Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

nobyembre 2018, ikalawang linggo

11 November 2018 What was the last lie you told? Sabi ko sa sarili ko, “okay lang ako,” with “smile” para mas convincing… 12 November 2018 What is your favorite cuisine? Dirty cuisine? Charot! 13 November 2018 What do you have too much of? Stress and haggardness! Hahaha! 14 November 2018 What do you want to tell yourself in one year? Na merong 365 days sa loob ng isang taon o 525,600 minutes. How do I measure a year in a life… 15 November 2018 What is your greatest strength? My greatest strength is ‘the greatest love of all’… and it is NOT happening to me. lol 16 November 2018 Other than your clothes, what was with you the majority of the day? Yung sarili ko lang… sanay naman na akong maging single not only for a day but since birth, hahaha! 17 November 2018 What’s your guilty pleasure? When I’m not guilty? Lol. P.S. 2017 pa nung binigyan ako ng kopya ni cher Kat ng 365 Questions. Ngayon ko lang nabalikan, ...

memampalaya

            Na-realize ko lang na kung meron man akong ipapalit sa kanin, o kung wala mang kanin ay okay na sa akin na may ginisang ampalaya na may halong itlog – ito na yung magiging kanin ko. Ang sarap kayang i-partner sa iba pang ulam ang ginisang ampalaya! Halimbawa, sa adobong manok o baboy, kahit pa sa siomai, pwede rin sa longganisa, pritong isda at marami pang iba. Yung pagiging mapait (basta wag lang masyado) ng ginisang ampalaya ay swak na complement ng iba pang malalasang ulam.             At oo, napaka-mema lang nito. Sumubok lang ako ulit… dami na agiw eh!             Ampalaya   |   Bitter Gourd   |   Momordica charantia             Syempre dapat may pa-english at pa-scientific name para nakakatalino pa rin ang dating, haha...

edX

            Natutunan ko na maaari pala magsimula ang opioid addiction sa simpleng prescription lamang ng isang physician. Ang opioid ay isang pain reliever na gamot. Nalaman ko rin na hindi ito basta ibinibigay sa mga pasyente dahil maaaring hanap-hanapin ng katawan ang bisa nito. Dito sa ating bansa, karaniwang ibinibigay lamang ang opioid para sa mga terminally ill patients o kung talagang kinakailangan. Ang opioid ay may ibang uri din tulad ng fentanyl at heroin; at ang nakakaloka, ay may panahon na ang mga ganitong uri ng narcotics ay pinu-push pa ng ilang pharmaceuticals na nagsasabi na nakapag-produce sila ng ganitong uri ng gamot na mas “safe” gamitin (sa ngalan ng marketing at business syempre), kaya ang resulta ay isang opioid addiction crisis lalo na sa Estados Unidos.             Si DU30 na rin ang nagsabi na minsan ay napasobra siya sa prescribed na dosage ...

maaliging alibi

     19 August 2018. Hindi totoo na naiwan sa sinakyan naming jeep yung tatlong gift namin para kay baby D; pero yan yung sinabi namin kay Dreb nung hindi na siya matigil kaka-miss call sa amin. Nakita na raw niya kami sa may overpass, konting kembot na lang eh nasa venue na kami pero ang ipinagtaka niya ay kung bakit hindi pa rin kami dumarating.      Ang totoo niyan, kumain muna kami saglit bago dumerecho sa venue. Ikaw ba naman ang magbyahe at magpalipat-lipat ng sasakyan ng walong beses para makapunta sa bday ni baby D. Inabot kami ng tanghaling tapat with all the pawis at alay-lakad, syempre we need to freshen up! Sa madaling sabi, kumain kami ng very light lang dahil naisip namin na baka hindi na namin matiis ang gutom habang hinihintay yung pagkain sa party hahaha! At hindi rin namin alam kung paanong naniwala agad si Dreb sa aming alibi, samantalang isang bugkos ng malaking plastic yung pinaglalagyan namin ng regalo kay baby D, ...

gravy

     18 August 2018. Bago bumili ng ipanreregalo sa inaanak namin na pamangkin ni Dreb, kumain muna kami nila Eldie at Neri sa KFC. Na-haggard kami sa byahe, lagi naman kasing traffic sa Philippines. Habang hinihintay ni Eldie ang order namin, pinakuha na niya ako ng gravy. Iniabot niya ang plato sa akin, damihan ko raw. Syempre yun naman ang ginawa ko; ang tawag ko rito ay “pag-iigib ng gravy.” Pabalik na ako sa pwesto namin dala ang isang plato ng gravy nang may nakasalubong akong lalaki, ang sama ng tingin. Di naman sana ako mapapaisip kung di naman siya nakatingin sa akin, so nagkaroon tuloy ako ng mga hinala –      …(a) papunta kasi siya sa counter, so baka nainip lang siya sa paghihintay ng kanyang order at napatingin ng masama sa akin (pero bakit kasi sa akin, hehehe);      …(b) galit siya kasi ang dami kong kinuha na gravy (eh marami pa naman dun sa tangke, I mean dun sa lagayan, di ko naman kinuha lahat); ...

“Iba talaga ang mga bata ngayon eh,”

     Kaninang tanghali habang naglalakad ako sa covered court papunta sa faculty, nasalubong ko si student A (na isa sa aking advisory class) kasama ang ipinakilala niyang parent o nanay niya. Pinasunod ko sila sa faculty para maibaba ko muna ang aking gamit at makausap ko silang mag-ina. Ang totoo niyan, hindi lang ang parent ni student A ang pinapupunta ko (last week pa) kundi pati na rin ang ilan sa mga kaklase niya, ngunit laging ang sagot sa akin ng mga bata ay hindi raw makapupunta ang kanilang magulang sa sari-sarili nilang dahilan.      Ang dahilan kung bakit ko pinatatawag ang kanilang magulang ay dahil sa kanilang pagka-cutting class. Kasagsagan noon ng habagat at kare-resume pa lang ng klase; itong sila student A and company ay hindi pumasok sa eskwela, sa halip ay nagpunta sa mall at sa bahay ng klasmey nila. Ang idinahilan sa akin ng isa ay dahil daw sumakit ang tiyan nya. Wow ang galeng! So, kapag sumakit ang tiyan ay sa mall...

"Struggle is real!"

     02 August 2018. Medyo iritable ako sa unang klase ko kanina (sa aking advisory class). Ito yung araw na kapag may nagpi-PE sa covered court ay sagap namin ang lahat ng ingay. Hindi tuloy ako mapakali, dahil di ko matiyak kung naririnig pa ba ako ng mga bagets o kung naiintindihan pa ba nila ang sinasabi ko sa kabila ng ingay sa paligid. Struggle is real! Idagdag pa na ang mga bintana ng klasrum namin ay nakabungad lahat sa covered court kaya hindi rin tuloy mapakali ang mga bagets sa kalilingon sa mga nagpi-PE. Para hindi ako ma-stress sa ganitong ganap, ipinaharap ko na lang sila sa tv ng sa ganun ay nakatalikod sila sa mga bintana at hindi na ma-disturb pa ng kung ano mang ganap sa labas.      Speaking of telebisyon, malaking tulong na halos lahat ng klasrum ngayon sa school ay may smart tv na. Hindi na mahirap gumawa ng visual aids, at hindi na rin kailangan magbitbit ng projector sa bawat klase, tipid na sa ...