13 July 2019



            13 July 2019. Nagbalik na ang Book Sale sa SM Marilao at Valenzuela! May tatambayan na ulit ako habang hinihintay ko sila Eldie at Neri, o kung sino man. Yung sa Marilao, maliit na nga lang yung pwesto nila, di katulad dati na makaka-lava walk ka sa loob; ngayon ay ka-size na lang ito ng dating nasa SM Val. Yung nasa SM Val naman ngayon ay walang sariling pwesto, nasa open area sila malapit sa food court; kaya kaunting books na lang ang mapagpipilian, saka maliit lang talaga yung space, yung kapag may nanggagalugad ng libro (tulad ko) ay di ka na makakasingit, dahil ang bawat section ay parang good for 1 person lang. May nabili pa rin naman ako kahit paano (noong June 29 – maulang Sabado). Luma na pero amazing pa rin! Ang Life on Earth ni David Attenborough (1979), 35 pesos lang! Maraming pages, paperback (may nakita rin akong hardbound pero 65 pesos na, eh parehas lang naman ang laman, at mas bet ko ang paperback), mabigat kumpara sa itsura nya at saka maraming pictures! Like whole page yung mga pictures, minsan 2-page pa ang sakop. Sarap tignan, plus may mga kalakip pang pagkukwento ng natural history. 1992 pa na-published ang paperback na libro, looking good pa rin ito; glossy pa rin naman ang mga pages although hindi na ito super white (at hindi rin naman naninilaw gaya ng mga books na hindi glossy ang papel); good pa rin kasi vivid pa ang mga colored pictures, like ang sarap titigan ng mga larawan ng iba’t ibang organisms na marami ay sa picture ko na lang ata makikita (unless, mag career shift ako ala David Attenborough). Ang sabi, ang libro ay compilation ng kanyang mahabang panahon ng pagpi-film o paggawa ng dokyu tungkol sa natural history sa iba’t ibang panig ng mundo. Galing!

            Nga pala, maiba lang, galing ako today sa isang seminar / writeshop tungkol sa test construction. Ngayong araw ko na-realize na masaya na naka-attend ako mula pa kahapon. Naging medyo anxious lang talaga ako noong una kasi hindi ako naka-group sa grade level na tinuturuan ko. Ang naging concern ko lang naman ay – paano ako gagawa ng test questions sa subject matter na hindi ko tinuturo; on the other hand, the positive me (like optimistic ganun) will tell me na – eh ano? eh science naman major ko; saka may mga topics dun na naturo ko na in the past (bago mag-K12 curriculum); saka pamilyar naman ako sa ibang mga topics, saka di naman ako gagawa mag-isa, may mga ka-grupo ako; may mga competencies naman with specific objectives; may mga references din na pwedeng gamitin, so anong problem ko? – ganyan kahaba kumbinsihin ni positive me si anxious me, lol. And it turned out na tama naman si positive me! Siguro naging anxious lang ako kasi inisip ko agad na baka hindi ako makatulong sa group dahil nga hindi ako same grade level nila, pero di naman ako nag-iisa na ganun ang sitwasyon. Like apat kami, 2 talaga ang nagtuturo sa level na iyon, yung isa ay ngayon pa lang din nasa grade 8 level, at ako hindi (dahil nasa grade 9 ako). May isang grupo din naman na halos lahat sila ay hindi iyon ang grade level na kasalukuyang tinuturuan. So it made me think na hindi naman siguro number 1 requirement na dapat ay yun ang tinuturo mo (although may advantage iyon), tingin ko makakatulong na rin kung kahit paano ay may alam ka sa content at may kakayahang makagawa ng questions batay sa competencies at mga specific objectives nito. So, to make the long hanash to short one, masaya sa group namin! Like walang pressure, walang keme pero nakakagawa kami ng maayos through paghahati-hati ng task, and it turned out effective sa aming group. Like nakakahawa ang very enthusiastic na si Sir O; napaka-accommodating naman na i-guide kami ni Ma’am S at very chill at strategic lang din si Sir R… at ako na very tulaley sometimes kwento-kwento with them habang nag-aabsorb ng kung ano mang energy, learning at inspiration sa paligid. Like akala ko mangangamote ako dahil baka wala akong maitulong pero ang saya kasi nakabuo kami ng isang output kanina mula sa pinagsama-sama naming effort, at maayos pa naming naplano yung mga gagawin namin sa susunod. Kaya lahat ng anxiety o pag-aalala na meron ako mula kahapon pa habang nagkakaroon ng seminar bago ang araw na ito ng writeshop ay hindi naman talaga nag-surface, like it’s all in the mind lang talaga! O sya, OT na naman ako sa inilaang oras sa paggawa ng journal. Hanggang sa muli! Hahaha. Feeling may reader? Lol!




Mga Komento

  1. Wahhh this post makes me sad. Sadly hindi na honor ang request to have a teaching certificate course sa alma matter ko dahil they want to giveway sa ibang tao who wanted to study din daw. I had a late realization kasi na parang I want to teach... hayzt

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. go lang Rix! try mo sa ibang school :)
      gusto mo rin pala magturo, nice!

      Burahin
    2. Well mga professor ko na din ang nageencourage sa akin to take masteral para magturo na pero syempre iba parin kapag alam mo ang basic at methodology ng pagtuturo. Lahat pwede mag share ng alam nila pero hindi lahat eh natututo dahil may kanya kanyang style ang mga nagtuturo

      Burahin
  2. Naiintindihan kita, yung feeling na aattend ka ng seminar tapos may output. Tapos ayun may grupo grupo, other than the fact na hindi mo sila close, ang pressure pa na makapag-contribute ka. Yung tipong may nasabi ka at sulit ang prensence mo. Same time,nakaka-happy din kapag un mga kaba mo ay napapalitan ng ... hindi naman pala ganun nakakatakot. :) Hindi ko din turf ang test construction, kaya more often than not, may challenges din ako sa paggawa ng exam.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Truth! Maraming beses na feeling ko bakit ako yung participant sa seminar hahaha, pero habang nandun na, nare-realize ko naman na keri lang, ayun bumabalik na ulit ang confidence sa sarili, like hello i can do this! hahaha. Pero very uncomfy talaga sa simula yung mga ganung ganap.

      Burahin

Mag-post ng isang Komento