagets mula sa pagkakahimbing, idagdag pa na ganun din para sa akin, kailangan ulit mag-build up ng routine. Ang nakakalurkey pa ay yung marami pa rin ang absent kahapon sa unang araw ng pagbabalik ng klase matapos ang mga suspension dahil sa bagyo. Bale, sinimulan ko sa paggamit ng rebus puzzle. Naisip ko kasi, logical ito kaya pwede gamitin para makapag-isip ang mga bagets. Kaloka lang sa unang klase na ginamitan ko ng rebus puzzle, mga lutang. May nakasasagot naman pero natulala ata ang iba sa puzzle at na-amaze na lang sa mga sagot. Kaya minsan dinadaan ko na lang sa saglit na kwento para gumaan-gaan ang daloy ng lesson. Narinig ko rin si Ma’am C, ang sabi “hay naku, lutang mga isip ng bata,” pagbalik niya sa faculty. Kaya ang lutang-i...