Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2014

Ano naman kaya ang maiisip mo kung sila ang kasabay mong kumain?... Ang sa akin ay ito -

Ika-31 ng Disyembre, 2014 Miyerkules, 12:53 ng tanghali             Kanina ay kasabay kong kumain ng tanghalian ang mga pamangkin ko.             Apat sila. Kaming lima lang ang sumasakop sa lamesa.             Nagluluto pa ang mga mas nakatatanda. Ako at sila, ay taga-kain lang. Lol.             Ang hirap pa lang kumain na ang kasabay ay puro bata.             Ang gulo! Hehehe.             Kakain na lang kung anu-ano pa ang ginagawa.             Naisip ko tuloy, kung magkakaanak man ako…             …ay hindi muna ngayon.  ...

Syempre, dapat meron ding part 2.

Ika-25 ng Disyembre, 2014 Huwebes, 1:50 ng madaling araw             Achievement ngayong taon nila papa at mama na makatapos ng simbang gabi. Samantalang ako, never ko pa talaga nagawa yun. Hindi ko matandaan kung anong araw o petsa, pero isang umaga ay may ipinakitang papel sa akin si mudra , sabi niya –             “Uy! Tignan mo…,” binubuklat niya ang nakatuping bond paper , ipinapakita sa akin habang nagtitimpla ako ng kape.             “…nililista ko yung mga misa,” yung mararamdaman mo na ‘feeling proud’ si mudra hahaha .             “Nye!” yan lang ang nasabi ko.             “Wala lang!” dugtong niya, sabay tawa na lang kaming dalawa hahaha . Feeling ko kasi nagmamabait na nam...

"...kinalalawitan ng mga bumbilya."

Ika-17 ng Disyembre, 2014 Miyerkules, 7:53 ng gabi             “Bakit mo kinukunan, eh wala namang dahon yan?” , pag-uusisa ni mudra .             “Kaya ko nga kinukunan eh kasi walang dahon…” , ang naging sagot ko.             “Mas maganda yan ‘pag medyo pagabi na, ‘pag nakasindi na yung mga ilaw,” ang kanyang naging suggestion .             Mukhang bright idea naman ang nabanggit ni mudra , pero di ko siya susundin hahaha . At isa pa, di naman kami magpapaabot ng dilim.              “Ang galing noh, pa’no kaya nila nakabit sa puno yung mga ilaw, saan naka-konekta?” , tanong ni mudra .             “Secret!” , pang-asar ko lang he...

Mabuti pa ang masking tape may thoughts to ponder.

Ika-13 ng Disyembre, 2014 Sabado, 9:53 ng gabi             Lagi akong dumaraan sa mga bookstore pagkatapos ng klase. Ewan ko ba… stress reliever ko na ata ito. Wala lang… gusto ko lang makakita ng maraming libro (kahit di naman talaga ako palabasa) . Siguro, noong past life ko ay isa akong librarian! Lol.             Masaya kayang maghagilap kahit di mo naman alam kung anong libro ang iyong hinahanap. Idagdag mo pa yung kakaibang aroma ng mga libro hahaha . Nakakaadik na ewan.             Kanina, habang naggagalugad, nakita ko ang mga librong ito –             …ang isang libro ay may nakadikit na kapirasong masking tape . Luma na. May nakasulat. Ang nakalagay ay –             … ”...

Parang mas ok pa kung wala na lang itong pamagat. Pero lalagyan ko na lang ng kahit na ano. Kasi... sayang.

Ika-10 ng Disyembre, 2014 Miyerkules, 3:57 ng hapon 1. I am longing for someone or something, but I do not know who or what is that I’m longing for. (Nasabi ko na ata sa sarili ko ito dati. May pagka-psychotic na ba ako? lol.) 2. Parang nakakagawian ko na ang magregalo ng libro. Sa totoo lang, yung mga nireregalo kong libro ay gusto ko rin basahin, kaya may ‘hinayang effect’ o ‘separation anxiety’ kapag naibigay ko na hahaha . Pero, kapag naiisip ko naman na nasa mabuting kamay ang librong ibinigay ko, ‘at peace’ na rin naman ako. It’s like giving or sharing a piece of me to that person (ganun) . Minsan, hindi ko masyadong iniisip kung gusto rin ba ng pagbibigyan ko yung librong ibibigay ko sa kanya. Basta interesado ako sa book na nakita ko at sa tingin ko (in some ways) ay ‘swak’ naman sa kanya, yun na ang ibinibigay ko… or I don’t mind na lang hahaha . Bilang ideya ni Denise na mag- exchange gift (halagang 100 pesos lang naman) kaming lima nila Eldie...

“Cold, cold water bring me around…"

Ika-6 ng Disyembre, 2014 Sabado, 9:03 ng gabi             Tirik na tirik ang sikat ng araw kanina –             …parang nagpapahiwatig talaga. Sabi nila, ganun din daw ang panahon bago humagupit si Yolanda . Animo’y payapa… hindi naman pala.             Sana lang ay hindi na lumakas pa itong si Ruby . Sana “less hagupit” .             Ikaapat na sabado. Sa huling klase, late ako ng tatlong minuto. Oks lang naman. Halos kararating lang din ng prof . Agad kong napansin ang mga nakasulat sa pisara. Akala ko lecture na, buti na lang hindi. Mga naiwang sulat ng huling gumamit at nag-iwan ng kung anu-ano sa board. Mga kakatuwang kowtabol kowts . Mabuti na lang hindi nabura ni sir lahat habang nagpapaliwanag siya kanina. Naka- survive ang dala...