Totoo ba FB?

Ito ay galing sa facebook :)
share-share din lol

Minsan nakaka-pressure ang buhay. Di ko malaman if kaya ko ba o hindi or whatever. Pero kapag naiisip ko na minsan lang ang mga pagkakataon, parang dapat lang i-grab ang lahat ng opportunities... yun nga lang tingin ko dapat pa ring pag-isipan. Hay, nakakalito, basta move on lang ng move on!

Sabi naman ng mambobolang application sa facebook eh ako daw ay isang compassionate soul at excellent sa maraming bagay :) at nagpapadala naman ako dun para pang-good vibes lang :)

Pag ganitong mga buwan sa school na malapit nang matapos ang academic year, bumubuhos  ng mga gawain at deadlines, nakakairita haha :) lalo pa na graduating class ang hawak ko... yung masasayang moments napapalitan ng pagka-busy! Panabla ko na lang ang pagtawa at pag-ngiti :)

...Inhale! ...Exhale!

Kaya mo yan jep! Konting sipag at tiyaga lang!
Makakatapos din! Nakakagigil haha :)

Pag natapos talaga ang mga moments at events na ito magwawala ako ng TODO!!!

Magpapa-gulong gulong ako sa kalsada!
Pipitikin ko lahat ng makakasalubong ko!
Sisigaw at magtatatalon na parang new year! :)

O siya, bawal magkasakit.
Disadvantage lang sa 'kin yung pagiging tulala creature ko, kailangan ko ata mag-evolve.
Minsan napakaikli ng atensyon ko, napakadali kong mainip.

Para akong nakikipag-karera sa oras. Nagiging stressful na marinig ko yung 'tik-tak' ng orasan, ayaw tumigil, nakakairita haha :) Di talaga ako mananalo against time.

Kailangan kong ma-control ang stress at pressure, I need to meditate all the time lol :)

Mga Komento

  1. anung apps yna sa fb?
    nice swakto sa educator oh

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nakalimutan ko nga eh,
      click and share lang ginawa ko,
      nakigaya in other words lol

      yun pa, sumakto sa educator, pero gusto ko yung body worker lol

      Burahin
  2. Isipin mo na mamamasyal ka after the school year para ganahan kang mag work. Pasyal na dito !

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hay mukhang mahirap isipin yan sir :)
      uhm, isipin ko na lang, magbabakasyon na at pwede na ulit mag-hapi hapi kaso ang tagal pa tsk'

      Burahin
  3. Tama, naranasan ko na din ang mga "pressure" mo sa buhay. Kalimitan yung mga pinaapalampas natin e yun yung talagang mga nakakpanghinayang, Pero syempre wala naman tayong magagawa dun kundi mag move on.

    Natawa naman ako sa pagwawala mo ng TODO. Dati nung nasa school pa ko parang ganyan din ako, lalo na pag super hectic ang sked at nag kakasabay sabay ang mga deadlines. tapos hindi mo alam kung anong uunahin mo. At jan llabass ang talent mo sa time management! HAHAHAHAAH!

    Chill ka lang jan! :))

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. korek ka din! walang katapusang time management tsk'
      'pag naiisip ko yan feeling ko bawal magpahinga, lalo lang ako nahahaggard lol

      sana talaga umayon sa akin ang destiny ng buhay :)

      Burahin
  4. - Inhale... outhale... :P
    - Sige sir, 2 months na lang, mapipitik mo na ung gusto mong pitikin. Lol :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. konting tiis na lang, pero marami pang mangyayari, more power sa atin!!!

      Burahin
  5. Think positive lang to control stress and pressure! It all boils down kasi sa perspective ng isang tao eh. Kaya mo yan at isipin mo nalang that God has something for you to accomplish that's why you are where you are. Chill!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama sir jay, chill lang! :)
      lagi pa rin naman ako tumatawa at ngumingiti kahit maraming gawain'

      Burahin
  6. Anong apps yan? Basta ako kahit ano pa man yan nagsstick parin ako sa kasabihan ko na "i'm masterpiece of my life". Ako at ang Dyos lang ang magdedesign ng kapalaran ko :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nakalimutan ko yung name ng apps sir archie'
      nakigaya lang kasi ako eh hehe :)

      tama ka dun sir, ang ating sarili at ang Diyos lamang ang makakapag-design sa ating buhay.

      Burahin

Mag-post ng isang Komento