Lumaktaw sa pangunahing content

ikaapat

 

• 5:46 PM  4/19/2020

 

Pasado alas-tres kaninang hapon ay ang pang-apat na paglabas ko sa panahon na ito ng ECQ. Nagpunta kami ni ate sa Ever Supermarket para mamili (kung meron mang mabibili pa roon).

Naglakad lang kami dahil wala namang masasakyang trike. Okay na rin, exercise! Ganun pa rin ang ambiance ng paligid – ang gloomy. May mga kakaunting tao pa rin naman sa labas pero lahat ng mga tao sa paligid ay literal na dumaraan lang; wala masyadong ganap.

Doon kami dumaan ni ate sa shortcut sa may 'waterlily-han', tapus may naabutan kaming mga bata na nagpapalipad ng saranggola sa makitid na daanan na napalilibutan ng tubig at ng mga waterlily. Pagdaan namin, pinagsabihan ni ate ang mga bata na mag-social distancing, at akala ko ‘di siya papansinin, akala ko baka sumagot nang pabalang ang mga batang lalaki (like who the hell are you? ganern) kasi ‘di naman namin sila kilala; pero nagulat ako kasi sumunod sila kay ate, sinabihan nila ang isa't isa na dumistansya, kahit paano umusog naman sila palayo sa isa't isa habang nagpapalipad ng saranggola. Hindi ko alam if it makes sense, pero wala lang, iba talaga nagagawa ng edad at mask ni ate, char.

Habang naglalakad, sa paligid ay napansin ko na sa bubong naman nagpapalipad ng saranggola ang iba. Grabe ano, ninakaw ng pandemya na ito ang kasiyahan ng mga bata na makapaglaro sa labas gaya ng pagpapalipad ng saranggola. Pero ang mas masakit, ay ang mga kinuha nitong buhay…

Laging masaya ang alaala ko sa tuwing pupunta sa supermarket. Kasi ‘di ba ang saya makakita ng mga grocery items, tapus pipili ka, at bibilhin mo yung gusto mo; para sa akin masaya na ang ganung uri ng satisfaction. Naalala ko noong bata pa ako, kapag sumasama ako sa paggo-grocery ni mudra, excited ako na matapos na niyang makuha ang lahat ng nasa listahan niya. Kasi pagkatapos nun, sasabihin ni mudra (o kahit ‘di nga niya sabihin) na pwede na ako kumuha ng aking chichirya! Ang babaw lang ‘di ba? Pero kasi ang yabang ko na noong bata pa ako kapag ang chichirya ko ay galing sa supermarket, like hello, this is not tigpipiso, it's one pack, like malaki at maraming laman, kuha na mga dabarkads! Yung lalabas pa ako ng bahay na ‘kala mo namamahagi ng ayuda. Ganyan ang level of happiness at kakornihan ko noong bata pa ako, yikes!

Pero kanina sa Ever, ang lungkot. Kasi may mga eskaparate na walang laman. At yung mga dapat namin mabili eh wala naman doon. Ubusan na ng supply. Hindi ito yung familiar na pakiramdam ng saya kapag pupunta ako sa grocery o supermarket. Pero okay lang. Tuloy pa rin ang buhay. Okay na ako sa nabili kong marshmallow.

Lakas maka-ghost town ng paligid. Gusto ko na talagang bumalik ang lahat sa dati.

 

 


Mga Komento

  1. Naku. Natrigger ako sa saranggola dahil binanggit mo. Yung kaibigan ko na nagtatrabaho sa Meralco, araw -araw talaga sila umaakyat ng mga poste at nanunungkit ng mga wire dahil sa sabi ng saranggola. Problema nila yan araw-araw.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ganyan din ang hinaing nung nagkakabit ng linya ng internet dito sa lugar namin, 'di ko lang sigurado kung kasama ba yung lugar namin na nagpabawal magpalipad ng saranggola dahil nga sa mga pagsabit nito sa mga kable ng kuryente, pero parang may nagpatupad na.

      Burahin
  2. Na-curious ako, sa un water lili-han hahaha gusto ko tignan sa instant streetview Parang cartoons or movie, daan sa bukid and after some time, okay national road ang labas hahaha
    Dalawang branch ng Ever Supermarket ang alam ko. Yung isa along Commonwealth Road and yung isa, sa Metropolitan Hospital sa Manila. True enough, hindi na masayang mag-grocery. Bukod sa nagugulat na lang ako sa babayadan ko sa counter, nagiging survival mechanism siya. Saka yung pipila ka bago makapasok, mag-aantay tapos parang surprise ang laman ng shelves. Most of the time, meron sa listahan mo na walang wala na sa grocery.

    Pareho lang din tayo ng sources of childhood happiness sa grocery. :D Potato Chips, jelly ace na may free toy and marshmallow.

    Medyo kinakabahan na ako for Pnas. Day 61 na pala, Wuhan had it for 75 days. Dyosko, baka naman talunin pa naten Wuhan neto.

    TumugonBurahin
  3. sige 'pag may chance, baka ma-feature ko ang waterlily-han sa blog na ito, tapus sisikat na ang street namin :)

    challenging kaya dumaan dun, yung makitid na daanan ay pang-isang tao lang kaya dapat mahusay ka bumalanse kapag may nakasalubong ka or else mapupunta ka sa piling ng mga waterlilies.

    TumugonBurahin
  4. Hindi babalik sa dati ang lahat. Magbabago ang lahat mula sa kung pano tayo gumalaw hanggang sa ating mga panloob na pananaw. Pati friendships magbabago rin. LOL. Daming nag-unfriend here and there eh.

    Nung mga bata kami, hindi afford ng family ko mag-grocery man lang. Laging sa talipapa at yung mga tiningi at ni-repack na mga supplies lang ang binibili ni Mama. Kaya ngayon, nakakatuwang isipin na na-eenjoy nya na ang Puregold! HAHA. Pero sa COVID!), sabi ko sa mga kapatid ko, sila muna ang mamalengke at wag hayaan ang mga oldies na lumabas. Ang nanay ko masunurin, ang tatay ko, pinapamukha talaga sakin kung kanino ako nagmana ng tigas ng ulo! HAHA.

    Hindi man mabalik sa normal ang lahat, naniniwala akong, magkakaroon ulit ng ayos ang siklo ng pang-araw-araw na buhay. Yung pagkilos na walang takot at kaba. Sana all. Sana soon. LOL.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sa isip ko, isang yugto lang itong covid-19; iniisip ko na lang na matatapos din ito gaya ng iba pang pandemya na naganap. ang nakakalungkot lang, hindi pa tiyak kung kelan. basta gusto ko pa rin yung dati - yung nababangga ka ng tao, nasisiksik ka sa jeep o lrt, kumakain nang walang takot kasabay ng marami sa fastfood, yung maraming students sa room, interactions ganyan... hays...

      musta cher kat? ingat ka dyan :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...