Lumaktaw sa pangunahing content

"...bagsik ng kubeta."


Ika-07 ng Setyembre, 2014
Linggo, 10:11 ng umaga


            Nakakasulasok ang usok…
            Dumadagundong na tugtog…

      Binyag ng anak ng kapitbahay namin ngayon. Naimbitahang ninang si mudra. Mamayang gabi (o kahit mamayang hapon) aabangan ko na ang festive celebration ng aming mga kapitbahay! Excited na akong abangan ang tradisyon nilang pagbirit sa videokeexcited na akong matulog ng maaga mamaya bago pa nila ako magambala hahaha.

            Sa tatlong cactus na binili sa akin ni mudra, dalawa na lang ang natira. Inilagay kasi namin ang isa sa cr… ayun di nakayanan ang bagsik ng kubeta hahaha. Lagi kasing nababasa eh, wagas pa naman maligo yung kapatid ko, kala mo may bagyo sa loob ng banyo; binabaha ang loob at lahat ay nababasa. Hay…

            Dalawa na lang tuloy ang dinidiligan ko tuwing linggo.

            Mainit at maaraw ngayon.

            Ganitong panahon ang gusto ko.


Mga Komento

  1. Lolz kawawa naman pala ang Cactus hindi umabot ng araw ng patay. Dapat yata Cactus na plastic ang ilagay sa kubeta para tumagal hehe

    TumugonBurahin
  2. nasaksihan ko ang pagwawala nila..ang mama mo tulala nung makita ko..grabe ang pagkakaharang sa daan..ikaw ang mahihiya pag napadaan..

    mapapaexcuse me ka..haha :)

    TumugonBurahin
  3. nung linggo nagkita kami ni rolando sa alay lakad..
    eh hiniram ang usb kumopya ng movie..

    hapon ko na kinuha kailangan na kailangan ko..
    kinabukasan kasi may wellness..andun ang music..

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...