Pinalitan na namin si Storm bilang presidente ng aking klase. Ito ay dahil sa napakaraming pagliban niya mula noong matapos na ang training at laban nila sa volleyball. Sayang, dahil malaki pa naman ang potensyal ni Storm bilang leader; sa katunayan, siya pa nga ang captain ng volleyball team. Nabanggit niya na noong siya ay nasa grade 9 ay dati na rin siyang napalitan sa pagiging class officer – napalitan siya dahil di na niya magampanan ang kanyang “tungkulin” sa kanilang pangkat. Naalala ko, isa si Storm sa mga aktibo na nagpa-participate sa klase… kaya nanghinayang din ako sa kanya… ipinagtaka ko pa nga ang maraming line of 7 na marka niya sa card noong siya ay grade 9 gayong may husay din naman siya sa klase… pero ngayon alam ko na kung bakit. Resulta iyon ng kanyang mga absences dati… na nangyay...