Lumaktaw sa pangunahing content

"sopas na punong-puno ng magic..."


Ika-15 ng Nobyembre, 2014
Sabado, 7:06 ng gabi


            Para sa semestre na ito, sa kolehiyong ito ko inilagak ang haggard kong pagkatao –



            Bukod sa promotion at salary increase na dahilan kung bakit kailangan pang mag-aral ang isang tulad ko sa graduate school… ang personal ko talagang rason ay ang mga sumusunod;

            - ma-experience ang ma-haggard sa byahe;
            - makakita at makasalamuha ang iba pang mga specimen ng tao;
            - makipag-super friends sa mga ‘random pipol’;
            - maramdaman muli ang pagiging estudyante at ang pagkatuto;
            - maglakbay sa usok at polusyon ng lungsod;
            - maigala ang pisikal kong anyo; at
            - para may maikwento tuwing haggard day ng sabado. Lol.

            Ni wala pa sa hinagap ko kung ano pa ba ang dapat kong ipakasiguro sa isip ko. Sabi ko… ito muna sa ngayon.

            Sa klasrum na ito –



…nakasama / nakita / klasmeyt ko ang isang rakistang grupo. Bongga. Akala ko talaga college student lang din ako. Parang first day high! May ‘punk group’, may ‘nerd group’, may ‘young and fresh’ at ‘tulala and haggard’ na ako hahaha.  Dito ko rin nakilala si Denise na napaka-taklesang babae…. pero at least totoo. Bukod sa kanya, kasabay kong kumain ng sopas na punong-puno ng ‘magic’ sila Eldie at Neri (mga kaklase ko noon sa aming pamantasan, at klasmeyt ko ulit sa isang subject sa kolehiyong pinapasukan namin ngayon).

            At dahil first day pa lang, maaga rin namang na-dismiss ang mga klase. Kaya minsan, tambay mode ako sa hallway / corridor



…habang naghihintay na may mag-aya / sasabay na kumain.

            Nakakairita tumambay sa hallway. Lakaran ng lakaran ang mga tao! (Malamang?) Kaya sa sobrang inip ko, nag-selfie na lang muna ako sa isang medyo malabo (o may halong dungis hahaha) na salamin sa banyo –



            … at dahil haggard na may lagnat, ganyan lang ang kinaya. Pasensya na. Hahaha.

            Pagkatapos ng klase, habang naghihintay ng jeep



            … gusto ko na manalangin na sana ay umpisa na ito ng pagbabago. Bagong experience. Bagong mundo.

            Bago umuwi dumaan muna ako sa BookSale. Gusto ko sanang bilhin ang libro na ito –



            …kaso naisip ko, tatapusin ko muna yung mga naunang nabili ko.

            Matapos ang ilang libot, napagdesisyunan ko na ring umuwi. Yun nga lang, magpapadikdik at magpapapitpit muna ako sa LRT



            …mukhang kaunti ang mga tao, pero pagsakay ng tren, dedma na siksikan at init… at lagkit! Lol.

Mga Komento

  1. kungratcgumaleysgen!

    yah premowted!!! lolz

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha :)
      nag-uumpisa pa lang ako Rix,
      lilipas pa ang panahon bago mangyari ang mga iyon :)

      Burahin
  2. Mga Tugon
    1. yes :)
      feeling fresh sa aking unang sem lol

      Burahin
    2. Every first day ng each new semester, mafefeel mong fresh na fresh ka. Promise. Masaya mag-aral, lalo na pag marami ka ng naging friends. :)

      Burahin
    3. Sana ma-experience ko yang sinasabi mo :)
      Lalo na yung pagka-fresh na fresh! hehehe

      Burahin
  3. Pumapasok ka na pala, anong kursong kinuha mo? Grabe at nagdagdag haggard points ka pa. Ano bang word ang i describe sa iyo afterwards? Good luck sa pag-aaral. Kaya mo yan!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. grabe ka sir Jo :) hehehe...
      salamat! magtatanong na lang ako sa'yo sir for some tips :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...