08 July 2019



08 July 2019. Noong June 29 (Sabado) habang kumakain kami sa food court nila Eldie at Neri, may lumapit sa amin na dalawang bata (pero college graduate na raw sila; bata, kasi di hamak na mas bata sila sa amin lol). Magpapa-survey. Pero hindi raw nila iyon thesis. Tinutulungan lang daw nila ang kanilang prof na nagma-masteral (may ganito ba talagang term? masteral?) sa UP. Nung tinanong ko yung lalaki (dalawa kasi sila, yung isa babae) kung tungkol saan ang thesis, hindi masyadong klaro ang kanyang sagot pero may ideya sila kung paano namin sasagutan yung questionnaire. May sampung mga katangian na nakalista sa questionnaire; ito yung mga usually tinitignan natin sa mga tumatakbong pulitiko. Ang sabi doon, i-rank namin ito sa kung ano ang una naming tinitignan sa isang kumakandidatong pulitiko, kung naaalala ko ng tama, specific pa nga yung nakalagay eh para sa mga tumatakbong senador. Di ko na matandaan yung 10, or kung ano yung pagkakasunod-sunod ng sagot ko; basta yung naging una ko ay yung pagkakaroon ng feasible platform (yung iba pang natandaan ko dun na choices ay leadership, education, God-fearing, pro-poor, patriotism atbp). Pag nakakakuha kami ng mga ganitong questionnaire na gagamitin sa thesis, ako personally, inaayos ko talaga yung pagsagot kasi sayang naman yung effort ng researcher kung bara-bara lang na sasagutan; edi parang wala na ring sense yung result ng study nya. Kaya alam mo ba, mahirap magpasagot ng survey sa school, hahaha. Well, sa dami kasi ng gawain ng mga guro, hindi na talaga magiging priority na basahin pang mabuti ang questionnaire at intindihin kung paano ito sasagutan or kung pag-iisipan pa ba ang pagsagot hahaha. May mga pagkakataon na ang nangyayari ay check-check-check na lang. Unless, ito ay bigyan talaga ng panahon para sa pagsagot like during a meeting or a session, pero kung ipapamigay lang, check-check-check lang yan, lol. Mabalik ako dun sa lumapit sa amin sa food court, natuwa rin pala ako kung paano nire-produce yung mga questionnaire; ang ginamit sa pagphotocopy ay mga scrap papers o gamit na ring papel, like sa dami ng survey questionnaire sa naranasan kong sagutan (na as much as I can, I swear sinasagutan ko talaga ng maayos; buhat-bangko? hahaha) yun ang una kong na-ecounter na recycled papers ang ginamit, which is very good! Oh sya, time’s up na!




Mga Komento