Ka-haggard naman ang mga nagdaang araw. Tatlong linggo nga kaming nawalan ng pasok, pagbalik naman super buhos ang biyaya ng trabaho. Yung tipong pumasok ka ng fresh tapus paglabas mo expired ka na haha. Ganun talaga. Hay buhay. Buti na lang nariyan pa rin ang tawanan at kulitan na dulot ng mga kaibigan mo sa trabaho :) Dagdag pa ang extra challenge 'pag high tide. Bawal sumayad ang mga paa sa lupa kung ayaw mabasa. Matagal na nga ang byahe, mahal pa ang pamasahe. x-o-x-o-x Napapanahon na ba? Nung nasa bakasyon mode ako (dahil sa bagyo, baha at high tide), naisip ko na mag-shift ng career. Feeling ko kasi, I need to expose myself to another type of workplace or environment para mag- grow tulad ng malalagong puno sa kagubatan :) Yung ideya na 14 years na nga ang inilagi ko sa eskwelahan, pati ba naman ang trabaho ko sa school pa rin? Siguro ayoko lang maging masyadong familiar sa atmosphere ng eskwelahan. Ganun lang. Di naman sa ...