Ika-21 ng Abril, 2013 Linggo, 10:59 ng gabi ‘Ano ang pinanuod mo ngayong gabi?’ Katatapos ko lang panuorin ang isang lumang documentary, na walang copyright kaya di ko alam kung anung taon ito pinalabas, na tumatalakay sa pagiging ‘left-handed’ ng isang tao. Matagal na akong nagtatanong at napapaisip kung bakit o paano nagiging kaliwete ang isang tao. Gusto kong makakuha ng mas komprehensibong sagot bukod sa madaling i-rason na ang kanang bahagi ng utak ay naging dominante kaya nagiging kaliwete ang isang tao. Kung babalikan ang nakalipas, mabuti na lang at hindi ako nabuhay noong mga panahong ang pagiging isang ‘ kaliwete’ ay katumbas ng pagiging isang ‘ kriminal’ . Ito yung mga panahon na masyado pang makitid ang pang-unawa ng mga tao kaya’t ganun na lang ka-negatib...