Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2019

13 July 2019

            13 July 2019. Nagbalik na ang Book Sale sa SM Marilao at Valenzuela! May tatambayan na ulit ako habang hinihintay ko sila Eldie at Neri, o kung sino man. Yung sa Marilao, maliit na nga lang yung pwesto nila, di katulad dati na makaka-lava walk ka sa loob; ngayon ay ka-size na lang ito ng dating nasa SM Val. Yung nasa SM Val naman ngayon ay walang sariling pwesto, nasa open area sila malapit sa food court; kaya kaunting books na lang ang mapagpipilian, saka maliit lang talaga yung space, yung kapag may nanggagalugad ng libro (tulad ko) ay di ka na makakasingit, dahil ang bawat section ay parang good for 1 person lang. May nabili pa rin naman ako kahit paano (noong June 29 – maulang Sabado). Luma na pero amazing pa rin! Ang Life on Earth ni David Attenborough (1979) , 35 pesos lang! Maraming pages, paperback (may nakita rin akong hardbound pero 65 pesos na, eh parehas lang naman ang laman, at mas bet ko ang paperback...

11 July 2019 - “ah yung kay mama vice”

            11 July 2019. Dumating na yung topic kanina where I want to create awareness to certain causes like male pattern baldness which is relevant to me and myself (and to those who are experiencing it). I wanna show the world, the universe rather, that I can confidently teach despite having that condition, thank you! Hahaha! Pero… di ko nagawa, I mean di ko masabi or ma-example yung sarili ko, lol. Like 2 sections yung may topic kami about sex-influenced trait, so ayun na nga, concept then example. I was thinking na ok na ba, kaya ko na ba sabihin sa mga bagets na ako ang example ng male pattern baldness lol, pero di ko kinaya. Sa unang tinuruan ko, I am anxiously reminding myself na why do I need to state the obvious hahaha. Nakaka-awkward hahaha, kung pwede lang lampasan yung topic eh. I was really thinking to raise awareness about it; na it is not something funny, it’s a journey lalo na sa nakakaranas ng ganung conditi...

08 July 2019

08 July 2019. Noong June 29 (Sabado) habang kumakain kami sa food court nila Eldie at Neri, may lumapit sa amin na dalawang bata (pero college graduate na raw sila; bata, kasi di hamak na mas bata sila sa amin lol). Magpapa-survey. Pero hindi raw nila iyon thesis. Tinutulungan lang daw nila ang kanilang prof na nagma-masteral (may ganito ba talagang term? masteral?) sa UP. Nung tinanong ko yung lalaki (dalawa kasi sila, yung isa babae) kung tungkol saan ang thesis, hindi masyadong klaro ang kanyang sagot pero may ideya sila kung paano namin sasagutan yung questionnaire. May sampung mga katangian na nakalista sa questionnaire; ito yung mga usually tinitignan natin sa mga tumatakbong pulitiko. Ang sabi doon, i-rank namin ito sa kung ano ang una naming tinitignan sa isang kumakandidatong pulitiko, kung naaalala ko ng tama, specific pa nga yung nakalagay eh para sa mga tumatakbong senador. Di ko na matandaan yung 10, or kung ano yung pagkakasunod-sunod ng sagot ko; basta yung naging u...

07 July 2019 - "Is dat true mah frend???"

            07 July 2019. Trenta anyos na ako mula kahapon. Tatlong dekada na ako sa mundong ito. Like wtf am I doing here? Or ano na bang nagawa ko? May dapat ba akong gawin? Dapat ba akong ma-pressure kasi 30 na ako? Tapus I’m still as chill as a teenager, charot. Kailangan ko na bang gumawa ng isang dramatic at touching na pagbabago sa sarili? Pero di ba, ayaw ni mother Liling ng ganyan.             Nabasa ko sa dyaryo na may panukalang batas na hindi dapat na mas maaga pa sa 8:30 AM ang pagsisimula ng klase. Like, hello… dati na yun ah. At saka paano naman yan magagawa eh kulang ang mga pasilidad. Paano ang double shift na paaralan tulad ng sa amin? At saka sana higit pa sa iskedyul, mga facilities muna ng school. Tulad nang kahit naman gawing 8:30 AM ang pasok, kung pugon pa rin naman ang mga klasrum, at sardinas kung magsiksikan ang mga students sa dami… wala pa ...

