Paalam 3500c

Sino na ang bago mong friend ngayon?

... Wala na pala si 3500c. Natapos na ang kanyang paghihirap sa mga kamay ko hehe. Apat na taon din ang kanyang itinagal sa akin. Di ko talaga siya kahit kailanman tinangkang palitan dahil kung anong meron siya ay 'swak' lang sa mga demand ko sa buhay :) Pero ngayon ikinalulungkot kong 'waley' na siya.

Nung minsang na-lowbat ang bestfriend ko ay di na siya naisalba ng charger. Na-comatose na :) Ayaw na mag-open, di na maayos ang tunog at mabagal na rin, kaya madalas mablanko ang kanyang screen. Kaya yun.

... Wala na akong maihahagis sa umaga tuwing nag-aalarm.
... Wala nang malalaglag sa hagdan or kahit sa daan.
... Wala na akong paliliparin sa ere at di naman sa lahat ng oras ay masasalo. 
... Wala nang magtyatyaga sa mukha ko para kunan ng larawan.
... Wala na akong pakikinggan na mp3 o papanuoran ng mga na-record na moments ng aking buhay.
... Wala na akong pang-save ng mga random thoughts or minute ng meetings na ginagawa ko sa kanyang 'notes' feature.
... Wala na rin yung 'calendar' na pinupuno ko ng mga events na pinapa-alarm ko yearly para maalala ko na ngayong araw pala nangyari yung masayang event na yun.
... Wala na ang mga larong batman and superman, captain america, pacman, fantasy warrior 2, snake, sudoku at canal control. Wala nang libangan kapag bored sa buhay.
... Wala na ang kanyang 2megapixel camera na pinagtyagaan ko :) kahit slow motion kumuha.

... Wala na ang bestfriend ko na pinakamagatal kong nakasama sa buhay. Dun pa naman naka-save ang speech ni Steve Jobs at Miriam Defensor Santiago na pinakikinggan ko bilang source of inspiration hehe. Yung mga kanta ng hillsong at starfield. Yung mga naka-save na inspiring quotes at marami pang 'ek-ek' ng buhay. Naging 'extension' talaga yun ng aking sarili.

So, sino na nga ang naging kapalit niya?

... Kinailangan ko siyang palitan, dahil sa ngayon ay mahirap mabuhay ng walang cellphone. Nag-SAMSUNG na ako :) yun nga lang ang samsung na ito ay walang 'galaxy' walang letter 'x' or 'y' at lalo namang walang 'tablet' o 'stylus man lang. At hindi rin touchscreen lol :)

<------- ayan siya :)

haha, sosyal di ba?

Kahit walang wifi si nokia 3500c, nakakapag-internet pa rin naman ako dun basta may load :) pero itong samsung na 'to. total disconnection sa cyberspace haha.

Ang meron siya na wala si nokia 3500c ay ang kanyang maliwanag na 'torch light' haha, and the rest are obsolete!
Pero matagal ang battery nito, once a week lang i-charge.

Napaka-basic ng cellphone ko ngayon, level-DOWN haha. Pang text and call lang talaga. Di ko na yan binili, actually pinaglumaan yan ni mudra, pinamana niya sa akin nung malaman niyang nawala na ang aking bestfriend phone.

Si mudra at si pudra ay naka-QWERTY phone, yung kapatid ko naman naka smartphone na samsung, at ako? Ayan ang lagay ko ngayon lol :)

Naawa pa nga si mudra kay nokia 3500c nung makita niya yung huling condition nito. Wala na yung parang bakal na nakapalibot sa harapan, natanggal kakahagis at kakabagsak ko, at di na rin maisara yung likod dahil sa lobo niyang battery lol, pinalitan ko naman yung battery pero suko na talaga siya.

Parang di ko pa rin kasundo si 'samsung basic phone' na yan. Di ako agad nagigising sa kanyang alarm, dahil apat na taon akong nasanay sa 'papaya mp3' tone ng alarm ni 3500c.
Parang di rin siya pwedeng maihagis or malaglag man lang dahil baka wala pang 'sang buwan ay bawian na siya ng life lol :)

Uhm, anu kaya ang bibilhin kong cellphone? Di pa rin ako makapag-decide kasi yung gusto ko ay yung tatagal din tulad ni 3500c. Namimi-miss ko na ang bestfriend phone ko, di ako bibili ng bago hangga't di ako nakaka-move on :) (weh? o wala ka lang pera pambili? haha)

Basta, sa mundong 'to na puro na touchscreen o smartphones ang uso, di ko pa rin malilimutan ang bawat pagdampi ng dalliri ko sa keypad ni nokia 3500c :) R.I.P.!

