Lumaktaw sa pangunahing content

03 July 2019



03 July 2019. Kaninang umaga nagkape ako. Tapus, uminom ako ng maraming tubig; like marami talaga. Siguro mga 500 mL kada isa o dalawang beses ako na maihi. Wala lang, feeling cleansing keme, hahaha! Tapus nun, nadumi ako ng bongga, di ko alam kung dahil ba sa kape o sa dami ng tubig na nainom ko. Pero, okay lang naman. Di kasi ako nakapagbawas kahapon eh, so swak lang ang pangyayaring ito. Sumusubok lang ulit ako magkwento, pero bakit ito yung sinasabi ko, hahaha. Ang baboy; teka parang unfair naman sa baboy… ang dugyot? ng ibinabahagi ko ngayong araw. Gusto ko na bumili ng bagong phone. Ewan ko kung anong nangyari sa primitive asus phone ko na 2014 model pa. Dati okay naman yung camera nya, pero mula nung tinanggal ko yung protective case nya na hindi naman talaga nakaka-protect at hinayaan ko lang ito na maging bare o bold, ayun ngayon naging noisy na ang mga kuha, ang labo. Na-miss kong kausapin ang sarili ko. Yung magkwento ng walang kabuluhan. Yung bigyan ang sarili ko ng 15 minuto para kausapin ang weird kong sarili, hahaha! Pag, nakabili na ako ng bagong phone, magpapaka-photography keme ako. Di ko na kasi magawa eh, dahil nagloko na nga ang primitive kong cellphone na limang taon ko na gamit. Ano ba magandang phone… noong una kasi parang nakapag-decide na ako na google pixel 3a (na hindi ko alam if available dito) kasi ang lupet ng cam, wala nga lang triple keme camera or wide angle, pero astig pa rin! Tapus, bigla na lang nawala ang ban ng Huawei phones; yung p30 nagmura pa, pero sana mas magmura pa hahaha! Hindi ko alam kung mapaninindigan ko ba itong 15-minute journal ko. Pero at least meron na ulit. Parang back to zero ako. Target ko na namang magbasa at magkwento ng mga walang enta ng buhay. Basta, eto na lang muna. Kung may susunod pa o kung wala… hindi ko rin alam. Pag meron, ibig sabihin may time. Pag wala, busy? Ganyan. Ang hirap na ng mga lesson namin, tapus ang konti ng time… bigyan nawa ako ng kapangyarihan ng creativity, inspiration at kasipagan. Bye. May 2 minutes pa… 1 minute na lang… ano pa ba. Wala na, finish na!




Mga Komento

  1. Hahaha.. Ayun na nga... yung Asus phone mo ay malamang naabot nya na ang kanyang peak time for planned obsolescence kaya nagloloko na. It's manufacturing marketing plan to give a certain period of time for usage ng mga bagay-bagay sa earth to guarantee continues manufacturing and need for goods in the world.

    Kwento lang nang kwento. Di naman to para sa ibang tao kundi para sa sarili natin, para naman kahit gano ka-boring eh pagtanda natin eh may mabbalikan tayong pagkajologs nung kabataan. hahaha

    :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ang profound ng pagkakapaliwanag mo cher; dagli kong natanggap ang pagiging obsolete ng phone ko, hahaha!

      at oo, kwento lang ng kwento... at oo ulit, tumatanda na nga ako (tayo)!

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...