05 July 2019 - “sir, straight ka ba?”

05 July 2019. Tuwing papasok na ako ng school at maglalakad papunta sa faculty, marami akong nasasalubong na estudyante. Noong mga nakaraang taon, sanay na ako na sa simula ng pasukan ay halos walang nakakakilala sa akin, kasi nga grade 10 students ang hawak ko, mga completers na ng junior high at pumapasok na sila sa iba’t ibang eskwelahan sa senior high. First time ko na magturo sa grade 9 last school year, ngayon ay nasa grade 9 pa rin ako kaya tiyak na makakasalubong ko sa pagpasok ang ilan sa mga naging estudyante ko na grade 10 na ngayon. Noong simula ng pasukan, curious ako kung babati pa rin ba sila kung makasalubong nila ako… or dedma na… so para hindi masakit, hinanda ko na ang sarili na baka “dedma” na lang sila kasi di na nila ako teacher ngayon. Ang nakakatuwa lang, kahit meron talagang mga “dedma encounters”, mas may bilang sa akin yung mga estudyante na bumabati at nagmamano pa rin, lalo na yung galing sa section na madalas kong masermonan, yung mga batang lagi ko...

04 July 2019

            04 July 2019. Kaninang umaga, aligaga ako sa paggawa ng lesson plan at materials. Yung pinipilit kong pagsamahin o matapos sa isang oras ang 2 topics (pero ang napagkasya ko lang ay 1 ½ , kung paano naging 1 ½ yun ay ako lang ang nakakaalam hahaha, basta para sa akin ay isa at kalahating topic yun). Pero pagdating sa klase, isang topic lang talaga ang natapos ko. Ang hirap din naman kasing pilitin; nakikiramdam din ako sa mga bagets kung nakakasunod ba sila sa phasing ng lesson, kung naiintindihan ba nila ayon sa kanilang level of understanding. Hindi madaling magbahagi sa kanila kung paano ko naiintindihan ang lesson pero pwede kong ituro ito sa paraan na mas maiintindihan nila o akma sa level of understanding nila, tapus iko-consider ko pa yung prior knowledge na meron sila sa topic dahil ang hirap din naman sa mga bagets kung wala o kulang sila sa ganun. Sa huli, makukuntento na lang ako na naituro ko ang lesson ...

03 July 2019

03 July 2019. Kaninang umaga nagkape ako. Tapus, uminom ako ng maraming tubig; like marami talaga. Siguro mga 500 mL kada isa o dalawang beses ako na maihi. Wala lang, feeling cleansing keme, hahaha! Tapus nun, nadumi ako ng bongga, di ko alam kung dahil ba sa kape o sa dami ng tubig na nainom ko. Pero, okay lang naman. Di kasi ako nakapagbawas kahapon eh, so swak lang ang pangyayaring ito. Sumusubok lang ulit ako magkwento, pero bakit ito yung sinasabi ko, hahaha. Ang baboy; teka parang unfair naman sa baboy… ang dugyot? ng ibinabahagi ko ngayong araw. Gusto ko na bumili ng bagong phone. Ewan ko kung anong nangyari sa primitive asus phone ko na 2014 model pa. Dati okay naman yung camera nya, pero mula nung tinanggal ko yung protective case nya na hindi naman talaga nakaka-protect at hinayaan ko lang ito na maging bare o bold, ayun ngayon naging noisy na ang mga kuha, ang labo. Na-miss kong kausapin ang sarili ko. Yung magkwento ng walang kabuluhan. Yung bigyan ang sarili ko ng ...