Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2020

read at your own risk.

Naalala ko lang. Sabi ng isang kaklase ko noong kolehiyo, kung bibigyan siya ng chance to live another life ang pipiliin niya ay ang maging isang porn star! Syempre, alam naman namin na   nagbibiruan lang kami sa usapan na iyon, kaya tawanan na lang kami like ‘ wtf ano yang pinagsasabi mo .’ Tapus, may isang tagpo noon na hinayaan niya kaming basahin ang isinulat niyang kwento na medyo erotic; yung parang katulad ng nababasa sa mga tabloid, mala-xerex ang genre ganun. Pinabasa niya sa namin yun para malaman niya kung mahusay na ba ang kanyang pagkakasulat (peer review ba, char). Yun ang pinagkakaabalahan namin habang naghihintay na magsimula ang klase. Di ko na matandaan kung tungkol saan ang kwento, pero hanggang ngayon ay tanda ko pa rin yung ilang words / metaphor na ginamit niya roon, tulad ng 'ice cream', ‘hindi nauubos na ice cream’ – mga double meaning. Nakasulat lang yun sa isang pilas ng papel. At ang eksena pa, habang binabasa ng isa, maku-curious yung iba, ha...

anyare march?

•   4:41 PM   3/17/2020 Nagtsi-check pa rin ako ng mga papel kahit mukha na akong tanga. Kasi ako lang yung busy-busyhan sa bahay. Di ba, bahay ‘to? Dapat relax mode lang eh. •   12:55 PM   3/18/2020 Hanggang sa tagpong ito ay nagtsi-check pa rin ako ng mga papel, pero konti na lang (ang pasensya ko). Habang gumagawa, nakikinig na lang ako ng mga music videos; yung mga na-download ko dati pa. •   1:09 PM   3/18/2020 Kung tutuusin, pwede ko naman checkan-keme na lang itong mga papel; but my annoying-ideal self would tell me – hoy nung student ka, gusto mo di ba tsine-checkan nang maayos yung mga gawa mo – tapus magpapauto naman ako. •   3:04 PM   3/18/2020 Medyo naiirita na ako sa ibang papel na tsine-checkan ko. Saan ka ba nakakita ng numero na dalawa ang decimal point? Ang sagot ng bagets ay 380.38.75 Joule. Anong basa mo dyan gurl? Halatang kopya, mali pa. Kaya gusto ko talaga na ako yung nagtsi-check eh, ...

mibf, bbw, at iba pang chuwariwap ng layf

            Sa Manila International Book Fair (MIBF) ko talaga gusto magpunta. Kaso, mga tatlong taon ata ako nag-attempt na makapunta pero hindi natuloy. Yung hanggang tingin na lang ako sa Instagram ng mga nabili nilang libro, tapus makikita ko yung ilang libro na nabili nila ay yun din ang gusto ko. Ilan sa mga dahilan kung bakit hindi ako natutuloy sa MIBF: una, walang kasama, ang lungkot naman mangalkal ng books mag-isa; pangalawa, madalas sa buwan ng September ang MIBF, may panahon noon na pupunta sana ako kaso maulan, kaya di rin ako nakaalis; pangatlo, budget, na kung pupunta lang din ako, dapat may nakalaan na budget para sulit! Tapus, ayun na nga… after how many attempts na walang natupad, tinabangan na ako sa kagustuhan kong makapunta sa MIBF.             Naalala ko, tinarget ko rin pala na mapuntahan yung mga warehouse sale dati tulad ng sa Anvil Publishing H...

