Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

"At hindi talaga ito diary…"

Ika-02 Hulyo, 2014 Miyerkules, 7:59 ng gabi             Sa pakiwari ko ay mas okay ang pumasok sa umaga, animo’y nakaka- fresh ang sunshine! Yung makikita mo na nakangiti pa ang mga tao at feeling fresh din (tulad ko) . Idagdag mo pa na yung mga taong nakakasalubong mo sa hapon, ‘pag umaga pala ay marunong bumati sa iyo na may kasama pang smile! Di kahalintulad kung ikaw ay papasok sa tanghali, lakas maka- haggard ng itsura. Yung kakaayos mo pa lang pero paglabas mo parang kagugulo lang din ng itsura mo hehehe . Na yung bawat makakasalubong mo ay nakakunot ang noo, hindi naman dahil sa badtrip siya nang ikaw ay makita (o maaari ring ganun na nga hahaha) , at nakakunot-noo ka rin naman dahil sa sobrang init na nakakapagpapawis sa iyo, sa alin mang parte ng iyong katawan na may pores!             Sa bawat pagtatapos ng isang araw na pakikipag- kame-hame-wav...

"...di na kailangan pa ng starbucks with piktyur-piktyur."

Ika-30 ng Hunyo, 2014 Lunes, 7:43 ng gabi             May lagnat at sipon… ganyan ang drama ng kalusugan ko noong Sabado at Linggo… hanggang ngayon. Yung naluluha ang iyong mga mata kahit di ka naman nanunuod ng drama, yung ang init ng singaw ng hangin sa ilong mo at ramdam mo yung nanunuot na sipon sa dulong itaas na bahagi ng iyong ilong na nagpapabangag sa iyong mata at nakapagpapa-ngongo sa iyong pagsasalita.             Gusto ko man gumawa (o pabor rin na di ako makagawa? haha) , wala akong choice kundi ang magpahinga. Noong linggo, hindi ko talaga alam kung paano ko uumpisahan ang lunes na ito… wala ako sa mood (lagi naman ‘pag lunes) … wala akong lakas kumilos… wala ako sa tamang wisyo para mag-isip.             Hindi ko alam kung pa’no ko iha- handle ang mga bata gayong napakahina ko ngayong araw...

"... alibi." ng buhay

Ika-29 ng Hunyo, 2014 Linggo, 12:37 ng tanghali             Sa umaga pagkagising ko, ang unang tanong ko sa aking sarili ay “Anong oras na ba?” . Di naman ako makatingin sa wall clock , hindi naman kasi kalakihan, at isa pa ay malabo ang aking mga mata. Wala naman sigurong natutulog ng nakasalamin, kahit nagawa ko na yun nung mga haggard days ng aking buhay hahaha .             Kapa ng kapa… para mahagilap ko ang cellphone sa aking kama. Minsan di ko alam na nadaganan ko na pala, o kaya ay sumuot na sa ilalim ng sapin kama. Kapag nakita ko na nagising ako ng mas maaga sa itinakda kong oras, matutulog ulit ako… at ang kasunod ay paggising ng huli. O kaya kapag sakto naman ang gising, hihirit pa ako ng “… mga 20 minutes pa,” sabay tulog ulit. At minsan, ‘super-bwisit’ (super? lol) kapag late ka na talaga nagising.        ...

"..lagi mong ikagugulat kung ano ang nasa loob ng bawat isa."

Ika-21 ng Hunyo, 2014 Sabado, 1:03 ng madaling araw             Iniiwasan ko na ang magkape tuwing Lunes hanggang Biyernes. Nakakaihi kasi… mabuti sana kung malapit lang ang CR kung saan ko hinahanap ang buhay ko ngayon hahaha … pero nalalayuan ako eh… lalakad, bababa ng hagdanan at lalakad ulit. Isipin mo na lang kung maraming beses akong maiihi dahil uminom ako ng kape, malamang hindi ko mako- conserve ang aking energy sa maghapon, dahil yung pagpunta pa lang sa CR effort na.             Kaya ‘pag Friday at nakauwi na ako sa bahay, excited na ako mag kape! Kaya eto gising pa…             Nagsisimula na ang panahon ng tag-ulan. Lumalamig na ang paligid. Hudyat na ito para mag- emote ang langit. Uso na ang makaramdam ng lamig… na naunuot sa balat, tumatagos sa buto at binabaon mo sa iyong puso. Maga...

DARK ROOM

DARK ROOM Animo’y larawang nakabitin, Ang pagmamahalan natin. Sa mga tagpong nakuhanan, Nakakubli ang nararamdaman. Mabuti pa ang mga larawan, Pagkatapos sa dilim ay masisilayan. Di tulad ng ating damdamin, Nagtatago’t namamalagi sa dilim. x-o-x-o-x #shorTULA

"11. Oh ayan nakainom na ako."

Ika-12 ng Mayo, 2014 Huwebes, 5:19 ng hapon 1. Nakaka- miss ang gumising ng alas-singko ng madaling araw para abangan ang pagsikat ng araw. Nakaka- miss yung experience na nakikita kong unti-unting lumiliwanag sa aking kwarto… yung katahimikan … yung pakiramdam ng bagong simula … yung feeling hopeful (parang fb status lng haha) at yung magbasa ng libro na parang kinukwentuhan ka ng sumulat kahit sa loob lang ng isang oras. 2. Ang manuod ng downloaded movie sa gabi… Naka- earphone … yung volume na sapat na para wala ka na ibang marinig kundi yung pinapanuod mo. Yung damang-dama mo ang pelikula na para bang isa ka sa mga karakter o kakampi ng mga pangunahing tauhan. Yung hindi ka nagwo- worry kung gaano ito kahaba o kung anong oras ka matatapos sa iyong pinapanuod… at kapag matutulog ka na gusto mong ipagpatuloy ang kwento ng pelikula sa iyong panaginip kasi sobra kang na- touch / naka- relate / na- hook sa pelikula lols . 3. Yung makinig ng radyo kaysa m...

"Isa lang naman talaga ang gusto ko..."

Ika-28 ng Mayo, 2014 Miyerkules, 1:04 ng hapon             Dati, nagkaroon kami ng isang in-house seminar , isang madre ang naging speaker namin. Natural lang na maging medyo madilim sa audio-visual room para makita ang powerpoint presentation . Pero ayaw n’ya daw kasi ng madilim, kaya pinagilid niya ang ilan sa mga kurtinang nakatabing sa bintana, medyo lumiwanag naman. Ayaw n’ya daw kasi ng gloomy dahil nakalulungkot at nakawawala ng positive vibes .             Sabi niya kapag punong-puno na ang ating isip ng mga negatibong bagay, ‘wag daw mag- stay sa isang lugar dahil lalo lamang ito mananatili sa iyong loob. Lumabas daw at mag- enjoy sa araw, huminga ng hangin mula sa labas, tumingin sa paligid nang mapalitan ng positive energy ang pagiging nega mo…             …Madalas akong mag- stay sa akin...