07 July 2019. Trenta anyos na
ako mula kahapon. Tatlong dekada na ako sa mundong ito. Like wtf am I doing
here? Or ano na bang nagawa ko? May dapat ba akong gawin? Dapat ba akong
ma-pressure kasi 30 na ako? Tapus I’m still as chill as a teenager, charot. Kailangan
ko na bang gumawa ng isang dramatic at touching na pagbabago sa sarili? Pero di
ba, ayaw ni mother Liling ng ganyan.
Nabasa ko sa dyaryo na may
panukalang batas na hindi dapat na mas maaga pa sa 8:30 AM ang pagsisimula ng
klase. Like, hello… dati na yun ah. At saka paano naman yan magagawa eh kulang
ang mga pasilidad. Paano ang double shift na paaralan tulad ng sa amin? At saka
sana higit pa sa iskedyul, mga facilities muna ng school. Tulad nang kahit
naman gawing 8:30 AM ang pasok, kung pugon pa rin naman ang mga klasrum, at
sardinas kung magsiksikan ang mga students sa dami… wala pa rin di ba. At sana, salary increase na rin. Tulad ng napanuod ko sa tv, gusto nating makapanalo ng
ginto sa sports pero wala naman masyadong support sa mga atleta tulad ng mga
makabago at functional na training facilities. Ganun din sa edukasyon, parang
sinasabi sa amin na magluto ng isang mamahaling pasta dish sa budget na pang
instant noodles lang. Ganyan.
So, ano bang balak ko ngayong trenta
na ako. Kahapon ko pa pinag-iisipan. Gagawa na ba ako ng to-do-list, shet
nakaka-pressure, charot. Meron bang standards or tool na makaka-measure kung
how well na ba ko bilang 30 yrs old? Tulad ng mga pa-assess keme sa aming mga
teachers na para bang wala kaming kusa na gawin ang aming makakaya para sa
edukasyon. Bakit ba ang dami kong hanash sa pagtuturo, sign na ba ito ng
pagpapalit ng career? Hahaha. Naka-chat ko ang isa kong kaibigan. Sabi nya, sa
Wizard of Oz, yung sweldo namin na pang isang buwan ay pwedeng kitain ng 20
hours na trabaho doon. Like what??? Is dat true mah frend??? Ganyan ang
reaksyon ko. Like, ang daming mahuhusay na guro na alay-buhay kung magturo at
magsilbi sa mga bagets tapus ganun lang? Barya-barya lang. Sobra kong
na-appreciate yung mga dedicated kong teachers; sana magaya ko sila to the
highest level para di ko madungisan ang propesyon na ito. So, help me God.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento