Lumaktaw sa pangunahing content

11 July 2019 - “ah yung kay mama vice”



            11 July 2019. Dumating na yung topic kanina where I want to create awareness to certain causes like male pattern baldness which is relevant to me and myself (and to those who are experiencing it). I wanna show the world, the universe rather, that I can confidently teach despite having that condition, thank you! Hahaha! Pero… di ko nagawa, I mean di ko masabi or ma-example yung sarili ko, lol. Like 2 sections yung may topic kami about sex-influenced trait, so ayun na nga, concept then example. I was thinking na ok na ba, kaya ko na ba sabihin sa mga bagets na ako ang example ng male pattern baldness lol, pero di ko kinaya. Sa unang tinuruan ko, I am anxiously reminding myself na why do I need to state the obvious hahaha. Nakaka-awkward hahaha, kung pwede lang lampasan yung topic eh. I was really thinking to raise awareness about it; na it is not something funny, it’s a journey lalo na sa nakakaranas ng ganung condition. Well, pampalubag-loob ko na lang na nasabi ko naman iyon sa isang grupo ng mga bagets, na hindi ito something to laugh about, kasi I’m hearing some students talking about other people na ginagawa nilang reference or hearing words like panot, then saka ko siningit yung point ko. Pero at the back of my mind they could easily point out na lang sana na ako lol, para naderecho ko na rin yung plano ko. Anyway. Sa isang section naman, I heard a student said “ah yung kay mama vice” like si vice talaga ang naisip nilang reference. Alam kong gets ito ng pangalawang grupo ng bagets na naturuan ko, they don’t mind naman if they see a person na ganun kasi they are more understanding and matured. So, ayun, matapos nilang malaman ang pagkakaiba ng mga sex-linked, sex-limited, at sex-influenced traits, nag proceed na kami sa paborito nilang Punnett square. And masaya na ako na kahit may difficulty sa una eh naintindihan pa rin nila. Although alam ko na may mga bagets pa rin na hirap sumunod sa lesson, like gusto ko ngang mag-remedial class para lang sa kanila tungkol sa topic namin sa genetics. I can easily point out kung sino sino sa kanila ang nahihirapan. I appreciate na yung iba sa kanila ay kusa talagang lumalapit sa akin para magtanong during seatwork, yung iba namang klasmeyt nila are kind enough to share what they have learned sa kanilang kaklase; pero may ilan talagang napag-iiwanan. Peer teaching ang isa sa nakikita kong solusyon, kasi minsan may mga bagets na nahihiyang lumapit eh, yung mas komportable sila na sa kaklase magtanong or magpatulong. I am forever full of hope pa rin naman sa mga bagets na medyo napag-iiwanan. Kasi yung sa isang section ko nga eh, yung pasaway kong student sa simula ng klase, ngayon ay very active na sa bawat lesson namin. Marunong naman pala, pasaway lang. Mabuti di ko muna inaway charot, nadaan pa sa kaunting pasensya kaya natuklasan kong may talino rin pala. So, ayun, minsan ang sakit na ng ulo ko kakaisip kung paano padadaliin yung concept at flow ng lesson; idagdag pa na hindi naman na nagbabasa mga bagets now. Kaya kahit pugon ang klasrum, laban lang. Pero sana bago pa magkatubig ang baga ko ay umayos ayos naman ang mga pasilidad namin. How I wish…

            P.S.     Wala pa naman ako sa latter stage ng male pattern baldness. Pero, progressive ito, like ang motto nya ay a slow progress is better than nothing hahaha! But the receding hairline is very evident na as well the thinning hair at the back side. Describe ko pa ba? Hahaha! Pero, ayun na nga, wala naman akong magagawa now, like ang mahal ata ng hair transplant o nakakatakot din mag-take ng mga kung ano anong medications. So, I accept na lang muna ang napanalunan ko sa gene lottery, and I have to thank my dad for it, char. Hahaha. OT na ako…




Mga Komento

  1. Same problem as mine. Kahit na ideny ko sya medyo naaalarma na ako hahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. denial is the first stage, charot hahaha :)
      kaya ini-enjoy ko na lang mga moments na may strands of hair pa ako lol

      Burahin
    2. Nakakastress nya sya isipin. Baka sooner or later magpapakabit na ako ng artificial na hair hahaha kaso mahal ng maintenance

      Burahin
  2. Ugh hair related problems.... sa akin naman, white hair :( grabe lang, kada buklat ko ng buhok ko ay may nag-he-hello nagpaparamdam na stressed ako at magulo buhay ko :p

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. i will choose white hairs than pattern baldness; di bale na white basta may buhok, hahaha!

      ako elem pa namumuti na buhok ko, tapus ngayon baldness naman :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...