Lumaktaw sa pangunahing content

Secret Admirer



LIHAM
-jep buendia-

Dear Gener,

Wala pa rin kaming pasok ngayon. Pero ginising mo ako ng mag-aala singko ng umaga. Ang lakas kasi ng dating mo eh... di kita ma-resist. Kala ko ba papaalis ka na? Hebigat habagat ka pa rin eh. Di ko na nga inimbitahan ang baha sa bahay namin, todo invite ka naman na pasukin kami. Wag ganun... badtrip ka :)

Nakakaparanoid ang bawat kalampag mo sa aming bubong. Party-party ka ba dyan sa atmosphere? Ayaw mong paawat eh. Slow motion ka pa ah, kame-hame wave kita dyan eh papuntang universe!

Nasira na ang aming school calendar. Ewan ko kung bestfriend ka ng mga estudyanteng ayaw naman talagang pumasok sa eskwela. Ayokong makipag-apir sa 'yo... apir mo mukha mo :) *kung meron*

Dami mo nang sinalanta. Mga pananim at kabuhayan. May mga gusto ka pa bang burahin sa mapa? Grabe ka naman... I-hula hoop kita dyan eh! Isusumbong kita sa nanay mong si Storm... para dukutin yang mata mo, tiyak land fall ka ngayon!

Kawawa naman si Betong. Gumawa ka pa kasi ng swimming pool eh. Lam mo namang sabik na sabik ang mga bulilit dun.

Ano pa ba ang mga events mo? Lam mo bang limang araw na akong bilanggo dito sa bahay. Di na ako nasisikatan ng araw... bampira mode na naman. Ang dumi na ng paligid. Yang ka-dabarkads mong baha, hinakot ang mga basura awards. Kayo na... panalo na kayo.

Wag ka na ulit dadaan dito sa amin ah... Gulpi ka sa akin kala mo! *nagbabanta* Pasalamat ka di ka naging tao... kundi wasak na ang kinabukasan mo lol :) *pumatol sa bagyo*

Oh sya, puno na aming mga dams. Wag na i-overflow ah? Sasapukin na talaga kita... Isasagad mo ba hanggang March na walang pasok? Sabihin mo lang para makapag-bakasyon grande na ako :)

Walang galang,
korta bistang tibobos :)

x-o-x-o-x

Essay: Sagutin ang mga tanong nang may marubdob na damdamin:
1. Kamusta ka na? Ayos ka lang ba?
2. May hinaing ka rin ba kay Gener? Ilahad ang mga ito.
3. Gusto mo bang maka- face to face si Gener? Kung ayaw mo, personalan kaya? Bakit?

Mga Komento

  1. haha! ang kyut ng sulat mo innocent yet true. humorous ang atake. very casual ang mga salitang ginamit at ang paggamit ng figure of speech... excellent!

    natuwa ako dito :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. may plus 5 ba ako sir? o kaya 1 point for the effort? :) *feeling estudyante* namiss ko na ang mga ganitong tanong sa kin *emote* :)

      Burahin
    2. Ngayon ko lang napansin ang tanong sa dulo gusto ko sumagot pero sa blog ko na lang sasagutin para ma i-share ko na din sa iba.. ok lang po ba iyon?

      maraming salamat po

      Burahin
    3. yun ang role ko ngayon sa buhay... ang magturo *ng kalokohan* :)

      Burahin
    4. sige, ok lang na sa blog mo sagutin... aabangan ko yan :)

      Burahin
  2. Haha, kala ko totoong may secret admirer si sir e! ang kulet, dami ko tawa..
    1. Okay po ako.
    2. Galit ako kay Gener, kasi kahit nakasara bintana ko, binabasa pa rin niya kurtina ko, ayaw nga paawat.
    3. Ayoko, wala ako laban, hangin pa lang nadadala na ko e.

    TumugonBurahin
  3. oks lang ako. puyat ng alang
    nabasa ako kanina dahil kay Gener
    di bale na, mas mabuting di ko siya makaface to face lol

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. napuyat din ako dahil maaga akong nagising :) kagagawan ni gener
      personalan? ayaw pa din :)

      Burahin
  4. Napunta tuloy ako ng Cebu for re-fuelling dahil inabot kami ng ulan at hangin. So yung 2 hours flight ko, naging seven ba naman. Bagyo talaga ang dating. Anyway, kung makaharap ko si Gener, itatanong ko: Bakit ka ba kumakahol eh hangin ka?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. grabe ang abala sa byahe...
      siguro malapit na sya mag-transform into a dog :) lam mo na biodiversity, adaptation at evolution :)

      Burahin
  5. 1 okay lng nmn
    2 oo sinira nya net namen eeh haha
    3 ayoko mabuti nang umalis na lng sya

    TumugonBurahin
  6. 1. next question please
    2. ayoko sa ginawa nyang baha..wawa naman yung mga batang sabik sa swimming :(
    3. ayoko ng face to face..nose to nose gusto ko..

    sama ako sa bakasyon grande mo :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. 1. aba may itinatago... *share*
      3. pasensya na raw, wala syang nose *bagyo eh* eyeball na lang daw oks lang ba?

      kapag natuloy ang bakasyon ko... sige babalitaan na lang kita :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...