Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2014

"...from haggard to HAGGARD!" :)

Ika-24 ng Setyembre, 2014 Miyerkules, 5:05 ng hapon             Ganito rin ang panahon kahapon sa naganap na Division Science Quest 2014 . Napakainit, parang sirang gripo ang mga pores ko, ayaw tumigil sa pagpapawis. Pakiramdam ko nga, na work-out na lang bigla ang muscles ng aking mga braso at kamay dahil sa walang tigil na pagpapaypay!             Lakas maka- haggard ng init habang nasa gym kami ng eskwelahang iyon. Gusto ko na ngang mag-semento ng pulbos sa mukha ko para lang maibsan ang oily face at panlalagkit ko. Ang daming mga kalahok mula sa iba’t-ibang paaralan. Marami ring paligsahan na masasalihan. Ngunit… wala talaga sa ulirat ko ang manalo (mas in-expect ko pa yun sa mga kasama ko) , lutang ang isip ko at sabik sa mga kaklase kong ngayon ko na lang ulit masisilayan (yun talaga ang pinaka-concern ko kahapon hahaha) . Unang Science Quest k...

"Wag matakot ma-guidance." :)

Ika-18 ng Setyembre, 2014 Huwebes, 9:13 ng gabi             Habang nanunuod ng telebisyon at kumakain ng meryenda , ikinuwento ko sa nanay ko na mula noong napatupad ang batas ukol sa Anti-Bullying , maraming magulang na ang nagpupunta sa eskwelahan para makipag-usap / mabigyang solusyon ang kanilang mga anak na nabu- bully .             Sabi naman niya, masyado na raw atang sensitibo ang mga bata ngayon. Dati naman daw nung panahon nila, wala naman daw yang anti-bullying na yan. Yung mga bully daw noon ay inaaway nila. Kung naging lalaki nga lang daw siya, malamang naging basagulero pa siya.             Bongga na naman ni mudra .             “Iba na kasi ang panahon ngayon… iba na rin yung mga bata” , banggit ko sa kanya.    ...

"...book review ba ‘to?"

Ika-15 ng Setyembre, 2014 Lunes, 11:44 ng umaga Pamagat:           “Ligo Na U, Lapit Na Me” Ni:                      Eros S. Atalia             Kahapon, ika-14 ng Setyembre, araw ng Linggo, ganap na 1:10 ng hapon… natapos ko na ang ikalawang libro para sa taong ito! Hahaha . Hiyang-hiya naman ako, ang nipis lang ng libro pero ilang araw pa ang inabot ko bago ko ito matapos…             May magandang dulot din ang pagbabasa sa akin, kahit pa nga antukin ako sa pagbabasa. Una, kapag nabuburyong na ako sa pinapagawa sa akin ng mundo (parang utang na loob pa ng mundo na kumilos ako) nagbabasa na lang muna ako bago matulog, para naman ma- relax o maihiwalay ko naman ang aking isip sa mga gawain na hindi ko naman naga...

BANGAG

Ika-13 ng Setyembre, 2014 Sabado, 4:49 ng hapon             Tumitig sa dingding…             Parang praning.             Walang magawa…             Bukas kawawa.             Mag-iisip…             Mawawala sa isang ihip.             Gawa…             Ngawa.             Bukas may araw…             May kanin na bahaw.             Isasangag…   ...

Chips!

Ika-09 ng Setyembre, 2014 Martes, 5:08 ng hapon             Hindi ko talaga feel ang gumamit ng recitation chips …             Pakiramdam ko kasi parang may pinapatuka akong mga ibon. Yung para bang ang dami kong pet sa loob ng classroom na kapag nakasagot ng tama ay bibigyan ko ng chip bilang reward . Ang weird … pero gustong-gusto naman makakuha ng chips ang mga bata.            Ewan ko kung ano bang pakiramdam nila sa chips … pero dahil ginusto rin naman nila na magkaroon ng chips sa recitation , eh di ibigay ang hilig!             Sino ba kasi nagpauso ng nito? Lols.             Iba talaga ang sapi ng mga mas batang estudyante…             Di bale ...

"Higit pa sa blooming..."

Ika-08 ng Setyembre, 2014 Lunes, 10:22 ng gabi             Daig pa lusis kung magliwanag…             Higit pa sa sparks ng poste dahil sa mga jumper ng kuryente…             Yung parang may flashlight ang mga mata…             Mas maliwanag pa sa pinakamataas na lumen ng LCD / DLP projector …             Mas bongga sa fireworks …             Pati na sa special effects na liwanag kapag kukunin ka na ng langit…             Kailan kaya nuh?...             Kailan darating ang moment na ito?...     ...

"...Ma'am Keps!"

Ika-07 ng Setyembre, 2014 Linggo, 7:30 ng gabi             Yung aso namin, nakakatuwang ewan. Kasi kahit malaki na siya, ipinagkakasya pa rin niya ang kanyang sarili sa dati niyang tulugan. Medyo nakakainis lang kapag umaalis ako sa umaga, lalo na’t hindi siya nakatali, kasi hilig niyang makipagharutan. Akala niya siguro natutuwa ako sa matatalas niyang kuko na kumakayod sa sapatos ko at pantalon. Yung fresh na fresh pa naman ako sa umaga tapus hahabulin ka niya hanggang sa labas at makikipagharutan, buti sana kung bagong ligo rin siya tulad ko hahaha . Mabuti na lang at di ko siya aso, pagmamay-ari siya ng kapatid ko, kaya wala akong obligasyon na paliguan at pakainin siya. Basta, yung cactus ko lang ang aalagaan ko.             Malapit ko na matapos ang Ligo Na U, Lapit Na Me ni Eros Atalia . Mga ilang kabanata na lang ang naiwan. Achievement na ito, mak...

"...bagsik ng kubeta."

Ika-07 ng Setyembre, 2014 Linggo, 10:11 ng umaga             Nakakasulasok ang usok…             Dumadagundong na tugtog…       Binyag ng anak ng kapitbahay namin ngayon. Naimbitahang ninang si mudra . Mamayang gabi (o kahit mamayang hapon) aabangan ko na ang festive celebration ng aming mga kapitbahay! Excited na akong abangan ang tradisyon nilang pagbirit sa videoke … excited na akong matulog ng maaga mamaya bago pa nila ako magambala hahaha .             Sa tatlong cactus na binili sa akin ni mudra , dalawa na lang ang natira. Inilagay kasi namin ang isa sa cr … ayun di nakayanan ang bagsik ng kubeta hahaha . Lagi kasing nababasa eh, wagas pa naman maligo yung kapatid ko, kala mo may bagyo sa loob ng banyo; binabaha ang loob at lahat ay nababasa. Hay…   ...

"There's a hole in my soul... Can you fill it?"

Ika-06 ng Setyembre, 2014 Sabado, 9:10 ng umaga “FLAWS” Bastille When all of your flaws and all of my flaws Are laid out one by one A wonderful part of the mess that we made We pick ourselves undone All of your flaws and all of my flaws They lie there hand in hand Ones we've inherited, ones that we learned They pass from man to man There's a hole in my soul I can't fill it I can't fill it There's a hole in my soul Can you fill it? Can you fill it? You have always worn your flaws upon your sleeve And I have always buried them deep beneath the ground Dig them up; let's finish what we've started Dig them up, so nothing's left unturned All of your flaws and all of my flaws, When they have been exhumed We'll see that we need them to be who we are Without them we'd be doomed There's a hole in my soul I can't fill it I can't fill it There's a hole in my soul Can you ...