Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2014

TICTAC

Ika-23 ng Oktubre, 2014 Huwebes, 4:34 ng hapon             Malamig sa faculty kaninang umaga (pasado alas diyes ang oras) habang nagri- record ako. Mahina lang naman ang aircon sa faculty pero nakadagdag sa lamig ang medyo maulan na panahon.             Ang lamig.             Pati mga tao sa paligid ko, ang pakiramdam ko sa kanila ay malamig.             May ilan na maaari kong lapitan para kausapin o makipag- chikahan pero mas pinili kong maging busy sa aking ginagawa dahil naisip ko ‘pag umuwi na ako wala na akong magagawa ulit. Tamad.             Medyo mahirap mag- focus kanina. Kayang kong i- record ang mga hawak kong papel, pero tumatagos ang tingin ko sa mga ito. Parang na- m...

"Bakit ang tahimik mo?"

Ika-22 ng Oktubre, 2014 Miyerkules, 5:19 ng hapon             “Bakit ang tahimik mo?”             Madalas itong itanong sa akin nung bata pa ako. Na pakiramdam ko ‘abnormal’ ba ako para tanungin ng ganitong tanong… kasi sa loob ko gusto kong sabihin na – “Bakit ikaw di naman kita tinatanong kung bakit ang ingay mo?” Lols.             Naalala ko lang yung klasmeyt kong transferee noong 2 nd year high school – si Rachel . Katabi ko siya sa upuan. Mas tahimik pa siya sa akin. Sa mga ganung pagkakataon, mas kaya kong maging maingay o makipag-usap sa mas tahimik pa sa akin. Alam ko kasi (o baka assuming lang ako hahaha) kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip o kung anong uri ng tao ang nasa loob ng ganung personality . In other words , nakaka- ‘relate much’ ako. Kaya mas madali kong ma- approach yung mga...

"...pagkatapos ng sembreak na ito, magpapakilala ulit ko."

Ika-18 ng Oktubre, 2014 Sabado, 4:32 ng hapon             Isang grading period ko pa lang sila nakasalamuha, natuturuan at kinabubwisitan hehehe . At hindi naman siguro makatarungan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam ang aking pangalan o kahit pa ang tamang spelling nito.             Matapos mangalay ng kamay ko kaka- check ng kanilang periodical test , natawa na lang ako sa sari-saring bersyon ng aking name . Narito –             1. Jep Buendia – Oo, ito ang nakalagay na panglan sa masking tape ko kaya siguro ito rin ang naisulat ng batang ito. Pero nakapa-close naman namin para gamitin niya ang Jep Buendia.             2. Sir Bindiya – Parang binastos naman yung apelyido ko . Nasaan ang hustisya! Lols.    ...

ESSAY

Ika-18 ng Oktubre, 2014 Sabado, 10:29 ng umaga             Nung huwebes, habang nag-iisa ako sa science room , nakaramdam ako ng pagkabagot sa pagtsi- check ng papel ng mga estudyante kong grade 7 …             Natanong ko sa sarili – “Bakit ba kasi ako nagpapa-essay… dami ko tuloy babasahin.” Hindi naman sa nagrereklamo… nakakaumay lang magbasa hehehe . Natatakot din ako kung paano ko nagagawang intindihin ang kanilang mga sagot kahit pa mali ang grammar . Nababahala ako na baka masanay ako sa pag-intindi ng kanilang maling grammar sa ingles, baka ma- adapt ko hahaha . Kaya kapag nakakatapos akong mag- check ng kanilang mga essay , nagbubuklat ako ng ingles na libro para masabi o mapaalalahanan ko ang aking utak na ‘ganito’ ang tamang English lols .             Bakit nga ba ako nagpapa- essay...

Minsan, pwede na rin ang kahit na anong pamagat. Wala eh :)

Ika-12 ng Oktubre, 2014 Linggo, 7:10 ng gabi             Nakagugulat naman yung biglang papasok si mudra sa kwarto ko (kani-kanina lang) para lang sabihin na “Hay naku Jep, maya-maya na kayo kumain. Hilaw pa yung sinaing ni Papa mo,”  sabay labas sa kwarto.             Mabuti na lang hindi niya nakita yung pinagkakaabalahan ko sa netbuk …             …yung blog ko at blog hopping . Lols.             Maulan ang panahon ngayon. Nakaka- miss yung nakakakilig na lamig sa paa kapag naka- tsinelas ka lang habang naglalakad sa basa at medyo maputik na daan. Yung kumukulubot na yung paa mo sa pagkabasa dulot ng lamig ng ulan.             Hindi na ako makausad sa kwento ni Amapola … ...

"...kahit walang popcorn at drinks."

Ika-05 ng Oktubre, 2014 Linggo, 11:55 ng gabi             Nakaka- miss naman yung mga gabi na sama-sama kaming nanunuod ng tv . Si mudra , pudra pati na tatlo kong mga nakatatandang ate. Nung mga panahon na bata pa kami… nung ako pa ang pinaka- bunso sa lahat.             Na mala- sinehan ang peg namin kahit walang popcorn at drinks . Walang nakasinding ilaw, tanging telebisyon lang, may nakalatag na banig at kumot habang tutok sa pinapanuod naming palabas sa tv , mapa-aksyon man o horror .             Yung mga tagpo na hindi makakaangal kahit sino sa mga ate ko kapag nahihiga ako sa kanila (habang nanunuod) , o kaya ay sinasandalan o sinsandayan ng paa hahaha , takot lang nilang mapagalitan ni mama, dahil ako ata ang pinaka- beybi noon.          ...

“But then sex, beer, food…"

Ika-03 ng Oktubre, 2014 Biyernes, 4:17 ng hapon             Marahil tama nga yung sinabi nung lalaki na may dalang libro na papuntang coffee shop ...             …mahiwaga ang buhay.             Paano mo nga naman nagagawang magising sa bawat umaga “feeling the same” . Hindi humihinto ang takbo ng oras; nagbabago ang pisikal na katawan ngunit ikaw pa rin ang taong nasa loob nito. Paano nga ba talaga malalaman kung ikaw ay nabubuhay… paano mo masasabi o mararamdaman…             Sabi nga niya 62 na siya – “Fuck!”             Ano nga ba ang magpapasaya sa tao…             “Reading, writing and drawing,” para sa kanya.  ...

"…and mudra saves the day!!! Hooray!!!"

Ika-01 ng Oktubre, 2014 Miyerkules, 6:19 ng gabi             Ok na sana na dumating ako sa faculty (kaninang umaga) mga limang minuto bago ang klase. Naisip ko may kaunti pa akong oras para kunin yung mga gamit ko at mag-ayos. Pero…             …pagbukas ko ng aking bag…             … leche flan! Siomai!             Naiwan ko yung salamin ko!!! At hindi kakayanin na umuwi pa ako at bumalik sa school sa loob lang ng 5 minutes . Na- stress ako ng biglaan hahaha .             Nagpapanggap na nga lang akong may nakikita habang naglalakad kanina mula sa gate ng school papunta sa faculty tapus naiwanan ko pa pala yung salamin ko sa mata.         ...