Dulot na rin ng modernong panahon, may dalawang paraan na ng pagi- exist sa mundo: una masasabi mong ikaw ay nabubuhay sa real world at pangalawa ay ang pagiging totoo o pagpapanggap ng panibagong pagkatao sa virtual world . Ano na nga ba ang naging epekto ng social media sa ating buhay? Totoo nga bang ‘ walang basagan ng trip ’ sa virtual world ? Gaano ba dapat kababaw o kalalim ang paggamit natin sa iba’t ibang social media tulad ng facebook , twitter , instagram at sangkatutak pang iba? Noong hindi pa masyadong uso ang mga ‘ eklat ’ na yan hehe, texting ang ‘ boom na boom ’ dati. Kaya nga naglipana noon ang maraming text clan na nagpapasabog ng gm (group message) sa inbox mo. At aminado naman ako na nakiuso rin at naki- clan kung kani-kanino, pero di ako sumusulpot sa mga EB (eyeball) dahil nakakatakot din lalo pa’t di mo naman personal na kakilala ...