2016.06.25 - Lakad sa tanghaling tapat. (Ako, Neri, Eldie, at Pawlik) Na-miss na namin (o baka ako lang) ang kumain sa karinderya malapit sa eskwelahan (tuwing sabado). Noong mga nakalipas na sem ay mas madalas kaming kumain doon; mura na, lutong-bahay pa, at saka masarap naman. Mas nakakabuhay sa pakiramdam kaysa pagkain sa mga fast food na puro na lang ata “magic sarap” (mga preservatives etc.) ang sangkap. Madalas naming orderin sa karinderya ang lumalaban sa lutong (o tigas? hahaha) na lechon kawali; minsan ang panghalina ko ay yung igado na madalas kong napagkakamalan na adobo. Kaya lang, sa ngayon, dahil sa sobrang init (lalo pa’t sa mesang nasa labas ang paboritong pwesto namin) kaya doon na lang muna kami sa mga may aircon...