siomai

8:53 AM 2/19/2020 Kahapon kakaisip ko na very predictable naman ng araw ko, hindi pala. Nang-prank ang mga bagets (advisory class ko). Kunwari, tampu-tampuhan ang mga ‘siomai’ (pero parang totoo; dalawang beses na kasi na wala ako noong araw na may pa-surprise keme ata sila – una noong titsers’ day eh nasa contest kami, pangalawa noong valentine’s day, akala ko kasi holiday yun sa Val, pero hindi na pala, nagkataon na yun ang sked ko ng pagkuha ng prc id at saka pumunta na rin ako sa bbw sa world trade, kaya absent ako that day). So, nag-walk out ako sa klase dahil hindi ako makakapagturo sa ganung atmosphere. Ang gagaling din umarte / mag-inarte eh. Kaya nagpunta na lang muna ako sa faculty. Tapus, nagsunuran pala ang mga siomai, bigla na lang lahat sila ay nasa labas na ng faculty. Bago pala yun ay nangyari muna ang epic fail na may isang pumunta sa akin sa faculty para sabihin na may nag-away keme para bumalik ako sa room, like hindi pa ba sila natuto mula sa mga memes h...

18 February 2020 - just roll the dice

10:09 AM 2/18/2020 Yung nagising ako at sinabi sa sarili na - "omg, itong buhay na ito ulit!" Not that I do not want my life. Wala lang. LF: varieties! Like what if we wake up with different buhay sa araw-araw? For instance, one day you are the anak ng isang mayamang family na may conflict nga lang; then, the next day you are anak mahirap naman but so genuinely masaya! Or maybe, pagkagising mo merong dice or something na you have to roll and kung ano man ang matapat doon that will be your life for a period of time, let's say for a day, a week, a month, or a year. Tapus may option pa na if you don’t want your life to be like that (base dun sa lumabas sa dice) you can just sleep na lang, lol! Halimbawa, ayaw mo mabuhay as a royalty ng isang bansa for 1 week, so if you don’t want it dapat mo lang itong itulog for one week, wala nga lang ganap sa buhay mo pero at least you won’t suffer or anuman mula sa buhay na ayaw mo, then after that period ng pagkatulog, w...

11 February 2020 - resign

11 February 2020 (Tuesday) Ngayong araw, napag-desisyonan kong magre-resign. Masyado na nagiging predictable ang routine ng aking buhay; umaabot sa punto na alam ko na kung ano specifically ang mangyayari sa bawat oras. Parang ang lahat ng bagay ay lumilipas na lang. Walang nang element of surprise, o kahit na katiting na layunin para magpatuloy pa. Naisip kong mag-resign kasi gusto ko naman na magkaroon ng ibang trabaho; o kaya magkaroon ng iba pang pananaw sa mundo. Bagong workplace o environment, ganun. Wala lang… dinadama ko lang ang aking pag-iisa; dinadama ko lang ang pagiging burned-out ko or kung ano man ito. Gusto kong magbasa. Gusto kong ma-enjoy ang sikat ng araw. Gusto kong maglakad-lakad man lang kung saan. Ano ba ang silbi ng lahat ng kaabalahan natin sa mundo? Para ba ma-stress? Para makatanggap ng validation? Hindi naman siguro tayo ipinanganak para lang sa mga bagay na ito. - - - - - - - Isa lang ito sa mga kadugyutan ko, charot. Sampung taon na...

13 January 2020 - imbentaryo

8:26 PM 1/13/2020 (Monday) As of this moment, nag-i-encode pa rin ako ng mga gamit para sa inventory ng science lab. Medyo marami pang kailangan i-type. Then, pagsasamahin ko yung list ng luma at ng bagong mga gamit; eh parehas yun madami… as in madami talaga, hahaha! Ang masaklap… ay wait, yung Malabon nag-confirm ng pasok; baka magkaroon din kami. Hindi naman sa ayaw kong pumasok, pero wala pa kasi akong nagagawa para dun sa class observation, like omg! Ano mangyayari sa akin nito? Hahaha! I’m torn between finishing this paper for the inventory and doing my lesson plan at instructional materials for the class observation. Dalawa lang naman naiisip ko eh – kung mag-suspend ng pasok, tatapusin ko na itong inventory; kung mag-declare naman ng pasok, uunahin ko muna yung para sa observation, kahit magkanda-puyat or wala na akong tulog, makaraos lang. Kung kailangan na yung paper para sa inventory, sasabihin ko di ko pa tapus. Bahala na, hindi naman ito ang primary task ko, ...