Mga Komento

  1. Wow napahanga mo ako dun pareng Jep. Dahil di ka talaga nagpadala sa mga technological advances na meron ang mundo natin ngayon. Isa kang example ng isang taong uma abide lang sa needs at hindi sa wants. Isang saludo sa iyo.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha salamat! pero feeling ko napaka-primitive ko naman :)
      pero ganun talaga, hangga't kuntento pa ako sa ginagamit ko OK na yun :)

      Burahin
  2. Mahirap talagang mawalay sa isang kaibigan. Nang mamatay ang aking pone last November, sobrang hinayang ko duon. Tanga kasi ako at isinukbit ko sa waist ko while doing the garden. Nagpawis sa loob, hindi gumana ang touch screen :( wala akong suggestion as to what to buy pero you can pm me your address.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hehehe...smell something good here. Baka bigyan ka ng gift ni sir Jonathan..hehehehe..hinala ko lang hahahaha

      Burahin
    2. uhm, gusto ko yang ideya mo sir jay haha :)

      Burahin
    3. sir jonathan maraming salamat!
      kakaibiganin ko na 'tong si samsung na walang 'galaxy' :)

      Burahin
    4. Hindi naman galaxy ipadadala ko, solar system lang naman. I thought of just giving someone something as part of my birthday at nagkataon ikaw yun. Si Sir Jay yata, makikihati, naamoy niya daw, ha,ha,ha.

      Burahin
    5. haha wow thank you, kaso 'shy' ako sir hehe :)
      si sir jay kasi eh :) haha

      Burahin
  3. ang loyal mo jepoy ah! :) hehe kung ako yan, hindi na yan tumagal ng isang taon(nasira o nawala ko na yan o nagsawa) hihih

    TumugonBurahin
  4. Ang tagal ng ng apat na taon na pinagsamahan nyo ni 3500c. Sanay's etong si samsung galaxy ay tumagal din ang samahan nyo. Kahanga-hanga ka, sa kabila nang uso na ang mga magagandang cp pero mas pinili mo parin ang simple at kailangan na cp lang:D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. makaluma kasi akong tao sir archie :)
      yun lang kasi talaga ang tinitignan ko sa mga gadgets eh, kung kailangan ko ba yung mga features or not

      Burahin
  5. Mga Tugon
    1. wala talagang galaxy :)
      ika nga eh parang 'plain rice' lang

      Burahin
  6. saklap naman nangyari sa 3500c. at grabe so loyal mo, hihi.. ako 1month palang cp sa akin sawa na ako agad, hihihi! move on ka na, makakahanap ka din ng papalit kay 3500c mas tatagal pa sakanya, hihi:)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sana nga meron :)

      ang bilis mo magpalit ng cellphone ah'

      katabi ko pa rin siya matulog kasi feeling ko mag-aalarm pa rin siya lol :)

      Burahin
  7. haha well sakin laspag na phone bago mapalitan haha
    dati nga transformer na tawag sa phone ko haha
    well ako naman basta ok ung pggamit ee swak na sakin
    di ko din nmn afford ung mamahaling phone isa pa mas matitibay yung mga ganyan

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. korek matitibay nga sila :)
      at mahaba ang buhay ng battery kasi di mo naman pag-uubusan ng oras kakapindot dahil wala namang ibang features hehe

      Burahin
  8. Aww. Condolence. :)
    Pero baka may pag-asa pang marevive yan sir. If software lang ung problem, nandito lang po ako. :D May experience po kasi ako sa pag-refurbish ng phones tulad nyan (seriously!). Kapag hardware ung problem, it's out of the question. Lol :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. uhm, minsan nga pa-check ko sayo :)
      pero feeling ko dala na rin ng kalumaan kaya siguro nasira na.

      Burahin
  9. I'll go for samsung pale.. ako yung 3 year phone ko namatay na din last week..Black Pa-Red name niya..lol..nalowbat kasi tas nag sim erro na tas waalllaaa na..hay!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. parang ganyan din nangyari sa 3500c ko,
      nice name ah, Black Pa-Red :)

      Burahin
    2. kasi yun yung kulay nya..from black going rED

      Burahin
  10. naligaw lang po ehehehe. ehehe ako man di masyadong fan ng tatskrin. mas sanay ang mga daliri ko ng may kinakapang button ng saganun eh pwede akong makipag usapa habang nagtetext :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat sa pagkaligaw hehe :)
      alam ko naman na marami pa rin tayong mga tumatangkilik sa keypad :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento