Lumaktaw sa pangunahing content

05 July 2019 - “sir, straight ka ba?”



05 July 2019. Tuwing papasok na ako ng school at maglalakad papunta sa faculty, marami akong nasasalubong na estudyante. Noong mga nakaraang taon, sanay na ako na sa simula ng pasukan ay halos walang nakakakilala sa akin, kasi nga grade 10 students ang hawak ko, mga completers na ng junior high at pumapasok na sila sa iba’t ibang eskwelahan sa senior high. First time ko na magturo sa grade 9 last school year, ngayon ay nasa grade 9 pa rin ako kaya tiyak na makakasalubong ko sa pagpasok ang ilan sa mga naging estudyante ko na grade 10 na ngayon. Noong simula ng pasukan, curious ako kung babati pa rin ba sila kung makasalubong nila ako… or dedma na… so para hindi masakit, hinanda ko na ang sarili na baka “dedma” na lang sila kasi di na nila ako teacher ngayon. Ang nakakatuwa lang, kahit meron talagang mga “dedma encounters”, mas may bilang sa akin yung mga estudyante na bumabati at nagmamano pa rin, lalo na yung galing sa section na madalas kong masermonan, yung mga batang lagi kong nasasaway at pinangangaralan. Totoo talaga eh, mas madalas sila yung mga bumabalik sayo.

Anyway.

Kanina, excited ako sa huling dalawang klase ko. Alam ko kasing napaghandaan ko yung topic; yung kahit may ginagawa ako kanina sa faculty, tiyak kong alam ko pa rin ang gagawin ko pagdating sa klase. So mega lakad na ako papunta sa room; sa labas ay may mga nakatambay na estudyante ko last year na gumagawa ng kung ano man, syempre greet dito at doon, nawala tuloy sa isip ko na tignan muna yung pupuntahan kong room kung may teacher pa kaya muntik na ako pumasok eh may nagdi-discuss pa pala. So ayun, hintay saglit sa labas. Then pagpasok ko, parang mga aligagang ewan yung mga bagets. Hindi ata sila makaget-over sa discussion nila mula sa sinundan kong subject. Like yung isip ko pa naman ay naka-focus na sa lesson namin, pero habang pumupunta sila sa kanilang seat plan ay may mga random questions akong nakukuha, like “sir, agree ka ba sa mga lgbt?” direct ko naman sinabi na “oo,” (like sa loob ko why not) then some commotions. Tapus may nagtanong “sir, straight ka ba?” at may narinig pa ako na “syempre kasali sya dun kaya agree sya!” And some more random questions like the evil version of me would like to grill and burn those students who are asking some very random and personal questions as if super bff level kami… but I tamed my evil self… with my inner voice so divine hahaha I advise myself na relax ka lang jep wag mong patulan ang mga bagets na yan. Sinagot ko na lang all their questions in relation to our lesson about genetics, so I explain etc… etc... Nanahimik naman ang mga very insensitive na bagets sa paligid ko and I think nakaramdam din sila with the tone of my voice like how dare you ask those fucking questions to me (this is my evil self, sorry lol). Bibigyan ko sana sila ng chance na ma-extend kung ano man ang gusto nilang pag-usapan, pero naisip ko rin, hindi ba sila binigyan ng closure kanina sa kanilang discussion? Like one student even suggested na ipag-debate ko raw sila na may evil self would like to say sana na who the hell are you to fucking tell me kung ano ang dapat nating gawin (sorry na ulit, lol) pero ang nasa isip ko talaga ay “what?!!!” Di pa ba sila nag-debate kanina? Di pa ba nila nasabi ang lahat ng kanilang hinaing at ideya? Nang kumalma na ang mga bagets, nag-proceed na ako sa aming topic; may budget of work kasi akong tinitignan eh (yung binigay sa amin na definitive keme pero hindi definite ang timeline lol). Dati ko pa iniisip na i-touch ang mga ganitong issues sa context ng science or sa topic namin sa genetics. Actually hindi nga itong tungkol sa lgbt ang nauna kong naisip na i-link sa aming discussion, ang balak ko talagang i-open up sa kanila ay ang male pattern baldness na isang sex-influenced trait na nararansan ko hahaha (at marahil ng ilan sa mga tatay nila). Na ang pagkakaroon ng ganitong condition ay isa ring journey –  mula sa period of denial, kung ano-anong mga remedies hanggang sa period of acceptance. Hindi ko alam if my guts ba ako to discuss it to them, pero let’s see! Nga pala, kila Eldie at Neri ko ito unang na-open up ng personal habang nakatambay kami noon sa  people’s park at nag-uusap ng mga bagay-bagay sa buhay (sa online, sa chat ko una itong na-share kay Olan pero wala pang label na male pattern baldness, sabi ko lang receding hairline), like sila yung kasakasama ko ngayon na nagpapagupit dahil alam kong naiintindihan nila ang aking kalagayan lol. More of this na lang siguro next time, kasi sobra na ako ng 10 minutes sa aking 15 minutes journal, violation na! Parang yung naranasan ko sa mga bagets kanina, feeling ko na violate ang aking human rights, charot.

            Napaka-exciting talaga ng buhay.





Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...