Ika-30 ng Agosto, 2014 Sabado, 10:15 ng gabi Mula umaga hanggang tanghali ay magkabati pa ang nanay at tatay ko… sa paggamit ng tv . Palibhasa, nasa prime time pa ang kanilang mga panunuorin. Pero ‘wag ka… kapag kumagat na ang dilim… bakbakan na sa tv! Kada komersyal, lipat ng lipat sa ibang channel … basketbol… teleserye… basketbol ulit… teleserye ulit… basketbol na naman… teleserye na naman… hanggang ang tv ay matigbak. Mabuti pa ang kapatid ko sa kanyang kwarto… sitting pretty sa harap ng tv sa kanyang silid. Mabuti pa ako… hindi na lang ako nanunuod lols . Ni hindi ko man lang natunghayan sa tv yung balita na hindi raw pusa sa Hello Kitty! Napakaimportanteng balita pa naman nun, life changing hahaha . ...