04 July 2019. Kaninang umaga,
aligaga ako sa paggawa ng lesson plan at materials. Yung pinipilit kong
pagsamahin o matapos sa isang oras ang 2 topics (pero ang napagkasya ko lang ay
1 ½ , kung paano naging 1 ½ yun ay ako lang ang nakakaalam hahaha, basta para
sa akin ay isa at kalahating topic yun). Pero pagdating sa klase, isang topic
lang talaga ang natapos ko. Ang hirap din naman kasing pilitin; nakikiramdam
din ako sa mga bagets kung nakakasunod ba sila sa phasing ng lesson, kung
naiintindihan ba nila ayon sa kanilang level of understanding. Hindi madaling magbahagi
sa kanila kung paano ko naiintindihan ang lesson pero pwede kong ituro ito sa
paraan na mas maiintindihan nila o akma sa level of understanding nila, tapus
iko-consider ko pa yung prior knowledge na meron sila sa topic dahil ang hirap
din naman sa mga bagets kung wala o kulang sila sa ganun. Sa huli, makukuntento
na lang ako na naituro ko ang lesson ayon sa kanilang pagkakaunawa (sana nga
hahaha). Tapus bukas, recall muna bago banatan yung panibagong topic. Ewan ko
ba sa mga bagets ngayon, kay bilis mag-evaporate ng mga tinuro mo sa kanila,
like dapat may routine ng pagre-recall para makasunod lagi sa lesson.
Nakakatuwa yung gc ng advisory class ko ngayon. Hindi mga
trash ang kanilang usapan. I mean, kung meron man, hindi naman lagi. Ang gusto
kong sabihin, mas madalas nilang pag-usapan ang tungkol sa mga homeworks, anong
gagawin, anong dadalhin. Yung feeling ko concern talaga sila sa kanilang
studies. Naku, sana lang talaga.
Matanda na talaga ako, kasi ako na yung nakalagay na
contact person in case of emergency sa mga passport ng magulang ko hahaha,
samantalang dati sila yung nakalagay sa ganung parte ng id ko noong nag-aaral o
kahit pa nga ngayong nagtatrabaho na. Wala lang, ang weird lang ng feeling.
Isnaber daw ako sabi nung isang student kanina nag nag-hi
habang naglalakad kami palabas ng gate. Kung alam lang niya, yung pagtingin ko nung
bumati siya ay yun na talaga ang “hi” ko sa kanya, hahaha! Minsan di ko alam
kung aware ba ko sa mga facial expressions ko. Kasi dahil sa introvert ako, sa
loob ko ay masaya na ako or nabati na kita pero baka hindi lang talaga nakikita
sa aking mukha, hahaha! Well, sorry na. Di naman talaga ako nang-iisnab. Ganun
lang talaga yung mukha ko, hahaha! K.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento