memampalaya



            Na-realize ko lang na kung meron man akong ipapalit sa kanin, o kung wala mang kanin ay okay na sa akin na may ginisang ampalaya na may halong itlog – ito na yung magiging kanin ko. Ang sarap kayang i-partner sa iba pang ulam ang ginisang ampalaya! Halimbawa, sa adobong manok o baboy, kahit pa sa siomai, pwede rin sa longganisa, pritong isda at marami pang iba. Yung pagiging mapait (basta wag lang masyado) ng ginisang ampalaya ay swak na complement ng iba pang malalasang ulam.

            At oo, napaka-mema lang nito. Sumubok lang ako ulit… dami na agiw eh!

            Ampalaya  |  Bitter Gourd  |  Momordica charantia

            Syempre dapat may pa-english at pa-scientific name para nakakatalino pa rin ang dating, hahaha! Mema…

Matuto nang higit pa mula sa link na ito.



Mga Komento

  1. Salamat sa idea Cher Jep! Yung mga memamoments mo, yun yung mga tipong bibigyang pansin ko... hahaha.. mema din lang ba me... lol.... :P

    TumugonBurahin
  2. halos bawat week bumibili ako ng ampalaya sa tindahan....15 pesos, ready to eat...masarap nga pag may itlog..

    TumugonBurahin
  3. ang dami ko ng pait sa buhay, so d talaga kame magkasundo ng ampalaya ahahahahahahaha

    TumugonBurahin
  4. paborito ko din to:) masarap na healty pa!!!!! Sakit.info

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento