Ika-29 ng Hulyo, 2014 Martes, 9:27 ng gabi Sa panahon ngayon, bihira na kaming magsabay-sabay sa pagkain. Kaya kagabi, damang-dama ko yung tagpo na nagkasabay kaming kumain ng nanay at tatay ko ng hapunan. Pakiramdam ko bumalik muli ako sa pagkabata… nung panahon na lagi pa kaming sabay-sabay kung kumain. Magiliw akong nakinig sa kanilang usapan… ganun pa rin ang lenggwaheng ginagamit nila… bikolano… natutunan ko na lang na makaintindi ng bikol dahil na rin sa mga pag-uusap ng nanay at tatay ko. Mabuti na lang parehas silang good mood kagabi… kaya kwentuhan talaga ang aking natunghayan… hindi bangayan hahaha . Kaninang umaga naman ay sumama ako kay nanay sa palengke. Alam niyang sumasama lang ako kapag meron akong gustong bilhin. Natawa lang siya kasi akala niya sa Mercu...